CHAPTER 10

2.9K 67 0
                                    

Chapter 10 :

"What's this?"takang tanong niya ng ilapag ko sa table niya yung binili kong card at keychain, may kasama din iyong hot choco at tatlong tulips.

"Remember nanliligaw ako sayo"dire-diretso kong sabi, tiningnan naman ako habang nakangisi tsaka pinatong ang likod sa kanyang swivel chair.

"You're unbeliavable.."nakangisi niyang sabi.

"Ofcourse, I'am Cabrielle Chua"sagot ko sa kanya.

"You're unbeliavable desperate woman, yeah ofcourse.. "sabi niya tsaka ako napanguso, minsan talaga di ko gusto ang tabas ng dila niya pero dahil siya si Parker Park, eh palalagpasin ko yun, kahit totoo naman ang sinabi niya.

"I love you too, Parker.."sabi ko tsaka ako napalunok, wahhh! Bakit!!

First time ko kasing mag i love you sa kanya sa personal, shet ang puso ko!

Seryoso naman siyang tumayo at tsaka lumapit sakin, napayuko ako.

"May klase na nga pala ko, bye!"tatakbo na sana ko palabas nang hawakan niya ang kaliwang wrist ko, daddy!!!

Naramdaman ko agad yung sinasabi ni Vin na parang kuryente raw, aishhh, ito pala yun, at jusko! naririnig ko na ang pintig ng puso ko.

"What did you just say, Chua?"tanong niya tsaka ako hinarap sa kanya, napaatras ako pero umabante siya, umatras ulit pero shemay! umabante pa rin siya.

"Ah ano..."sabi ko tsaka tiningnan yung heels ko, napaatras ulit ako pero dingding na ang sumalubong sa likod ko.

"What?"seryosong bulong niya, napalunok ako, ang lapit kasi ng mukha niya tapos yung boses niya parang nangaakit.

Why Parker, why!?

"S-Sabi ko, I-I love y-you, too P-Parker"mahina kong sabi, tsaka napansin yung mga katawan namin magkalapat na pala sa sobrang lapit.

"I hate you, Chua"bulong niya tsaka lumayo sakin at seryosong tiningnan ako.

Napanguso ako. Lagi naman siyang ganyan, nakakainis pero mahal ko yan.

"Kala ko ba may klase ka pa, bat di ka pa umaalis?"tanong nito.

"O-oo nga pala, b-bye Parker!"masiglang sabi ko sa kanya kahit nauutal na ko sa sobrang kaba.

Agad akong lumabas sa office niya tsaka pinakiramdaman ang tibok ng puso ko, bat sobrang bilis pa rin nang pagtibok, ganun na ba ang epekto sakin ni Parker.

Nang makapunta ako sa klase ko ay tulala na lang akong napaupo sa tabi ni Nik.

"Tulala ka? "tanong niya, di ako sumagot, ayaw kong sumagot.

"Musta kayo ni Sir Park?"si Vin naman ang nagtanong sakin, kaya napatingin ako sa kanya. "Going good or bad?"

"Hindi ko alam"sagot ko. Good kasi napapansin niya na ko?Bad kasi sobra niyang sinasabi na di niya ko magugustuhan.

"So ano na bang ganap?"si Nik. "I courting him"sabi ko na ikinalaki ng mga mata ng dalawa.

"Seriously, Cab, what's wrong with you"sagot ni Nik, napataas naman ang kilay ni Vin.

"You're really inlove with him na, right?"sabi ni Vin, tumango na lang ako.

"Is that good?"tanong ni Nik, Vin nooded. "Beside nine years din naman siyang nagdusa kay Minho, so ngayon alam nating move on na siya dun, at nagpapakaseryoso na siya sa buhay"sagot ni Vin

"Pero di naman siya pinapansin ni Parker, at halatang ayaw ni Parker sa kanya"sagot ni Nik. 

"Ouch Nik, ouch!"singit ko sa kanila pero di niya ko pinansin.

"Masyado pang maaga para mangjudge, malay mo sa huli, magkagusto din si Parker sa kanya"positive na sabi ni Vin.

"Right, mangyayari lang yun, kapag wala nang gusto sa kanya si Cab"sagot ni Nik na ikinakagat ko ng labi.

