Tumango ako bilang sagot at napangiti. I suddenly feel in peace. He's really my safe haven.

Nabigla si sir Eliot nang makita ako. He eyed me from head to foot then act shock. Napailing-iling siya, tila hindi makapaniwala.

"Woah! Therese? Damn, woman. You are so gorgeous!" puri niya. Uminit naman ang aking pisngi sa reaksiyon niya.

"Eliot," iritadong saad ni sir Azriel.

"Can't blame me, man. The lady here is so beautiful. Dati ka pang maganda talaga pero lumala yata dahil sa pananamit mo. You look so elegant," aniya at inikot-ikutan ako habang pinagmamasdan.

"Eliot." Tila may pagbabanta na sa boses ng aking professor. Natawa ako at napailing-iling.

Sir Eliot smirked and raised his hands. Tumaas-taas ang kilay nito saka sumulyap sa akin.

"So you're here to resign?" he asked. Umiling ako.

"Resume po ako sa trabaho. I'm sorry for my absences," saad ko. Nanlaki ang mata niya, hindi makapaniwala.

"Are you sure?" he asked me and eyed me from head to toe again. I smiled and nodded.

Napansin ko na may bago na lalake. Sir Eliot called him. Pakamot-kamot itong lumapit at pumula ang pisngi nang nasa harap ko na.

"This is Baby Gilbert. As in pangalan niya ang Baby. We call him Gil. Gil, this is Therese. Umabsent lang siya kasi nagkaproblema, but she's working here," pakilala ni sir Eliot. Sumulyap ito sa akin kaya nginitian ko.

"Laurelia will call him Gil," mariin na saad ni sir Azriel. Tumawa naman si sir Eliot at ako naman ay napataas ng kilay.

"Therese.." pakilala ko at nilahad ang kamay. Namumula pa rin ito at inabot ang aking kamay.

"P-pwede mo ako tawaging Baby..." he whispered. Nabigla ako nang kinotongan siya ni sir Eliot.

"Hoy, itlog ka! Akala ko ba ayaw mo ng pangalan mong 'yan?"

"Change of heart, sir!" natatawa nitong saad.

Tumikhim naman ang katabi ko at nang sulyapan ko ay nakasimangot. Ngumisi si sir Eliot.

"Sabagay, cute naman ang name mo na 'yon. As your boss, Therese, call him Baby. Alright?" he asked. Tumango ako ngunit natigilan nang magwalk-out si sir Azriel. Tumungo ito sa lagi niyang pwesto at nang maupo ay mukhang iritado.

"Galit 'yung baby damulag.." sir Eliot whispered then chuckled.

Nagsimula na agad ako sa trabaho. Gusto kong makabawi sa mga iniliban ko. Nag advance na rin ako ng paalam sa aking boss na may araw na hindi ako makakapasok dahil nga sa reunion ng pamilya Liente. Tuwang-tuwa din si Pamela at kuya Roy na nakapasok na ako muli. Narinig ko na nagresign na si Sandra. Hindi ko alam kung kailan ko siya makikita muli.

Sir Azriel left but then he came back again. Nagkape siya at pinapanood ako sa aking mga galaw. I am slightly shy but I managed to be comfortable.

Nang closing procedure na ay nag-aayos ako ng mga upuan. Sir Azriel helped me. Tahimik siya na ginagaya ang mga ginagawa ko.

"Dala ko na ang uniforms mo. But your other things are still on my condo.." mahina niyang saad.

Tumango ako. "Salamat, Sir," saad ko. Inismiran niya ako kaya hindi ko mapigilang matawa. "What?" I asked.

"Psh. You know that I want you to drop calling me, sir," mariin niyang saad.

"I won't," I playfully said and stick my tongue out. Pinaningkitan niya ako ng mata.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now