Capítulo 43

268 20 4
                                    

Kalaliman ng gubat

Ito na ang araw na pinaka iniintay ko. Ang araw ng kasal ko. Kasal ko kay Ishmael. Sana ay masunod ang plano naming dalawa dahil kung hindi, mawawalan na ako ng pag asa.

Pilit kong pinatatatag ang puso ko dahil malapit na akong maiyak sa kaba. 

Huminga ako ng malalim at pinag masdan ang tanawin sa labas. Papasok kami sa isang makipot na gubat. Halata mong ipinag babawal ang pag pasok ng mga tao dito dahil andaming karatula at mga barb wires sa paligid. Masusunod kaya ang plano namin ni Ishmael?

Mukhang mahirap makapasok sa loob ng gubat na ito. Lalo na't papunta kami ngayon sa Mt. Makiling. 

"Handa na po ba kayo sa inyong kasal?" tanong ng aking driver. Tinignan ko siya gamit ang rear view mirror ng van.

Hindi ako sumagot. Nag iwas lang ako ng tingin. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako sinamahan ni Ishmael dito o kaya ay kahit may bantay man lang na babae. Sabagay, puro lalaki naman kasi ang nasa loob ng mansion. Tatlo lang yata kaming babae eh. 

"Dito na po tayo," aniya. 

May lumapit na dalawang armadong lalaki sa aming van. Binuksan nila ang pintuan at hinila ako palabas. Nahirapan pa akong mag lakad dahil maputik ang daan at nakapang kasal ako! 

For sinangag's sake! I am wearing a wedding dress! 

Napapadaing ako dahil mahigpit ang kapit nila sa braso ko. Dumaan kami sa parang shortcut paakyat sa maraming puno. 

Hinihingal ako ng tumigil kami sa pusod ng kagubatan. Mataas ang lugar na ito. Palagay ko'y medyo malapit na kami sa mataas na part ng Mt. Makiling. 

Nanginig ang tuhod ko ng mapagmasdan ko ang kabuuan nang lugar. Kasal ba talaga ang magaganap o patayan?

Lahat ng taong nandito ay armado at may itim na takip ang mukha. Different guns and weapons are seen, hanging in their bodies. I shriveled when they look at me. 

Muli akong hinila ng dalawang lalaki papunta sa gitna. Halos maiyak na ako ng makita ang taong papakasalan ko ngayong araw ay hindi si Ishmael. Hindi! Hindi ito pwede! Wala ito sa plano! Ayoko! 

Sa gitna ay may isang maliit na bahay na gawa sa punong kahoy. Sa harap nito ay si Ramil, ang tatay ni Ishmael. Nakaputi ito at nakasuot ng mga ginto sa kaniyang balat. May nakasabit na baril sa kaniyang katawan.

Malaki ito at mahaba. 

Hindi ko alam kung anong klase ito dahil hindi ako maalam sa mga baril.

Nanginginig ang tuhod kong nag lakad palapit sa kaniya. Nasaan si Ishmael? Hindi ba't ang usapan namin ay siya ang nasa harap ng altar? Bakit ganito? Bakit si Ramil? Niloko niya ba ako?

Did he deceive me? 

Hindi ko na alam ang gagawin ko ng maisip na niloko lang pala ako ni Ishmael. Tinuring ko pa naman siyang tunay na kaibigan pero ito ang isinukli niya sa akin? Wala na talaga akong pag asa sa buhay kong ito. 

"Halika na rito, Ganda. Papakasalan na kita..." Maligayang bati ni Ramil. Nag palakpakan ang kaniyang mga alagad. Mababaliw na yata ako. Sana mamatay na ako.

Umiling ako at humakbang pa atras. Nanlaki ang mga mata ko ng itinutok niya sa akin ang kaniyang baril. 

"Papayag ka o mamatay ka?" mariing sabi niya. Bawat salita niya ay tumutusok sa aking puso. 

Handa na ba akong mamatay? Handa na ba akong iwan ang lahat ng mahal ko sa buhay sa mundong ito? Papayag kaya si Nico kapag nalaman niyang nawala na ako? Thinking about my death hurts me really bad. 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon