|•6•|: Nicole Xyrille Desuasido

65 5 1
                                        

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Uhm.. ano nga ulit gagawin natin?" Tanong ko kay Yuan.

Nagulat ako kaninang umaga nang makita si Yuan sa bahay. Ginising nya ako ng sobrang aga! Pati nga sila mama, hindi pa gising pero ginising nya. Sinundo nya ako, kasama nya na si Ashi nu'n. Ngayon nandito na kami sa Music Room ng school. Hindi ko alam kung anong trip ni Yuan.

"We're going to make a music video, Ari." Aniya habang binubuksan ang piano.

"And why are we going to make a music video?" Tanong naman ni Ashi.

"It's our project, okay?" Sagot nya naman.

Napakunot ang noo ko, bakit kami ang isasama nya? Not to mention na kabanda nya si Nico me'loves. Bakit kami?

"Eh diba may banda kayo? Bakit hindi yung kabanda mo isama mo jan sa music video na 'yan?" Tanong ko.

Ngumiti sya. "Busy sila eh." Sagot nya.

"You're messing with us, Yuan." Seryosong sabi ni Ashi.

True, alam kong nang-iinis lang 'tong si Yuan. Masyadong obvious. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nya kami iniinis?

Tumawa naman si Yuan. "Hahahaha, you got me. Okay fine, we're not going to make a music video. Namiss ko lang kayo ka-jamming. Kaya magjamming naman tayo ngayon, maaga pa naman eh." Sabi nya.

Maaga pa talaga. 7:00 ang start ng classes namin. 6:25 pa lang ng umaga. As in, ginising nya ako ng 5:00 para lang sa lintek na 'to.

"So ginigising mo kami ng sobrang aga para lang sa trip mo?!" Inis na singhal ni Ashi kay Yuan.

Natawa naman yung buset kong pinsan. "Kind of" aniya.

"YUAN!" Sabay na sigaw namin ni Ashi dahil sa inis.

"Chill girls, ngayon lang ulit 'to oh. Pag-bigyan nyo na ako." Paawa effect na sabi nya.

Nasapok ko na lang yung noo ko. Hays, paano ko ba naging pinsan 'to?

"Psh, dami mong alam Bakla!" Inis na sabi ni Ashi at kinuha yung violin. "Buti trip ko din mag-violin ngayon, mapagbibigyan kita sa trip mo." Sabi nya at ni-try ang gitara.

Tumingin naman sa'kin si Yuan with a pa-cute smile plastered on his face.

"Fine!" Irap ko at kinuha ang gitara.

"Oooppss." Biglang inagaw ni Yuan yung gitara sa'kin kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Chill, sa drums ka na lang, Ari. Mas magaling ka mag-drums eh." Sabi nya.

"Eh kung 'yang mukha mo gawin kong drums?!" Inis na sabi ko at padabog na naglakad palapit sa drums.

Natawa naman sya saka inayos yung mic nya. Ako naman ay ni-try ang pagdrums. Maayos pa naman ako mag-drums. Kaya pa.

"Okay so ganito, si Ari kakanta while she's drumming dahil ang pangit ng boses mo, Hapon." Pang-aasar ni Yuan kay Ashi.

"Gunggong!" Sigaw ni Ashi.

"Ako naman mag-gigitara, ikaw Hapon mag-violin ka na lang, dahil magaling ka jan."

"Wow, kung makapag-utos 'tong baklang 'to." Bulong ni Ashi pero narinig ko.

"Okay let's start." Sabi ni Yuan.

"Teka, anong kakantahin?" Tanong ko sakanya.

"Paalam ng Silent Sanc." Nakangiting aniya.

And by that, sinimulan ni Ashi tugtogin ang violin. Napangisi naman ako at nag-simula na ding kumanta.

"Paalam na sa ating pag-ibig na minsa'y pinag-isa.. Paalam na sa mga pangakong 'di na mabubuhay pa.."

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now