|•61•|: Wedding Dress

13 1 3
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

ITLOG, Hotdog, Ham, Pancakes, Coffee, Fried Rice, Tapa, at Tocino. Yan lang naman ang umagahan namin ngayon. Dami 'no? Syempre marami kami ngayon sa condo.

Pagtapos naming mag-usap kagabi ni Nico ay dito ko na sya pinatuloy. Tutal dalawa naman ang guessroom ko, at sa iisang kwarto lang natulog si Ashi at Yuan, sa isang guess room ko na sya pinatulog. Gabing-gabi na rin kasi at pansin kong antok na antok na sya kagabi. Lasing pa man din sya.

Kasalukuyan akong nagp-prito ng itlog habang hinihintay magising yung tatlo. Nag-text sa'kin kanina si Makoy at sabi nya dito din sya magb-breakfast kaya marami akong hinanda. Knowing Makoy, hindi yun makukuntento sa isang meal lang. Malakas kumain ang gunggong na yun.

Parang ako hindi ah.

"Aah," napalingon ako nang may marinig na humikab. Nang tignan ko ay si Ashi iyon. Nakapajamas sya kaya napataas ang dalawang kilay ko. Pinalitan sya ni Yuan? Napailing na lang ako at hindi na iyon pinansin.

"Good morning, Liya." Tila inaantok pang sabi nya.

"Morning, Ashi." tugon ko at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Oh, ang dami mong niluto ah? Anong meron?" Nagtatakang tanong nya.

Kinuha ko ang pinggan kung nasaan ang mga itlog na luto na. Inilagay ko ang bagong lutong itlog dito. Kapagkuwanan ay kinuha ko ang pang limang itlog at sinimulang lutuin ito.

"Marami kasi tayo," Sagot ko kay Ashikira.

Kumuha ako ng mug at lumapit sa coffee maker para bigyan ng kape si Ashi. Mabuti na lang ay nakagawa na ako ng kape kanina kaya hindi na ako nahihirapan ngayon. Isinalin ko ang kape sa mug at humarap kay Ashi. Iniabot ko ito sakanya; agad nya namang tinanggap.

"Thank you," aniya. "Ang sakit ng ulo ko, bwisit na hangover." Reklamo nya.

Natawa ako ng mahina. "Ang dami mo kasing ininom, shunga ka." Natatawang sabi ko at binalikan ang niluluto.

"Psh, kasalanan naman 'to lahat ni Yuan." Mahinang aniya.

Nilagay ko ang huling itlog sa plato at pinatay na ang stove. Lumapit ako sa lamesa at nilagay doon ang plato. Tinanggal ko ang suot kong apron saka umupo sa harap ni Ashi na kasalukuyang kaharap ang cell phone habang umiinom ng kape.

"Mamaya na raw ang alis ni Anie, sasama pa ba tayo?" Tanong nya habang ang mata ay nasa cell phone pa rin.

Nagkibit-balikat ako. "I don't think Anie would want us to bid her goodbye. Atsaka sinabi na rin naman nila Ryssi kagabi na sila na lang maghahatid kay Anie sa airport para less drama." Sagot ko.

Tumango-tango sya saka ibinaba ang cell phone at tumingin sa'kin. "Nagugutom na 'ko, hindi pa ba tayo kakain?" Tanong nya at humigop sa kape.

"Pwede naman, kung gigisingin mo si Yuan at Nico--" Napatigil ako nang bigla syang nasamid. Mabilis kong sinalin ang tubig sa baso at binigay sakanya. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Uminom sya ng mabilis, at nang matapos ay nanlalaki ang matang tumingin sya sa'kin. "NANDITO SI NICO?!" Gulat nyang sigaw.

Mabilis na kumunot ang noo ko at nagtatakang tumango. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa upuan habang nakatingin pa rin sakanya. Mas lalong nanlaki ang mata nya at magsasalita na sana nang biglang pumasok sina Yuan at Nico.

"Good morning." Sabay nilang bati.

"Morning." Ngiti ko.

Nahagilap ng mata ko ang pag nganga ni Ashi. Mukhang hindi talaga sya makapaniwala na nandito si Nico. Nailing na lang ako at natawa sa reaksyon nya.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now