|•35•|: She's back

36 3 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Oh? Nakakaalala na sya? Buti naman, kingina ng utak nya eh." Sabi ni Ashi saka sumubo ng ice cream.

Natawa na lang ako sakanya bago sumubo din. "Feeling ko malapit nya na akong maalala, yehey!" Nakangiting sabi ko saka iniba ang usapan. "Kayo ba ni Yuan? Kamusta?" Tanong ko sakanila.

Nagkibit-balikat sya. "Wala, ganun pa din. As usual, bangayan pa din kami kahit kami na." Aniya saka biglang sumimangot. "Epal nga yun eh, kung mag-tampo akala mo babae. Akala nya naman susuyuin ko sya, manigas sya jan." Inis na sabi nya, dahilan para matawa ako.

Ganyan talaga si Ashi. Matapang na babae, walang filter yung bibig at masaya kasama. Pero kung may alam man ako na pinakaayaw ni Ashi, yun ay ang manuyo. Mataas kasi pride nyan eh, mas mataas pa sa pangarap mo.

"You being you again." Naiiling na sabi ko.

Bigla kong nakita si Nico na kasama na naman si Andrea, mukhang papunta sila sa tagong part ng garden. Napabuntong-hininga na lang ako nang mawala ang ngiti sa mga labi ko. I don't know why it still pains me to see Nico with Andrea.

Napakasakit kuya Eddie~~

Naalala ko yung pinag-usapan namin ni Nicole nung isang araw, it's about Nico finding Cali and the girl he danced with in a bar.

Kamusta na kaya paghahanap nya?

Pagtapos ng ilang araw kasi nang tawagan ako ni Nicole ay na-discharge na si Nico sa hospital. Hindi ko nga sya na bisita dahil busy din ako. Kung ano man ang pinagkaka-busy-han ko, wag nyo na alamin.

Pero, malamang sa malamang hindi nya pa nahahanap si Cali---dahil kung nahanap nya, edi sana ako ang kasama nya at hindi si Andrea na nakatira sa Snake Island. Psh.

"Hoy, Liya, ano? Tameme ka d'yan? Kanina pa kita kinakausap, baka naman may balak kang pansinin ako?"

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Ashi. Agad ko syang binalingan saka napabuntong-hininga bago muling sumubo ng ice cream.

Tsarap tsarap ng ice cweam.

"Alam mo bang hinahanap ni Nico si Cali?" Chill na sabi ko.

Hindi ko pinapansin ang kirot sa puso ko nang makita si Nico at Andrea. Pake ko sakanila, maglandian pa sila buong magdamag.

Kung makapagsalita, akala mo hindi masasaktan. Sambit ng isang bahagi ng utak ko.

Weh, epal. Nakikisali.

Biglang nanlaki ang mata ni Ashi. "What?! He's looking for Cali?! Akala ko ba nagsisimula pa lang bumalik ang memorya nya?!" Gulantang tanong nya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, ang sabi lang sa'kin ni Nicole ay hinahanap nya si Cali at ang babaeng kasayaw nya sa bar." Sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Masaya ako, oo, matagal ko nang pinangarap na maalala ako ni Nico. Gusto ko hanapin nya ako. Gusto ko tuparin nya ang pangako nya sa'kin nung mga bata pa kami

"Oh? Eh sino daw yung babaeng kasayaw nya sa bar?" Takang tanong ni Ashi habang sumusubo ng ice cream.

I looked at her, flatly. "Naalala mo nangyari two years ago? Yung sinundan ko si Nico sa isang bar at ni-make-up-an mo ako ng makapal para hindi nya ako makilala? Yung 2 AM na ako nakauwi at galit na galit si papa at Yuan dahil gabing-gabi na hindi pa din ako nakakauwi?" Tanong ko.

Nag-isip sya. "Teka.. yun ba yung broken si Nico at pinuntahan mo sya sa isang bar pero hindi kita pinayagan? At dahil matigas ang ulo mo, pumunta ka pa din sa bar na yun at wala akong nagawa kung hindi suportahan ka at make-up-an ka ng makapal? Tapos hating-gabi na, tinawagan pa ako ni Yuan para tanungin kung nasaan ka? At tinawagan pa kita dahil hinahanap ka na nila tita Ali sa'kin? Yun ba?" Mahabang tanong nya.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now