I can't help but feel sad and annoyed at Nico.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Tita Luisina. Nanlaki ang mga mata niya at tumawag kaagad ng doctor.

"Oh my god! Angel is awake! Doc! Angel is awake!" Tita Luisina said.


She rushed to my side, examining me with a concerned motherly eyes. I smiled at her. It feels like, I have a mother again.


A doctor came in my room and examined me too. Kumunot ang noo ko dahil marami siyang chineck na papel sa aking side table. May mga chineckan din siya sa dala niyang notebook.


Am I having complications?


Tinanong niya lang ako kung kamusta na ang pakiramdam ko. Naguguluhan pa rin ako dahil sobrang pag alaga ang natatanggap ko sa kanila. Pati sa aking diet ay mahigpit rin sila habang nag rerecover daw ako.


Mukha namang walang napinsala sa akin kaya bakit ganito sila kung umasta?

Bawal din daw ako sa mga preservatives and alcohol. Tubig lang daw at gulay. Buti nalang talaga at nakain ako noon.


Isang linggo pa ang tinagal ko sa loob ng ospital na ito pero ni minsan ay hindi ako dinalaw ni Nico. Kahit text o tawag ay wala akong nakuha sa kaniya.

Naiinis na ako sa kaniya! Ano ba ang nangyari sa kaniya? Bakit wala siyang paramdaman? Ako ang naaksidente hindi ba? Bakit parang siya yung umaasta na nahihirapan? Nakaka irita! Hindi siya nag papakita man lang sa akin.


"Be, gwapo talaga nung Khalil noh?" Ani Hirah.


"Mas gwapo si Emhel syempre!" sabat naman ni Anica.


"Excuse me lang, marunong kumanta si Khalil."

"So? Marunong naman sa kama si Emhel!" walang humpay na sabi ni Anica. Napairap nalang ako sa mga babaeng ito.

"Sana all may jowa." sabi ni Rianne. Natawa kaming tatlo dahil sa sinabi niya. If I know, meron din yan. Hindi lang nag kekwento.

Buti pa sila masaya sila sa mga lovelife nila. Ako kaya? Kailan kaya ako sasaya? Andaming hadlang sa amin ni Nico. Buti nalang at hindi kami bumibitiw sa isa't isa. Pero siguro sa ngayon, baka bumitiw na siya ng tuluyan.

Baka bumitiw na nga siguro siya dahil andami dami nang trahediyang dumaan sa buhay ko. Hindi na rin naman siya nag paparamdam sa akin. Baka nag sawa na siya. Ayaw na niya siguro sa akin.

Ganun naman yun diba? Para niya na rin akong ghinost. Hindi niya man lang sinabi na ayaw na niya pala. Basta nalang siyang mawawala na parang bula.

Sayang lang yung pinag samahan namin pero may magagawa ba ako? Ayaw na niya sa akin eh. Masakit pero wala na akong magagawa. Hindi ko ipipilit ang sarili ko dahil alam kong masasaktan lang din naman ako.

Sana ay mag karoon na ng payapang buhay si Nico. Malayo sa akin na punong puno ng trahedya at gulo.

Papalayain ko siya kung iyon ang gusto niya.

"A-Angel! Beh! Bakit ka naiyak! Hoy! Joke lang! Hindi ko aagawin si Nico! Hala! Naniwala si gaga!" linya ni Hirah.

Hindi ko na pala namalayan na bumubuhos na pala ang luha ko. Tinakluban ko ang aking mukha ng aking mga kamay.

Nasasaktan ako. Ang sakit mang isipin na ayaw na niya sa akin.

"O-okay lang ako. Baka ayaw na ni Nico sa akin kaya hindi na siya nag paparamdam. Tanggap ko na..." bulong ko.

Nag katinginan muli ang tatlo at umiling. Okay that's it! Alam kong may tinatago sila sa akin!

"May nalalaman ba kayong hindi ko nalalaman?" I asked. All of them nodded which made my eyes widened.

"W-what is it?"

"Angel, it's best if kay Nico mo ito malalaman. We are sorry because we cannot tell you. Malalaman mo din kung bakit hindi siya nag paparamdam ngayon." Rianne babbled. I smiled at her. She reassured me I guess?

Lumapit sa akin si Anica at inangat ang isang upuan sa harapan ko. Kumunot ang noo namin dahil sa ginawa niya.

"Chair up girl! Mag papakita din sayo yun! Patay na patay sayo yun eh! Haba kaya ng hair mo!"

Ngayong araw na ang pag alis ko sa hospital na ito. Masaya ako dahil makaka uwi na ako ulit. Gustong gusto ko ng matulog sa aking kwarto. Sa malaking kama ko!

Sila Rianne ang nag dala ng mga gamit ko. Bawal daw akong mag buhat. Strict pa din ang diet ko. After ilang months pa bago ako maka balik sa dati kong food diet. Bawal pa rin ako sa preservatives and alcohol! Pati nga ang kape ay bawal!
Gustong gusto ko na ring maligo! Bawal daw mabasa ang mga sugat ko sa may tiyan kaya pinupunasan lang ako ni Tita Lui at minsan naman ay si Rianne. Parang tanga kasi mag punas si Hirah at Anica. Hindi pinipisil yung towel kaya basang basa ako at pati ang higaan ko. My god!

"Yehey! Go hom na! Wuv u ate!" Raphael said. Bubuhatin ko sana siya kaya lang ay naunahan ako ni Hirah. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bawal ka pong mag buhat senyora!" she giggled.

"Ang landi talaga ng katulong mo na yan Angel." pang asar ni Anica kaya nag kurutan silang dalawa.

Masaya akong sinalubong ng aming mga maid sa mansion. Punong puno nga ng handa ang aming mahabang lamesa kaya lang ay puro gulay ito. Hindi pa naman nakain ng gulay si Anica.

Gabi na at nakahiga na ako sa aking kama at nakatitig sa aking kisame. Hindi pa rin ako nag papalit ng damit. Maya maya na siguro.

I really miss Nico so much. If only I could hug him right now. Kiss him. Make him feel my love. I want to see him badly.

Kamusta na kaya siya?

It's already past my bed time but I can't sleep. I keep thinking of Nico. He is running on my mind.

May kumatok sa aking pintuan. Hindi naman ito naka lock kaya bumukas ito. Pumasok si Tita Luisina wearing her night gown.

"Can't sleep Angel?" She asked. I nodded and smiled at her. She smiled back.

"There is someone who wants to see you. Papasukin ko na siya okay?" She said and left the room.

Kumunot ang noo ko. Sino namang tao ang bibisita sa akin sa ganitong oras? Gabing gabi na. Alam kong nag babawi rin ng tulog ang mga kaibigan ko.

The door opened slowly. My eyes widened at what I saw.

The person who wants to see me is Nico.

--
Anfrelsis

A/N: 3 chapters to go. Thank you so much for becoming a part of Nico and Angel's journey!


Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon