|•59•|: When I was your man

37 3 5
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Pagtapos ng ilang check-up sa akin ay pinayagan na din ako ng doctor umuwi. Ngayon ay kaharap naming apat si Doc habang sinasabi nito sa'min ang mga dapat at hindi dapat gawin.

"Just don't stress yourself too much, okay? Iwasan mo na rin ang pag-aalala masyado." Huling pasabi ng doctor saka ngumiti sa'kin.

Ngumiti din ako pabalik. Ang pogi ni Doc, ehe. Hindi sya mukhang matanda. Mukha lang syang ka-age ni kuya Cad or something na mas bata sakanya pero mas matanda sa'kin.

Tumango ako, "Yes po, doc." Ngiti ko.

Mabait si Doc pero mukhang playboy na ewan. Hindi ko sya jina-judge ha. Pero parang gano'n na nga. Seriously, ang hot nyang doctor pero yung charisma pang playboy na ewan.

Ngumiti sya pabalik. "Okay, now--"

"Dexter!"

Halos sabay-sabay kaming lahat na napatingin sa babaeng sumigaw. Isang maganda, matangkad at makurba ang naglalakad palapit sa'min. Napaawang ang labi ko sa gandang taglay nya nang makalapit sya sa'min. Mas lalo nga lang napaawang ito nang malakas nyang sampalin si Doc nang makalapit sya.

Ooh, harsh.

"You ass! How dare you do that to me, huh?! Leaving me after--"

"Yiera, nasa hospital tayo--"

"I don't care! Mabuti nga't malalaman ng pasyente mo na gago ka!" Sigaw nya.

Nagkatinginan kaming apat nila Nico dahil sa sinabi nya. Parehong nanlalaki ang mga mata namin. Nang mapatingin muli ako sa babae ay mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin sya sa'kin.

Ngi.

Inismiran nya lang ako at tumingin muli kay Doc ng masama. "Mag-uusap tayo mamaya!" Galit na sabi nito.

Inirapan nya ito bago padabog na naglakad paalis. Sinundan ko lang sya nang tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko, saka ulit ako tumingin kay doc na kamot ang ulo na nakatingin sa'min.

Ngumiti sya. "Pasensya na kayo, may sira lang talaga utak nu'n." Aniya.

"Ano mo ba yun, doc? Girlfriend mo?" Tanong ni Ashi, nag-iintriga.

Siniko ko sya para manahimik sya. Hindi naman kasi kami close ni Doc para makealam sya. Pero, ano nga ba yun ni Doc? Asawa o Girlfriend?

Napabuntong-hininga si Doc. "Soon, she'll be mine soon." Ani doc. Natulala sya saglit bago muli ngumiti sa'min. "Sige na, basta wag mo lang kalimutan mag take ng vitamins, okay? Mauuna na ako at may mga pasyente pa ako." Sambit ni Doc.

Nagsitanguan kaming lahat saka ngumiti ulit sakanya. Ngumiti pabalik si Doc bago nya kami talikuran at tawagin ang isang nurse. Sinundan lang namin sya ng tingin hanggang sa mawala na din sya sa paningin namin.

"Grabe boi, lakas ng sampal na yun." Bulong ni Yuan.

"Harsh nga e," bulong ko pabalik.

"Gagi, sino kaya yon 'no?" Bulong na naman ni Yuan.

Kunot-noo ko syang tinignan. Itong lalaking 'to kung makapag-intriga akala mo babae eh.

"Baka girlfriend," sambit naman ni Ashi kaya tuluyan na akong napangiwi.

Mag-jowa nga sila.

"Baka asawa," sambit naman ni Nico.

Mas lalo akong napangiwi. Mga chismoso din eh. Naiiling na humarap ako sakanilang tatlo. Si Nico agad ang tumingin sa'kin. Nangalukikip ako sa kanila saka nameywang.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now