|•56•|: Back

39 3 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Nakasandal na ako sa balikat ni Makoy at naka-pikit. Pag binubuksan ko kasi ang mata ko ay literal na umiikot ang mundo. Nakakahilo!

Umiikot ang paningin ko tuwing binubuksan ko ang mata ko, kaya nanatili ako sa ganitong posisyon. Gabing gabi na at konti na lang kaming naglalaro. Mukhang last man standing na nga ang labanan eh. Bagsak na si Tal na tulog na sa tabi ni Leo, ganon din si Rysii na mukhang nilalabanan ang antok. Kung tama ang bilang ko ay ubos na ang pang-apat na case ng beer. Nakakagulat pa dahil umabot pa ako ng ganitong oras. Sa totoo lang, gusto ko nang matulog dahil gusto ko nang mapanaginipan ang mga pony sa panaginip ko, kaso, hindi pa naulit si Nico pati si Kevin kaya ayon ang hinihintay ko.

"Kisapmataaaaaa!!!!" Pagtapos na kanta nila.

"Yes! It's Kevin's turn!" Sambit ni Tal dahilan para mapadilat ako.

Kahit nahihilo at umiikot ang aking paningin ay tinuon ko ang pansin kila Kevin. Umupo ako ng maayos kahit na nagiging apat na sila sa paningin ko.

Wow, marami palang kambal si Kevin at Anie? Hahahaha.

"Truth or Dare?" Tanong ni Anie sakanya.

"Dare." Seryosong sagot ni Kevin.

"Okay! Kiss the-"

"Ari, lasing ka na ba?"

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang sinabi dahil sa bulong ni Makoy. Napalingon ako sakanya. I chuckled and shook my head.

"No," parang tangang sagot ko.

"Really? You look like you need to sleep." Aniya.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong Makoy ang nakikita ko ngayon. Wahaha! Galing? Dami palang kambal nito.

I giggled. "Andami mo palang kambal? Hindi mo sinabi sa'kin na triplets kayo."

Napailing sya and he made a tsking sound. Natawa na lang ako saka pinikit ang mata ko. Nakakaantok na! Ayaw ko na! Suko na ako! Wala sa sariling sasandal dapat ako sa katabi kong si Ashi dahil unti-unti na akong nilalamon ng antok, nang may kamay na sumalo sa ulo ko.

I giggled when I felt the hand going on my nape. "Such soft hands.." i whispered.

I heard a soft baritone laugh that made me smile. Ang galing, kaboses ng tawa ni Kevin. Maya-maya pa ay naramdaman kong may dumamping malambot na bagay sa labi ko.

"Ten...nine...eight...seven...six..."

Hinawakan ako ng kung sino man sa batok para mas lalong lumalim ang kung ano man na ginagawa nya sa'kin. I just smiled and copied the movement of that soft thing on my lips. Wala na ako sa wisyo at inaantok na talaga ako.

"Five...four...three...two...one! Times up!"

Slowly, that thing on my lips pulled back. Wala sa sariling natawa ako habang pikit pa rin ang mata.

"D-Don't do that again... Kevin will be mad at me." I whispered.

I heard a soft baritone laugh. "It's okay.." bulong nya.

Weird, bakit kaboses nya si Kevin?

Bago ko pa matanong ang gusto kong itanong ay nilalamon na ako ng antok at namalayan ko na lang na bagsak na ang ulo ko sa matipunong dibdib nitong tao at karga nya na ako. I heard him chuckle making me smile again. Haha, kaamoy nya din si Kevin? I just rested my head on this stranger's chest and closed my eyes to sleep. Pero bago pa iyon ay may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now