Capítulo 30

349 20 5
                                    

Brother

"Did your coffee date went well?" Nico said with a hint of hatred in his voice. 

Wow? Siya pa talaga ngayon ang may ganang magalit samantalang siya naman itong nakikipag holding hands kay Sasha sa Boracay! Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. I'm tired and I don't want to fight right now. 

Kung galit siya ngayon ay galit rin ako. Kailangan muna naming mag palamig ng ulo para makapag usap kami ng maayos. 

Inirapan ko lang si Nico at nag tuloy-tuloy sa pag pasok sa aking unit. Nilagpasan ko lang siya. Sumimangot ako ng pumasok din ito sa aking unit. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang yapak na umaalingawngaw sa aking tahimik na unit. 

Tumigil ako at humarap sa kaniya. Matalim pa rin ang mga tingin niya sa akin kaya tinaliman ko rin ang aking tingin. Akala niya ba ay mag papatalo ako sa kaniya? Siya nga mismo ang nag sabi na aso ko siya, so pwede ba kaming mag doggy style? Joke! 

"Did your Boracay date went well?" sabi ko at ginaya ko ang kaniyang tono. 

Nico sighed and drops his sight on the floor. I starred at him. He looks like he is having a burden right now. Am I being a burden? Or is it Sasha?

"I'm so sorry if that picture had made you upset. Sinabi ko na kay Sasha na huwag nang ipost dahil baka makita mo--"

"Ano naman kung makita ko? Ano namang kaso doon? May relasyon ba tayo para itago mo sa akin?" Hinabol ko ang hininga ko dahil bigla kong nailabas ang kaninang umaga ko pa kinikimkim na galit. 

Kaya ayoko munang makipag usap sa kaniya dahil pareho pa kaming nag aalab ang mg apoy.

Umawang ang labi niya at nakita ko ang iba't ibang emosyon sa kaniyang mga mata. Nangibabaw dito ang sakit kaya nasaktan din ako.

"No Angel. You don't know what you are talking about. We have a relationship. I love you so much and I know that you love me too." He stated. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya dahil alam kong bibigay na kaagad ako sa mga sinasabi niya!

Bakit ba sobrang rupok ko?

"Listen to me okay? I didn't know that Sasha will be there as a proxy for her father's absence. Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala siya. Iyong picture na pinost niya sa Ig, that was all of it. Hindi na kami nag kita pag katapos non. Wanna know why?" paliwanag niya. I looked at him.

"Why?" 

"First, because I love you and I can't bear the fact that I will touch another woman except for  you." 

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Masama bang kiligin sa mga oras na nag aaway kami? My god! I cannot! Lumapit siya sa akin at may binulong sa tenga ko. 

"Second is, my woman is having a coffee date with a guy who doesn't even know how to dribble a ball properly." 

Kumurap kurap ako habang tumingin siya sa akin ng nakangisi. 

"Excuse me! Magaling na basketball player si Milcom! Naka 3 points nga siya diba?" pag depensa ko. Sumimangot lang ito. 

"Nope. Dahil nga sa kaniya kaya natalo ang team nila. Why are you even defending him? Do you like him? Pag nag laro ba ako ng basketball magugustuhan mo na rin ako? I know how to play it too!" pag mamaktol niya. 

Kinagat ko ang labi ko para pigilan na matawa sa sinabi niya. He is so cute when he is mad! Naiimagine ko tuloy ang anak niya, kamukhang kamukha niya lalo na pag nagagalit! Cute! 

"So hindi pala planado ang pag kikita niyo sa Boracay?" pag uulit ko kahit obvious naman na. 

Dali dali siyang tumango na parang bata. "Yes! Believe me! I don't want to do anything with her!" 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon