Ariyana Caliya Nishiuchi
"Ah!! Thank you lord for another day!!" Masayang sabi ko habang umiinat.
Nakangiti akong bumangon at nagpuntang banyo. Nagtooth-brush muna ako bago tinignan ang salamin. "Tsk, ganda talaga." Puri ko sa sarili.
*TOK!* *TOK!*
"Caliya, gumising ka na." Rinig ko ang sigaw ni mama sa labas.
Nakangiti kong binuksan ang pinto. "Good morning mama!" Nakangiting bati ko at hinalikan sya sa pisngi.
"Oh, mukhang maganda ang gising mo ah." Nakangiting sabi ni mama.
"Oo nga po eh, kamukha mo." Sabi ko at natawa naman sya.
"Sus, binola mo pa ako. Gisingin mo na nga si Vash, ako na ang gigisingin kay Vynn." Nakangiting sabi ni mama.
"Sige po, my beautiful mother!" Puri ko at pumasok sa kwarto ni Vash.
Binuksan ko agad ang ilaw nang makapasok ako. Ang dilim ba naman eh. Pagbukas ng ilaw ay bumungad sa'kin ang medyo makalat na kwarto ni Vash.
Medyo lang kasi hindi naman ganun kakalat.
"GOOO MORNING VASHY BABY!!" sigaw ko. Umungol naman sya. "Rise and shine!!! Umaga na gumising ka na!" Sigaw ko ulit.
Bumukas naman ang mata nya. Nakahalf-open iyon habang nakatingin sa'kin.
"Wake up! Magb-breakfast na tayo." Ngiti ko.
Bumangon sya at uminat inat. Pinanood ko lang sya habang nakangiti ako. Nang mapatingin sya sa'kin ay bigla syang sumimangot.
"Oh, bakit nakasimangot ang baby ko?" Nakangiting tanong ko.
Nalukot lalo ang mukha nya. "What?" Masungit na tanong nya.
"Eto naman, ang sungit sungit. Ang aga aga eh." Nakangiting pang-aasar ko.
Mas lalong kumunot ang noo nya. "What's with the creepy smile. Cut it out, onesan, it's creepy." Inis na sabi nya.
Natawa na lang ako. Napakapikon talaga nito ni Vash. Hay nako. Napangiti ako nang may pumasok sa isip ko.
"Sinusungitan mo na ako ah.." bulong ko at kiniliti ang leeg nya. Nagsimula na syang tumawa. "Sinusungitan mo na ko ah, sinusungitan mo na ko." Natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Tawa naman sya ng tawa habang umiiwas sa mga kiliti ko. "Bwahaha! Tomete! Tomete!---Bwahahahaha---Tomete kudosai!" Sabi nya habang tumatawa.
*Translation: Stop please.*
Natatawa ko namang tinigilan sya. "Oh ano? Magsusungit ka pa?" Natatawang tanong ko. "Bangon na, magb-breakfast na tayo. Let's go." Nakangiting sabi ko.
Nakangiti din syang tumayo. Lalabas na sana kami nang makita namin si mama na nakasilip sa'min.
"Ma, wag ka na magtago, kitang-kita ka naman." Nakangiti pa ding sabi ko.
Ewan ko ba, feel na feel kong ngumiti. Syempre good na good ang morning ko. Sino ba namang hindi matutuwa? Dati ang hiniling ko lang ay maging magkaibigan at maalala ako ni Nico. Pero ngayon.. Nahalikan nya pa ako!
Nakangiti namang lumabas si mama sa gilid ng pinto. "Let's go? Tara na, baba na tayo." Nakangiting sabi nya.
Sabay sabay kaming bumaba nila mama habang nagtatawanan. Inaasar ko kasi si Vash at inaasar nya din ako. Nakaakbay ako kay Vash at nasa likod naman ni mama ang kamay ko.
Nang makababa kami ay dumeretso agad kami sa dining at bumungad sa'min ang tahimik na si Dad, kuya Cad, at Vynn.
"Goodmorning people!" Nakangiting sigaw ko kaya napatingin sa'kin sila papa, kuya Cad at Vynn.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...
