CHAPTER 31

2.5K 60 0
                                    

Chapter 31 :

Nagising na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak, nahihilo din ako at sobrang sama ng panlasa ko, dahan-dahan akong bumangon at parang bulag na tinungo ang banyo.

Agad akong nagsepilyo at naghilamos. Paglabas ko, dun ko lang napansin na na nasa bahay pala ko, namin ni Parker.

At sino naman ang naghatid sakin dito!?

Napapikit ako, kumikirot na naman kasi ang ulo ko, hinanap ko din si Parker sa buong silid pero wala siya.

Maglalakad sana ko pabalik sa kama, nang bumukas ang pinto ng kwarto namin, bumungad doon si Parker.

"I bet you feeling dizzy, here.."sabi niya tsaka binigay ang gamot sa hang over, may dala din siyang tray na may dala ng soup at isang basong orange juice.

Inaalalayan niya pa kong umupo sa kama, dun ko rin napansin na may pasa siya sa mukha.

"Who did that?" ako sabay turo dun sa pasa niya.

"Yung baliw dun sa kanto"anya,napakunot noo ako, may baliw ba dun sa kanto?

Agad ko namang kinuha ang medicine kit sa katabing cabinet tsaka hinarap siya.

"Kumain ka muna"sabi niya sakin.

"Wala akong lagnat, hang over lang to,  pwede pang ipagpa-mamaya yan."ako.

Wala siyang nagawa. Nilagyan ko lang naman ng oilment yung pasa tas band aid.

"Sa susunod, magiingat ka na"sabi ko tsaka siya tiningnan na seryoso namang nakatingin sakin. "What?"

"Do I deserve you?" tanong niya, hindi ako makasagot, ano naman kasing isasagot ko sa kanya.

"Uhm. Sino pala ang naghatid sakin dito?" pagiiba ko ng usapan, bigla naman siyang napasimangot.

"Wag mo nang alamin" sabi niya tsaka tumayo. "Kumain ka na"anya, tumango na lang ako tsaka siya umalis sa kwarto namin.

*****

Nakapagtataka dahil hindi sinundo ni Parker si Sandra sa bahay nila, di na naman ako nagtanong dahil baka pagalitan niya na naman ako.

Sa ngayon, kasama niya ko dito sa office niya, kumakain kami ng lunch nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa non si Sandra.

Inirapan niya pa ko bago siya pumunta kay Parker at niyakap ito nang mahigpit.

"Stop it Sandra"saway ni Parker, lihim akong napangiti.

Buti nga sa kanya.

"Anong nangyari gyan?"tanong ni Sandra, mukang napansin niya din ang pasa sa mukha ni Parker.

Hindi sumagot si Parker. Napatingin naman sakin si Sandra. "This is your fault!"sabi niya sakin at susugudin sana ko nang pigilan siya ni Parker.

Fault? Ano bang ginawa ko? Pangalawang beses niya na kong sinabihan tungkol sa salita na yan. Wala naman akong alam.

"Si Minho ba ang may gawa niyan, Parker?"inis na tanong ni Sandra, natigilan naman ako, tsaka ko naalala na kasama ko nga pala si Minho kagabi.

"Huh! don't bother to answer it, alam ko din naman ang sagot, sadyang napakalandi lang talaga ng babaeng to" sabi niya tsaka ako tiningnan.

"Umalis ka na Sandra" mahinahong sabi ni Parker, natawa na lang ng pagak si Sandra tsaka ako inirapan bago umalis.

"Is she telling the truth, Minho did that"ako, di siya nagsalita, napayuko na lang ako.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant