9

2.8K 69 1
                                    

Chapter 9 :

"Is this already Cabrielle, Alfonso?" tanong ng isang may edad na babae. She's wearing a fine fitted dress, she's a bit old yet her body wouldn't deny how rich is her. Even her clothes and accessories say's it all.

Nasa isang event kasi kami ngayon, kasama ang iba pang pamilya na tanyag pagdating sa negosyo. Taon taon kasi ay nagkakaroon ng pagtitipon upang makabuo pa ng partnership sa iba pang pamilya. Sinasama din ang mga tagapagmana para makilala at masanay na rin, dahilan kaya nandito ako ngayon.

"Yes Lolita, ang nag-iisang tagapagmana ko." proud na sabi ni Daddy and I smiled.

Obvious naman Dad na ako ang heiress e, ako ang kasama mo rito.

"She's a pretty lady." she commented. "What program do you take by the way?" tanong nito sa'kin.

"I'm currently taking law po at nasa huling taon na rin." sagot ko saka ngumiti, tumaas naman ang kilay niya saka tiningnan si Daddy at tinapik sa balikat.

Napamaang ako sa nakita. This bitch!

"Mukhang matalinong bata rin." saad panito.

"Saan pa nga ba mag-ma-mana." wika ni Dad, nagtawanan naman sila. Habang ako ay napangisi na lamang, I want to punch my pouch into that old lady's face for real. She's flirting Dad, like she's old.

"Dad, let's go at gutom na ko." bulong ko kay Daddy, actually palusot ko lang iyon para makaalis na kami sa harapan ng babaeng ito na nakailang himas na sa braso ni Daddy.

Very gross!

"Please excuse us, Lolita." sabi ni Dad saka kami umalis at pumunta sa isang malaking table na kung saan ay may nakalagay na mga pangalan namin. Mayroon pang isang pangalan ang nando'n pero di ko na rin binigyan ng pansin, agad naman din kasing may nag-serve ng pagkain sa'min.

"Dad, I hate that woman." pagsisimula ko agad. "That Lolita, are you having a romantic relationship with her?" I asked him saka ako nagsubo ng pagkain, napailing naman si Daddy sa narinig.

"Lolita is just my friend, Anak." aniya. "Ikaw pa rin naman ang Reyna ko, dont worry." dagdag pa niya.

"Dad, its not because I'm not allowing you to pursue someone again." wika ko. "It's just, tell me first before courting a woman para naman makilatis ko." saad ko, pinagtawanan niya ako kaya ngumuso ako.

Hindi na nasundan pa ang conversation namin ni Daddy, naging busy na kasi kami sa pagkain. Maya-maya ay bigla siyang tumayo, kaya napatingin ako sa kanya.

"Wilson, long time no see." bati nito sa naunang lalaki na dumating, tumayo naman ako para batiin din sila.

"Good evening po." wika ko na ikinatingin niya sa'kin. Pinakilala naman ako ni Daddy sa lalaki kaso hindi ko na ito nabigyan ng pansin ng bigla kong napansin ang  lalaking nasa likuran ng lalaking kaharap ni Daddy.

Hell!

Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang pouch na dala ko, at saka pilit na nginitian ang lalaking kaharap namin ni Dad.

Why would Parker Park will be here? Well, it's a business venture, pero bakit dito pa mismo sa may table namin? Oh my gosh! I hope he doesn't see me and mas better kung hindi niya ako makilala.

"Dad." dinig kong sabi niya, napapikit ako.

"By the way Alfonso, this is my son, Parker" dinig kong sabi ng kakilala ni Daddy. "Parker, this is my bestfriend, Alfonso and her daughter, Cabrielle." pagpapa-kilala ng lalaki sa'min.

So, means Tatay niya 'yon! Parker's Dad is my Dad's bestfriend! What a small world!

Agad nagbatian sina Daddy at Parker. Dahan dahan ko namang binaba ang pouch ko at tiningnan si Parker na sa ngayon ay nakangisi na sa'kin, yumuko ako tanda ng pagbati saka sila umupo sa table na kung saan ay nando'n din kami naka-upo.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now