Capítulo 33

312 19 4
                                    

Emergency Room

Hindi umalis sa aking unit si Nico buong mag hapon. Nasa sala lang siya at duon siya nag t-trabaho. I know that he is a busy man but I can't force him to leave just for work. 

Pag nag karoon naman siya ng kaunting oras para makapag break siya sa kaniyang trabaho ay lumalapit siya sa akin at nag lalambing.  

Saglit lang ito dahil kailangan na niyang tumutok ulit sa trabaho niya. 

Hindi daw siya aalis ngayon para sa trabaho niya pero lalabas daw siya mamayang gabi para kausapin si Sasha. Kinakabahan tuloy ako kung ano ang magiging reaksyon ni Sasha. Knowing Sasha, she would probably go berserk! That lady is nuts in the brains! So is her plastic friends! 

Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko dahil napunta siya sa mga walang kwentang tao. Naging kaibigan niya ang mga taong walang alam kundi ang gumawa ng gulo. Ako dapat ang kasama niya at kaibigan niya dahil ako ang pinsan niya pero hindi ko magawang ilapit ang loob ko sa kaniya dahil ang turing niya sa akin ay ka kompetensya. Sinong matutuwa don?

Tumawag sa akin sila Anica, Hirah at Rianne para kamustahin ang kalagayan ko. Kabang kaba pa nga sila dahil may nangyaring ganoon. Tapos hindi daw nakatulog si Hirah dahil ang creepy daw ng lalaki lalo na nung nakita ito ni Nico sa backseat ko. 

Hindi rin daw nakatulog si Anica dahil iniisip niya na baka gwapo daw iyong lalaki. Mababaliw na yata ako sa kaibigan kong ito. Ayun pa rin ang iniisip sa kabila ng lahat ng nangyari. My god!

Nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Daddy sa aking screen. Sinagot ko an tawag niya at bahagyang lumayo kay Nico para hindi siya maistorbo sa kaniyang trabaho. 

"Hello Dad?" I started.

"Kamusta ka na Angel? Wala bang ginawang masama sayo iyong lalaki na nakita sa back seat mo? Bakit ba nasa labas ka pa, gabi na yun diba?" sunod sunod na tanong nito. Ngumiwi ako sa sarili ko. 

Buti nalang at hindi sinabi ni Nico ang tunay na nangyari kung bakit ako nasa labas pa kahit gabi na. 

"Okay lang po ako Dad... Buti nalang po at nandoon si Nico, niligtas niya po ako."  pag amin ko. Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. 

"Huwag mo nalang itong uulitin ah? Mapipilitan akong pasundan ka ng mga body guards niyan. Pinapaimbestigahan na namin ang insidente. Buti nalang at nandoon ang anak ni Guerrero." he said. I was about to end the call ng mag salita siya ulit. 

"Ah! Siya nga pala! I have a three day summit in Indonesia. I will bring Luisina with me. Iiwan ko muna sayo ang kapatid mo. Pinag paalam ko na rin ito sa manager mo." 

Si Raphael iiwan sa akin?

What?! Anong alam ko sa pag aalaga ng bata? Hindi nga kami close ni Raphael! Naiinis nga ako sa batang iyon dahil nakukuha niya ang lahat ng atensyon ni Daddy samantalang sa akin ay wala siyang maibigay!

I sound like a jealous cat!

Pumayag nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa tsaka mas kampante ako kapag sa akin iniwan ang aking kapatid ko at hindi sa ibang tao. Kahit na naiinis ako kay Raphael,  I'll try to be friends with him.

Humiga ako sa aking couch at bumuntong hininga. Nico is still sitting on the tiles while his mac book is resting on the center table. Tutok na tutok siya dito. I starred at him. Nakatagilid na ako ngayon dito sa aking couch. 

He looks so manly just by sitting on the floor. Pwede na siyang kuhanin bilang model ng tiles. Teka may ganon ba?

Ngumuso ako. Bahagya akong nagulat ng lumingon siya sa akin. 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon