|•26•|: Kevin Willbourge

36 4 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na kisame. Nanlaki ang mata ko. Shit! Agad akong napabangon at inikot ang paningin ko.

"Nasaan---Kevin?" Gulat na sabi ko.

Tumingin agad sa'kin si Kevin at napatayo agad sya. "Ayos ka na ba?" Mahinang tanong nya.

"N-Nasaan ako?" Bulong ko sakanya.

"Nasa condo kita--"

"Ano?! Bakit?!" Sigaw ko.

Mukhang nagulat sya sa biglaan kong pagsigaw kaya nanlaki ang mata nya. Nagpapanic na ako. Oh my gosh! Ano bang nangyari sa'kin?! Nawala na ba ang iniingatan kong perlas?! Si Kevin ba ang nakakuha nun?! Pero ayos lang, gwapo naman si Kev---ano ba pinagsasabi ko?

Tinignan ko ang katawan sa ilalim ng kumot at nakaibang damit na ako. Mas lalong nilukob ng kaba ang buo kong pagkatao. No! Hindi pwedeng mawala ang iniingatan kong perlas!!

Malaki ang matang tinignan ko sya saka ko sya hinampas sa braso. "Yaaaa!!! Bwisit ka! Anong ginawa mo sa'kin?! Ginahasa mo 'ko 'no?! Bwisit ka!! Ang sama mo! Ang sama mo!!" Naiiyak na sigaw ko habang pinaghahampas sya.

"Aray! Ano bang sinasabi mo--Aray! Masakit!" Sigaw nya.

"Bwisit ka! Napakasama mo! Napakasama mo!!!" Sigaw ko.

"Huy Liya!" Biglang may pumigil sa braso ko.

Napatingin ako duon at nakita si Ashi, Lucas, Nicole, Tristal at Leo. Pinipigilan ako ni Ashi habang may dalang mga grocery bag.

Nagtataka ko silang tinignan. "A-Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

Binitawan naman ako ni Ashi. "Ano bang eme mo at hinahampas-hampas mo 'tong si Kevin. Grabe sya na nga tumulong sayo tapos sisigaw-sigawan mo pa sya." Singhal ni Ashi sa'kin.

Napatingin ako kay Kevin na hawak yung braso nyang hinampas-hampas ko. "S-Sorry." Nakangiwing sabi ko.

Natawa sya. "Okay lang. Grabe, ang sakit ng hampas mo! Ano ba 'yang kamay mo, pang-kargador." Natatawang sabi nya.

Hinampas ko ulit sya. "Aray!" Daing nya. "Bwisit ka kasi! Kumag ka!" Inis na sabi ko.

Natawa na lang sya habang hinihimas ang braso nya. Napailing na lang ako at napatingin kila Ashikira.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sakanila.

"Uh.. guys gagawa na muna kami ng meryenda. Ashi, Kev, kayo na bahalang mag-explain kay Yana." Sabi ni Cole at umalis na silang apat nila Lucas.

Naninigkit na tinignan ko si Ashi at Kevin. "Explain." Walang emesyon na sabi ko.

"May naalala ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Ashi.

Bumalik bigla ang sakit. Yung mga pinag-usapan namin ni Nico. Yung pag-away namin ni Andrea at ang pagtulak sa'kin ni Nico habang sinisigawan.

Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Mukhang napansin yun ni Ashi dahil niyakap nya ako bigla.

"Shh.. tell me what happened." Sabi nya habang pinapatahan ako.

Umiling ako. I don't want to tell them what happened. Sinabi ko na sakanila na problema ko 'to at kaya ko 'to. Sinabi ko sakanilang hindi ko kailangan ng tulong nila because I can handle myself. Atsaka ayokong kaawaan nila ako. Ayokong ayoko.

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at huminga ng malalim. "Liya, sabihin mo, anong nangyari." Sambit ni Ashi.

Umiling ako. "It's too personal." Sagot ko.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now