CHAPTER 15

2.5K 57 0
                                    

Chapter 15 :

Hindi ako mapakali, simula nang mangyari yung gabing nagusap kami, di na ko nito pinatulog nang maayos.

Ni hindi na nga nagrereplay sa mga text ko, di rin niya sinasagot ang mga tawag ko.

Hayss, mababaliw ako nito sa kakaisip sa kanya. Ano bang dapat kong gawin?

Pumayag na lang sa gusto niya na ipull out ko yung engagement?eh ako nga ang utak non eh, tapos ipu-pull out ko.

Pumayag na maging sila, tas fiance ko siya, ano yun?! Napaupo ako dahil sa malalim na pagiisip, nakakainis kasi pagganito.

Maya-maya, agad akong nagbihis, at mabilis na umalis ng bahay habang sakay ng kotse ko.

Gusto kong puntahan si Parker sa bahay nila, gusto ko kasing maayos na namin to.

Halos kalahating minuto din ang binaybay ko nang makarating ako sa isang malaking bahay, yung totoo, halos magkasinglaki lang ang bahay namin at bahay nila Parker, ayun dito sa binigay na address sakin ni Dwight.

Kaagad kong pinindot ang doorbell button ng gate nila, maya-maya pa ay lumabas ang isang may katabaang babae.

Sa hitsura nito at mukang kasambahay ito sa bahay nila Parker.

"Sino po sila?" tanong nito, tsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa na ikinataas ko ng kilay.

"Cabrielle Chua, and I need to see Parker Park, is this his house?" dire-diretso kong sabi, napatango naman ito nang mabilis tsaka ako pinagbuksan ng gate.

"Nasa likod po Mam, si Sir, sandali lang po at sasabihin ko na nandito kayo"anya nang nakapasok na kami sa loob.

"No need, ako na lang ang pupunta"sabi ko tsaka ko siya nginitian, agad akong dumiretso sa likod ng bahay nila.

And there he is, nakaupo sa gilid ng isang kidney pool style at tinitingnan ang maliit na man made falls sa kanilang bakuran.

"Hey..."ako tsaka lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya, nagtataka naman siyang napatingin sakin.

"I'm sorry" paguuna ko. "Sorry kasi nagalit kita"

Yumuko siya tsaka ako tiningnan nang napakaseryoso, yung tingin na akala mo matutunaw ka.

"Ok, I'm sorry too, actually napagisip-isip ko na mali nga naman yun"sabi niya. "Isa pa, dapat di kita pinilit dahil lang sa kagustuhan ko"

"So wala na tayong LQ" biro ko sa kanya tsaka siya tumango.

"Psh! So hinintay mo lang talaga kong magpunta dito"sabi ko.

"Nope, di ko nga inaasahan eh," sabi niya na ikinangiti ko.

Hindi ko alam na ito ang magiging resulta nang pagiging stress ko kay Parker nong nagdaang araw, parang ang bilis lang kasi.

"Uhm, nga pala, pumapayag na ko dun sa gusto mo"sabi ko na ikinatingin niya sakin.

"Yung alin?"

"Yung tungkol sa girlfriend thingy.. "sabi ko.

"Kasi Parker ganito, ito yung gusto kong kondisyon, gawin mo na lang sa kanya yung mga ginagawa ng isang boyfriend sa kanyang girlfriend, pero ang wag mong gawin yung dalhin siya sa bahay, at hayaan siyang manipulahin ang oras mo na dapat ay oras ko, yun lang naman"

"Isa pa, wag mong gawing official na kayo hanggat di natatapos yung 8 month rule natin, ok?" sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ko, a genuine one. Tsaka ako niyakap nang sobrang higpit na ikinagulat ko.

"I really don't deserve this kindness of you, Cabrielle, but I'm really thankful na ikaw ang napili ni dad na i-engage sakin" sabi niya na ikinalunok ko.

No. Ako ang pumilit sa Dad mo na i-engage ka sakin.

"Pang-apat mo na yan!"sabi ko na takang ikinatingin niya sakin.

"Pang-apat na beses mo na kong tinawag na Cabrielle, nafa-fall ka na no" biro ko na sana magkatotoo, nginisihan nya lang ako tsaka sya tumayo.

"Kain tayo, nagluto si Andeng ng paborito ko"sabi niya tsaka ako tumayo.

"Hindi na, ang totoo, may pupuntahan akong meeting about sa career ko as a model" sabi ko.

"Tch! Nakakapanibago, pero sige, salamat ulit" anya, nginitian ko na lang siya tsaka niya ko sinamahan papunta sa sasakyan.

Nagwave pa siya sakin, habang paalis na ko, syempre ako ngingiti.

Pero agad ding napawi ang ngiting yun, at agad bumulusok ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Hininto ko ang sasakyan sa isang bakanteng lote na medyo malayo na sa bahay nila Parker.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobra sobra na yung pagmamahal ko sa kanya.

Martir na ata ang tawag dun sa ginawa ko eh. Pumayag ako kahit labag sa kalooban ko. Pumayag ako kahit alam kong masasaktan lang ako sa huli.

Pinatong ko ang ulo ko sa manibela at tsaka pumikit.

Tama.

Si Parker ang goal ko, unang beses ko pa lang siyang makita. Sabihin man natin na nagpapakamartir ako, ok lang basta para kay Parker.

Gagawin ko naman ang lahat sa loob ng 8 months, mahulog lang ang loob niya sakin.

At mas ok na yun, dahil sinubukan ko, tsaka ko na lang proproblemahin ang babaeng tinutukoy ni Parker.

Nang medyo ok na ko ay agad kong pinaandar ang sasakyan papunta sa bahay.

Nang makarating ako ay agad akong nadatnan si daddy sabihan sala na nanunuod ng balita sa TV habang nasa harap niya ang sandamakmak na files.

Nakakagulat lang at hindi siya gumagawa sa office nya dito sa mansion.

"What's up, dad, bat nandito kami sa sala, imbis na nasa office ka?"sabi ko tsaka umupo sa sofa na parang isang tambay.

Well, I miss to piss  him like always.

"Brie, ang pag-upo mo"sabi niya, pero hindi ko siya pinakinggan at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Brie!" Dad yelled tsaka ako umayos ng upo at nagpeace sign sa kanya.

"Dad, relax.. I'm just pissing you"natatawa kong sabi tsaka siya nilapitan at niyakap.

"I love you daddy" malambing kong sabi, hinagod niya naman ang ulo ko tsaka huminga ng malalim

"May kailangan ka ba anak?"ayun, mabait na ulit si dad, haha.

"Wala naman,"sabi ko tsaka sya tiningnan.

"Mabuti, ako kasi ang may kailangan sayo"sabi niya na ikinanuot ng noo ko.

"It's about the invitation for the engagement party, kayo kasi ni Parker ang magdedecide kung sino ang mga iimbitahan, dahil nga magiging pribado lang ito" paliwanag niya, napa -ohh na lang ako tsaka tumango.

"Well, I had many names in mind but I prefer Haviene, Monique, Jarvis, Dwight, Nanay Kosing, Butler Jin and Oli for my choice" dire-diretso kong sabi.

"Ok lang ba sayo yan dad?" tanong ko sa kanya.

"As you said, it's your choice, so why don't agree"sabi niya tsaka ngumiti.

Nginitian ko na lang siya tsaka tumayo, baka kasi nakakaistorbo na ko sa kanya.

"Ok, dad, akyat na ko, thank you ulit"sabi ko tsaka tumalikod pero di pa ko nakakaisang hakbang na lingunin ko ulit siya.

"Dad?" ako na ikinalingon niya sakin.

"Your the best"

©Itsiooiooie

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now