|•62•|: Let her go

5 1 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Corny mo naman kabonding, Makoy!"

"Hahaha! Bonak ampota!"

Pinapanood ko lang si Ashi 'tsaka si Makoy na nagt-trashtalkan habang naglalaro. Nag one versus one sila sa call of duty at mukhang talo na si Ashikira.

"Tanga mo naman, mahal." Ani ni Yuan na nakikinood sakanila.

Tinignan ng masama ni Ashi ei Yuan dahil sa sinabi nito. Natawa ako nang mahina dahil sa sobrang sama ng tingin ni Ashikira ay parang kaya nya nang ibaon si Yuan sa lupa ng buhay.

"Ikaw maglaro, sige, kingina mo." Naiinis na sambit ni Ashi.

"Osige ba, pakitaan kita ng SR gods." Ani Yuan at kinuha kay Ashi yung phone. "Oh ano Mark, papalag ka na ba sa gwapo?" Mayabang na sambit nya kay Makoy.

"Tignan na lang natin kung sino mas gwapo sa'tin." Balik nitong isa.

"Osige sige, one on one ah. Nico ikaw mag inspect." Ani ni Yuan kay Nico na naka-open rin ang COD.

"G lang." Sagot ni Nico.

"Oh game, game, game."

Dahil interesado ako kung sino mananalo ay tumabi ako kay Nico para manood. Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik at tinutok ang mata sa laban.

***

"Hahahahahaha! Bobo ampota!"

Natatawa na lang din ako kay Ashikira na tinatawanan ang dismayadong mukha ni Yuan matapos nitong matalo kay Makoy. SR gods, SR gods ka pa ah.

"Ano ka ngayon, boi?" pang-aasar ni Ashi sabay tawa ng malakas.

Tinignan ni Yuan nang masama si Ashikira, habang ang isa naman ay tawa pa rin ng tawa.

Hahaha sama ng ugale nito ni Ashi, parang di jowa si Yuan amp.

"Tuwang-tuwa?" sarkastikong ani ng pikon na si Yuan.

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Yuan. Pikon yarn?

"Oh, walang iyakan pare." Dagdag na pang aasar ni Nico.

"Fuck you." Pikong ani ni Yuan kaya natawa kami lahat.

"Pa'no ba yan bro, nagkaalaman na kung sino mas pogi sa'tin." Pagyayabang ni Makoy.

"Ulul! Ako pa din pinaka-pogi sa lahat ng pogi." Hindi pagpapatalo ni Yuan.

"Wew, bonak ka lang mag COD eh." Pang-aasar pa rin ni Ashi.

"Hindi maka move-on, 'te?" natatawang tanong ko.

"Palibhasa kasi marunong ka lang mag COD sa shopee eh." Biglang pang-aasar sa'kin ni Makoy.

Nawala ngiti ko at napalitan ng ngiwi. "Ikaw ba kausap, ha? Ikaw ba?" naasar na tugon ko.

Parang tanga ampota, who you bitch? Hindi naman sya yung kausap, epal amp.

"GALIT NA GALIT?" Sigaw ni Makoy saka tumawa ng malakas. Pati sina Ashi natawa na din.

Happy? Happy kayo?

Inirapan ko na lang sila at hindi pinansin. Bahala sila jan, shuta sila. Humiga na lang ako sa couch at tumulala sa pader. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang boring dahil wala naman akong alam sa mga laro na nilalaro nina Ashikira. Hindi din naman ako mahilig sa mga online games, madalas puro basa lang ako ng libro. Pero minsan nakakaboring na din.

*Ting* *Dong*

Agad akong napaayos ng upo nang may nag door bell. Kumunot ang noo ko nang maisip na wala naman akong bisita ngayon kung hindi 'tong mga kaibigan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now