|•11•|: Transfered to our section

52 4 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Maaga akong nagising kinabukasan. Ang ingay ba naman ng alarm clock ko eh, parang alarm clock lang ni SpongeBob. Bumaba agad ako at natagpuan ang bagong gising na si mama.

"Goodmorning, Ma." Bati ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Oh ang aga mo naman nagising? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nya.

Ngumiti naman ako at tumango. "Ayos na po ako. Kailangan ko po kasing gumising ng maaga para makapag-handa ng breakfast para kay Nico. Alam nyo na.." ngiting sagot ko.

Sumipil naman ang nanunuksong ngiti ni mama. "Ayan ha. Asus ang anak ko nagda-dalaga na." Panunukso pa ni mama habang sinundot-sundot ang tagiliran ko.

Natatawa akong umiwas. "Ma, matagal na po akong dalaga. 'Tsaka there's no bad on making breakfast for Nico, diba?"

Nangi-ngiting umiling si mama. "Whatever you say anak. Basta, nandito lang ako lagi para suportahan ka. Anyway, tutulungan na lang kita gumawa ng breakfast para kay Nico. Ano ba ang lulutuin mo?" Tanong ni mama.

Agad akong nag-isip, ano nga ba ang paboritong ulam ni Nico? Hmm...

Napangiti ako nang maalala ang paboritong pagkain ni Nico. Kinakain naming dalawa yun nung bata pa kami and for sure magugustuhan nya iyon.

"Ano may naisip ka na ba?" Tanong ni mama.

Nakangiti akong tumango. "Alam mo po ba Ma kung paano gumawa ng champorado?"

"Syempre naman! Paboritong pagkain mo iyon ng bata ka kaya hindi ko makakalimutan kung paano gawin yun." Tuwang-tuwa na sabi ni Mama.

Tumango ako. "Yun na lang po mama. Naalala ko po kasi na paborito naming pagkain ni Nico yun nung mga bata pa kami."

"Osige, tuturuan kita kung paano gumawa ng champorado." Nakangising sabi ni mama.

Nae-excite na nagpaturo ako kay mama at masaya naman sya habang tinuturuan ako. Kailangan ko 'tong gawin para kay Nico. And I thank my mom that she's always there to support me.

**

After--like forever--natapos na din namin ang pag gawa ng champorado. It tastes good and I'm sure Nico will like this one. Agad ko itong nilagay sa isang Tupperware na lalagyanan at nilagay sa isang maliit na paper bag.

"Thank you talaga mama ah. Thank you for teaching me." Nakangiting sabi ko.

"Asus wala yun. Nanay mo ako at susuportahan kita sa kasiyahan mo." Nakangiti at sinserong sabi ni mama.

Ngumiti ako at niyakap sya. I'm so lucky to have a mother like her.

"Osya tama na ang drama. Gisingin mo na ang mga kapatid mo. Ang papa mo naman ay naka-leave ngayon kaya hindi na sya kailangang gisingin. Maya-maya pa yun magigising." Utos ni mama.

Tumango ako at nilagay ang champorado'ng ginawa ko sa tabi ng ref at saka tumakbo paakyat. Ang una kong kinatok ay ang kwarto ni Vynn.

"Vynn, wake up. It's already 5 in the morning. May pasok ka pa!" Pag-gising ko at kinatok ang pinto nya.

Bumukas naman ang pinto at bumungad ang bagong-gising na si Vynn. Humihikab pa sya habang kinukuskos ang matang nakatingin sa'kin.

Ngumiti ako sakanya. "Bumaba ka na at mag-breakfast. Gigisingin ko pa muna si Vash."

Tango lang ang sinagot nya sa'kin habang humihikab na bumaba. Pinuntahan ko naman ang pintuan ng kwarto ni Vash na katabi lang ng kwarto ni Vynn.

"Vash, wake up! Rise and shine!!! May pasok ka pa!" Masiglang sigaw ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Vash.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now