|•24•|: What is Love?

40 5 0
                                        

Ariyana Caliya Nishiuchi

Napabuntong-hininga ako saka napatingin kay Nico. Ngayon sigurado na akong mahal ko sya. That explains why my feelings gets weirder and weirder. Kaya din hindi ko alam ang nararamdaman ko.. because I never felt this before. Ngayon lang. Ngayon ko lang na-feel ang ganito. Ang magmahal ng tao na higit pa sa buhay ko.

Ngayon ko lang ginustong magkaron ng taong makakasama ko habang buhay. Ngayon ko lang ginustong maging masaya kasama si Nico habang buhay. At ngayon ko lang pinangarap na sana mahalin nya din ako tulad ng pagmamahal ko sakanya.

"Tignan mo, friend oh, mukhang masaya sila." Nang-aasar na sabi ni Ashi.

Tinignan koa agad sya ng masama. "Nang-iinis ka ba?" Inis na tanong ko.

"Halata ba?" Pang-aasar nya. "Kung makatingin ka naman kasi kay Andrea, parang ibabaon mo sya sa hukay. Selos na selos lang, girl?" Pang-iinis nya.

"Hindi naman ako nagseselos." Char. "Mas maganda pa din naman ako." Sabi ko at iniwas ang tingin kila Nico.

Pumalakpak si Ashikira. "Very good, tama! Mas maganda ka kesa kay Andrea! Confidence level 9999!" Sigaw ni Ashi kaya natawa ako. Kinuha nya ang cellphone ko na nasa ibabaw lang ng lamesa. "Tatawagan natin si Nicole, Lucas, Leo at Tristal! Para sabihin sakanila na ikaw, kaibigan ko, ay perfectly in love na kay Nico!" Aniya at may tinipa sa cellphone ko.

After seconds, may kausap na sya. Napailing na lang ako sa ginagawa ni Ashi. Tsk, malala na 'tong kaibigan ko.

["Oh, napatawag ka girl. May prob ba?"] Tanong ni Tal.

"Nasaan kayo, Tal?" Tanong ni Ashi.

["Ahm.. nasa library kami ni Leo, kayo ba?"] Sagot nya.

["Kasama ko si Lucas, nasa canteen lang kami."] Sagot ni Cole.

["Eh kayo, Ashi?"] Tanong ni Tal.

"Nandito kami ni Liya sa tambayan namin." Sagot ni Ashi. "Mga kaibigan, kaya nga pala ako tumawag dahil may mahalagang ia-announce ang kaibigan nating si Ariyana Caliya." Sabi ni Ashi kaya natawa ako.

["Ano?"] Boses ni Lucas.

["Magapasakal---este, magpapakasal na ba ang best friend mo Ashikira?"] Natatawang tanong ni Cole.

["Or baka naman buntis na ang frenny natin?"] Tanong ni Tal kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, gaga, hindi ako buntis." Sabat ko.

["Oh eh ano nga yung ia-announce mo? Pa-thrill ka pa kase."] Sabi ni Cole.

Tinignan ko si Ashi na nakatingin sa'kin. "Sabihin mo na." Bulong nya.

Kumunot ang noo ko. "Ano bang sasabihin ko?" Takang tanong ko.

"Tange! Yung nararamdaman mo kay Nico!" Aniya.

["Woah, anong nararamdaman-nararamdaman?"] Tanong ni Tal.

["Narinig ko pangalan ng kapatid ko, ano yan?"] Tanong naman ni Cole.

Huminga muna ako ng malalim. "I-I.."

["Ay ay? Anong ay ay? AiAi Delas Alas, ganern?"] Tanong ni Cole.

["Pagsalitain mo muna kasi sya, Cole, duh!"] Sagot ni Tal.

["Ang ingay nyong dalawa, paano sasagot si Yana nyan?"] Boses ni Lucas.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now