Sasagot pa sana si Vin pero dumating na yung prof namin kaya naman, nagfocus na lang kaming tatlo sa pakikinig.

*****

"Dad, what if matapos yung 8 months na wala pa ring nangyayari?"tanong ko kay daddy, nasa bahay kami ngayon at nakaupo ako sa damuhan, habang si daddy naman nakaupo sa isang wooden chair at nainom ng tea.

"Kung natatakot ka sa magiging resulta, wag mo na lang ituloy anak"payo nito, ngumuso na lang ako, bat ko naman di itutuloy.

"Dad, natatakot ako pero ayaw kung magsisi na di ko sinubukan"sagot ko.

"I wish, I could be you, braver than I expected"saad niya na ikinatingin ko.

"Dad, if its about that woman then dont talk to me"mataray kong sabi, ayaw kong pinaguusapan siya. "Kahit si Lolita na lang ang pagusapan natin, wag lang ang babaeng yun"

"Anak, she's your mother.."sabi niya.

"Still, iniwan nya pa rin ako"sagot ko tsaka ngumuso.

"Because she think, na mas makakabuti na mabuhay ka na kasama ko"sabi niya.

"I dont care, and please, ako ang may problema dito, hindi ikaw"pasuplada kong sabi.

Pag kami lang kasi ni daddy ang magkasama, eh muka lang kaming magtropa kung magusap, bestfriend ko baga, mas nailalabas ko nga ang pagkasuplada ko kay daddy kaysa sa mga kaibigan ko.

"Alright"pagsuko ni dad.

"So dad, kumusta naman daw yung pamimilit ni daddy Wil kay Parker, may good news ba?"tanong ko sa kanya, pero umiling naman ito tsaka ako huminga ng malalim.

"Btw dad, panu kayo nagkakilala ni Daddy Wil?"tanong ko sa kanya.

"Talagang daddy na ang tawag mo sa kanya, nakakapagselos naman anak" sabi ni dad.

"Dad naman eh! wag ka nang magselos, isa pa, para masanay na ko"sagot ko. "Eh dad, yung tinatanong ko, sagutin mo na?"

"Ganito kasi yan" paguuna ni dad.

"Highschool nang magkakilala kami ni Wilson, pero nagsimula kami sa pagiging magkaaway, he's the handsome one who flirt every girl in school, ako naman yung tipong palaging seryoso at mahirap lapitan ng mga babae." pagpapatuloy nito.

"Lagi ko siyang natatalo pagdating sa academics pero ako naman ang natatalo niya pagdating sa mga sport, yun ang pagkakaiba namin, lagi din siyang napipikon sakin dahil sa mas sikat ako sa mga babae kaysa sa kanya"

"Hanggang sa dumating ang point na nagkaroon ng rambol laban sa isang eskwelahan, at kasama sa grupo ng school si Wilson, dahil mas marami ang kalabang grupo ay nakalamang sila. And then, napadaan naman ako kung saan pinangyarihan ang rambol, dun ko nakita si Wilson na pinagtutulungan ng tatlong lalaki."

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko ng oras na yun pero ang alam ko lang naging magkaibigan na kami pagkatapos mangyari yun, though he still the same, kilalang playboy at laging bumabagsak sa mga subject"

Nakangiti si dad habang nagkwekwento, siguro ang tibay ng friendship nila.

"And then next, bat di ko maalala na pumunta siya sa mga gathering ng family natin dad?"tanong ko.

"His parents sent him to France for college, at dahil pareho na kaming busy, di na kami nagkakumustuhan, ang balita ko din nun, pumunta siya sa US nang makapagasawa siya"sabi niya.

"Dad, anak mo ba talaga ko?"natanong ko bigla na ikinatingin niya.

"Oo naman"medyong natatawa pang sabi ni dad. "Bakit mo ba naitanong?"

"Kasi based sa kwento mo, eh mas nagmumukha akong anak ni Daddy Wil"nakanguso kong sagot. "At parang si Parker pa ang anak mo"

"Because you're just like your Mom, iha"maikling sagot niya.

Yeah. Sa lahat pa ng attitude na namana ko is ito pang pagiging childish ko. Bat kasi di na lang kay dad.

"And you know what, because of her, I learn how to love and how being inlove"sabi ni daddy habang nakangiti at nakatingin sa madilim na kalangitan.

©Itsiooiooie

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now