CHAPTER 42

2.4K 66 0
                                    

Chapter 42 :

"What is this?!" inis na sigaw samin ni Daddy, sobrang nahihilo naman ako pero di ko naman pinapahalata.

Nandito kami sa mansyon kung saan ako lumaki, nasa paanan ko naman si Vivo, himala nga at kilala niya pa ko.

"Parker?" napalingon naman ako sa nagsalita si Daddy Wilson, halata din sa mukha nito ang pagkainis.

Kumalat kasi sa social media ang ginawang panunugod sakin ni Sandra, good thing, hindi na ito umabot sa media dahil ginamit ni Daddy ang connection niya as senator.

"Dad.."panimula ni Parker, tahimik naman ako, masakit kasi talaga ang ulo ko, pinilit ko lang pumunta rito dahil natunugan ko ang inis ni Daddy ng tumawag siya sakin.

"Hindi totoo lahat nang pinagsasabi niya, gusto niya lang kaming sirain ni Cab, matagal na kaming wala..matagal na.." pagpapaliwanag nito.

Kunot noo namang napatingin sa kanya sina Dad. Tinitimbang kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Parker, I know that you already fell inlove with my daughter, at gusto ko ding malaman ang buong katotohanan, nong isang araw, pumunta si Sandra sa opisina ko, begging me to stop the wedding" saad ni Dad, napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras, nagtataka, tiningnan ko din si Daddy Wil pero wala sa pagtataka ang nakarehistro sa mukha niya, mukang sinabi na rin sa kanya ni Daddy bago pa kami.

Now what!?

"W-why?"ani ni Parker, namumutla na din siya at hindi mapakali.

"She said that she's pregnant, and Parker, ikaw ang itinuturo niyang Ama ng ipinagbubuntis niya" sagot ni Daddy Wil.

Nagulat ako sa sinabi niya. Di makapaniwala sa nangyari, Tiningnan ko si Parker, at gaya ko, nalilito din.

"Is that t-true?" tanong ko sa kanya, pakiramdam ko din hindi ako makahinga  dahil sa nalaman ko.

"Cab, h-hindi totoo y-yun.." nauutal niyang sabi, naginit naman ang mga mata ko, tanda na maiiyak na ko.

Nauutal siya. Namumutla siya. Natatakot siya. Nanginginig siya. At nagsisinungaling siya.

Lalapitan niya sana ko nang harangan siya ni Dad, nakita ko din ang pagyuko ni Daddy Wil.

"I bet, walang magaganap na kasal. Sapat na ang anim na buwan na magkasama kayo" saad ni Dad, dun na nga ako napaiyak.

"D-dad.."pagmamakaawa ko.

Baka kasi nagsisinungalin lang si Sandra.. Baka kasi gusto niya lang kaming sirain..

"Stop this stupidity, Cabrielle! Stop it!" sigaw ni Dad na ikinatahimik ko, kahit si Parker ay natahimik din.

"Pare.."saad ni Daddy Wil or Tito Wilson now..

"Intindihin mo Wilson, she's a her, she's my daughter, and this is enough, I dont want to see her being in pain because of your son"madiin na sabi ni Daddy kay Tito Wil.

"D-dad.."saad ni Parker kay Daddy, napatingin naman si Daddy sa kanya, halata pa rin sa mukha nito ang iritasyon.

"Just..just call me Tito, Parker..pasensya na, nagagalit ako sa ginawa mo, though I have no solid evidence that the child is yours, still, gusto kong lumayo ka muna sa anak ko" dire-diretsong sabi ni Dad, napalunok naman si Parker.

Magsasalita pa sana si Parker pero naunahan na siya ni Daddy. "Nakikiusap ako, umalis ka na sa pamamahay ko, baka hindi pa ko makapagpigil at makalimutan kong anak ka nang matalik kong kaibigan" napahagulhol ako sa narinig, if its true that he is the father, then I will forgive Parker no matter what, mahal na mahal ko siya at ok lang akong masaktan ulit ako para sa kanya.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat