8th Choice- Olivia.

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo na muna ako sa may table habang hinihintay yung tinapay . Naiimagine ko na habang kumakain kami ng pandesal ni Daniel.  Tapos papalamanan namin ng Dairy Crème. Mmm… Ang sarap!  ヽ(*⌒∇⌒*)ノ

“Hija, heto na ang mga pandesal. Ingat ka sa pagdala ha? Alam mo namang bawal na ang plastic dito. Mahihirapan kang magdala.” Inabot niya sa’kin yung paper bag.“Ingat ha? Bagong luto yan.” Nginitian niya ako.

“Wag niyo na po ako alalahanin Manang. Kaya ko po ito. Salamat po.” Ngumiti ako pabalik.

Tumalikod na ako sa kanya para umuwi. Bigla naman akong nabanggaan ng isang babae. Napasubasob naman ako at tumilapon sa ere yung mga pandesal.

 “Pandesal!“

Lumuhod naman agad ako para kuhain ang mga nalaglag na pandesal. Yung isang paper bag ng pandesal namin ni Daniel. (/; _ ;\)

“Sorry. Sorry.”

Lumuhod na rin naman ang babae para tulungan ako. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

“Pasensya na. Papalitan ko na lang ‘yang mga nahulog na pandesal mo. Manang Che, isang paper bag nga po ng pandesal.”

“Wag na po!”

“Ok lang. Ako naman ang nakabangga sa’yo.” Iniupo niya naman ako. “Manang! Manang!”

“Olivia!” Tumingin naman sa akin si Manang Che. “Kee! Anong nangyari sa pandesal mo?!”

“Natapon po kasi Manang Che-”

“Nabangga ko po siya. Papalitan ko po yung natapon ko. Dalawang paper bag nga po ng pandesal.”

Pumasok naman si Manang Che at naiwan kami ng babae dun sa labas.

“Dapat po di niyo na po ako binili ng isa pang paper bag.”

“Wag mo nang alalahanin yun. Ako naman ang may kasalanan di ba?” Inayos niya yung buhok ko.

“Eh ako po-“

“No need. Napalitan ko na. Tapos babawiin ko pa? Wait.” Kumuha naman siya ng tissue sa bag niya at pinunasan ang mga braso ko na may gasgas. “Ako nga pala si Olivia. Call me Tita Olive. And you are?”

“Kathryne Isabelle po. Pero, Kee na lang po ang itawag niyo sa’kin.”

“Kee? I think that’s not suitable for your beautiful face.”

Napatungo naman ako dun. Beautiful daw. Eh ang pangit ko nga. Kaya di ako napapansin ni Daniel eh.

“Can I just call you Kath?”

“Ah, eh, sibling code po namin yun ng brother ko. Pero, sige po. Kath na lang. Kung yun po ang gusto niyo.” Ngumiti ako sa kanya.

“Putulin ko na muna ang usapan niyo ha? Oh, heto na ang mga pandesal niyo. Hija, ingat na sa sunod ha? Sayang mga pandesal ko eh.” Tumawa ng kaunti si Manang.

“Sorry po Manang. Di na po talaga mauulit. Pero salamat ho.” Ngumiti ulit ako. Humarap naman ako kay Tita Olive. “Sige po Tita Olive. Kailangan ko na pong umuwi. Salamat nga po pala.”

“Sige. Mag iingat ka Kath.”

Ngumiti naman ako. Ang bait naman ni  Tita Olive. Siguro may asawa na siya. Nakita kong may wedding ring siya. Ang swerte siguro nung asawa at mga anak niya.

Lumakad ulit ako pauwi. Kinanta ko ulit yung Want U Back. Binuksan ko naman kaagad yung pinto.

“Hi Kee!“

Napahinto naman ako. Anong ginagawa ni Carmen dito ng ganito kaaga?! o(≧o≦)o

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon