Capítulo 12

431 20 3
                                    

Espaniya

Nagising ako ng masama ang pakiramdam ko. The feeling of despondency in my heart is so overwhelming. Para akong hinihila nito pabalik sa aking kama para hindi na ako tumayo at kumilos dito sa bahay ni Daddy. Ito ba yung sinasabi nilang depression? Nawawalan ka na ng ganang mabuhay. Tumitibok naman ang puso mo ngunit ikaw mismo sa sarili mo ay gusto na itong patigilin. Yes, I am alive but am I even living? I am just surviving.

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang magulo kong buhok. I starred at myself in-front of my mirror. Hindi na ang lumang salamin ang tinitignan ko tuwing gumigising ako. Iba na siya. Namamaga pa ang aking mga mata dahil sa kakaiyak. Tuwing gabi nalang akong umiiyak.

"Kaya mo yan, Angel. Laban lang!" I said to myself in-front of the mirror.

Kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng sigawan sa baba. Pakiramdam ko ay sa sala ito nang gagaling. Anong meron? Bakit parang may nag aaway sa aming sala? Ang aga-aga pa kaya. Dahil nanaman ba ito sa akin? Tinignan ko ang aking relo at sinasabi nitong ala-syete pa lamang ng umaga. 

Dahan dahan kong binuksan ang aking pintuan at nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang may pagka desperasyong sigaw ng aking manager. Rinig ko rin ang boses ni Daddy at sa palagay ko'y hindi naging maganda ang gising nito.

"Pero Sir. Gab, sayang po itong request kay Angel! Saglit lang naman po ito at malaki rin po ang makukuha namin!" My manager pleaded.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya ako sa aming hagdanan. Nilingon din ako ni Daddy ng naka kunot ang noo. Namumula pa ang mga mata ni Daddy at siguro'y kakabangon pa lamang nito sa kama.

"Angel, my dear! Alam mo ba iyong sikat na reporting segment ngayon? They want to ask you SOME questions about your kidnapping incident." Her under eyes are baggy as long as her over all look. She looks so stressed and not so fresh. She emphasized the word 'some'.

Tumingin lang ako kay Daddy, nanghihingi ng tulong. Ayaw ko. Napansin ito ng manger ko kaya agad siyang umapela at hinawakan ang mag kabilang balikat ko. Marahan niya pa itong inalog alog. Nakatitig lang ako sa kaniya the whole time. Ayoko ng mag salita pa dahil alam kong wala rin namang mangyayari.

"They will give us 5 Million Pesos! Just for an interview Angel! 5 million! Maswerte ka at ikaw lang ang artistang binigyan ng ganiyang pag-kakataon! So ano? Deal na ba?" She said with her eyes full of hope. Umiling ako kaya nawalan siya ng pag asa.

Akala ko ba ay tapos na ang mga dapat kong gawin after kong mag bigay ng mensahe sa aking social media? Bakit hindi pa rin humuhupa ang balita tungkol sa akin? Ano ba ito? Please make it stop! Gusto ko na lamang mag pahinga at huwag na munang isipin ang sinapit ko! Bakit, kahit saan ako mag punta ay may gustong mag pakalat ng mga nangyari sa akin? Can't I just live in privacy?

Live in privacy? Of course I can't! I am a public figure. There is no way that I can live in privacy. Lived with it Angel! You are the one who have chosen this path! You are the one who made this decision.

"Stacey, ano ba iyan?! Bakit mo pinipilit ang anak ko, kita mong nahihirapan pa nga siyang mag salita! Umalis ka na muna dito! You are losing my respect by the way you treat my daughter!" umalingawngaw ang baritonong boses ni Daddy sa buong sala. Nanlaki ang mga mata ni Ma'am Stacey at humingi ng paumanhin ngunit bago siya tuluyang umalis ay tinignan niya ako ng mariin.

"Patitigilin na muna kita sa pag-aartista." Dad declared while starring at me.

Umalis na si Daddy ng mag tanghali na. Kailangan niya daw asikasuhin ang trabaho niya. Dad owns his own company. It is about jewelries. I think he is making and refining the jewelries then he will sell it world wide.

Kamusta na kaya si Nico? I wonder what is he doing? Is he okay? Kumakain ba siya ng maayos? Nasaan kaya siya ngayon? I want to ask some news about him! Kaso kanino naman? Kay Daddy kaya?

Mali nga siguro ang nararamdaman ko para kay Nico. Hindi ito tama lalo na't isa siyang kriminal at ako naman ay ang biktima niya. Katangahan talaga dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kaniyang patibong. Hinayaan ko ang sarili kong umasa sa aming nakaka lokong pag ibig. Bakit niya kaya nagawa ito sa akin? Bakit kaya ako ang napili niyang kuhanin at dakipin?

Gabi na ng pinili kong bumaba muli. Hindi na sana ako mag hahapunan ngunit gusto kong makausap si Daddy. I want to ask him about Nico. I want to ease the pain that is breeding in my heart. 

Naabutan ko si Daddy na may kausap na lalaking naka all black. Naka mask ito at naka shades kahit gabi na. Tumango tango si Daddy habang nag uusap sila at may binigay ito kay Daddy na isang brown envelope bago tuluyang maka alis. What is that for?

"Andiyan ka pala Anak? Halika na dito at kumain!" Sabi ni Daddy ng nakangiti. His smile is relieving the heavy feeling in my heart. Iba talaga ang epekto ng isang ngiti. Kaya nitong baliktarin ang pangit mong araw.

Tahimik lang kami habang kumakain kami at tanging ang mga yakap lang ng maids ang maririnig mong nag e-echo. Huminga ako ng malalim bago nag simulang mag tanong kay Daddy.

"Dad, kamusta na po yung kidnapper ko?" Kumunot ang noo ni Daddy sa sinabi ko at nanliliit ang mga matang tumitig sa akin.

"Huwag ka nang mag alala sa kaso mo. Ako na ang bahalang tumapos nito. Kakatapos palang ng pag bomba sa iyong concert ay may panibago nanamang kaso..."

"D-Dad, balitaan mo naman ako kung ano na ang nangyayari sa kaniya." I pleaded. Nararamdaman ko ang pag buo ng mga luha ko sa gilid ng aking mata. Muling lumandas sa aking isipan ang mga ala alang mag kasama kami ni Nico.

"Ipapa-patay ko na ang kumidnap sa iyo! Ayan na, gusto mo ng balita diba?" Laglag ang panga ko sa sinabi ni Daddy. W-what? Is he freaking serious? Is that even legal?

"Dad! Huwag niyo siyang saktan! Kahit kailan ay hindi niya ako trinatro ng masama! He doesn't deserve to be mistreated!" I demanded. My voice broke. Nanlaki ang mga mata ni Daddy sa sinabi ko at napatayo pa siya sa galit.

"Why are you protecting that man!? Are you out of your mind? Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon! Pati ako! Napakalaking eskandalo itong nangyari sayo tapos malalaman ko lang na kinakampihan mo ang kriminal na iyon?!" Napapikit ako sa mga salitang binitawan ni Daddy. Walang nag tangkang lumapit sa aming maid para pakalmahin ang Daddy.

"D-Dad! Nahihirapan din ako sa sitwasyon ko ngayon! Lalo na po ako dahil ako ang biktima! Gusto ko lang namang tapusin niyo na po ang kaso ko kay Nico at huwag na natin siyang pahirapan pa! B-Believe me! He didn't hurt me nor violate my rights as a woman! Pinakawalan niya po ako Dad! Ako lang ang hindi umalis sa puder niya. Dad, please don't hurt him..." I cried. My face is covered with my never ending tears. My voice is broken and so is my heart.

Nanlaki ang mga mata ni Daddy at kitang kita ko ang panginginig ng kamay niya.

"Nico is his name huh?! Ano ba iyang pinag sasabi mo! Pinakawalan ka niya tapos hindi ka kumawala? Stupid! What the hell are you talking about! Angel, answer me honestly. Are you... perhaps, in-loved with him?"

"Yes!" I yelled. Not knowing of the consequences that will happen after saying the truth! "I will write a statement that he didn't hurt me-" My face fell to the side when my father slapped me. The friction of his hand along with my cheek burned intensely. Pakiramdam ko ay pinaso ang pisngi ko sa sakit.

"Ipapadala na kita sa Espanya! Hindi ako makapaniwala na lumuwag na ang mga turnilyo mo sa utak! I will confiscate your gadgets and you will not be allowed to go outside of this house until the time of your departure! I can't have a daughter who is in-loved with a criminal! Ipapagamot ko iyang utak mo sa Espaniya!"

Umiling lang ako at tumakbo pabalik sa kwarto ko. Ayoko na. Ayoko na talaga!

--

Anfrelsis

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon