Nahagip ng paningin ko si Nico, kausap naman nito ngayon ang isang magandang babae. Nag bubulungan sila at nag tatawanan. Humahaplos pa sa braso niya yung babae. Bakit ba napaka landi ng lalaking ito? Nang gigigil ako!

Gusto ko siyang kidnappin! Tapos maiinlove siya sa akin then mahuhuli kami ng pulis tapos mag kakahiwalay kami after years mag kikita ulit kami tapos jowa ko na yung pinsan niya! Revenge baby! Lintik lang ang walang ganti! 

"Sino nanaman yang iniirapan mo? Nakakahalata na ako sayo anak. Galit ka ba sakin? Imposibleng napuwing ka nanaman." Sabi ni Daddy habang kumakain. 

"Nakasayanan ko na po yata. Wash room lang po ako Dad." Sabi ko nang wala na sa mood.

Sayang at wala sila Rianne ngayon. Kung kailan ko naman sila kailangan  saka pa sila nawala. 

Naaninag ko ang mga tauhang naka-itim at may saklob sa mukha. Armado sila ng baril na animo'y sasabak sa isang digmaan. 

Bakit naman may ganoon dito? Sabagay. Puro bibigatin naman kasi yung mga tao sa event na ito. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. 

Medyo natagalan ako sa dahil nag retouch pa ako. Ayokong mag mukhang haggard lalo na't nandiyan ang kabit ni Nico. Kainis! Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya. Lumalandi pa sa harap ko kanina!  

Pag labas ko palang ng hallway ay nag patay sindi na ang ilaw. Kumunot ang noo ko dahil dito. May problema ba sa kuryente? 

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga putukan galing sa pinanggalingan ko kanina. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko magawang ihakbang ang paa ko. Tuloy tuloy pa rin ang palitan nila nang putukan. 

Napaupo ako nang biglang mamatay ang ilaw. Tanging liwanag nalang ng buwan ang ilaw ngayong gabi. 

Sila Daddy? Kamusta na sila Raphael at Tita Luisina? Oh my god! Ano bang nangyayari? 

"Ah!" Napatili ako ng may humila sa aking braso at niyakap ako ng mahigpit. 

I almost cried when I smelled the familiar scent of Nico. He hugged me tightly, as if I will be gone any minute now. Rinig ko ang pag bilis ng tibok ng puso niya. 

"Damn, I thought I'd lost you." he whispered in a husky voice. 

Lumayo ako sa kapit niya at tinignan siya ng masama. Now is not the time to be mad at him but I can't help it!

"Anong nangyayari? Kamusta sila Daddy? Si Raphael?" tuloy tuloy kong tanong.

"They're fine, don't worry heart. Let's go." he said and held my right arm. I pulled my arm and glared at him.

"No! Hindi ako sasama sayo! Gusto kong makita sila Daddy!" 

Nagulat siya sa inakto ko. Napatili ulit ako at nag pumiglas ng buhatin niya ako. Ipinatong niya ang tiyan ko sa kaniyang balikat at agad na tumakbo nang muling mag palitan ng putukan. 

Naiiyak na ako sa mga nangyayari! Wala bang pahinga? 

Nag padala nalang ako kay Nico habang umiiyak. Nahihirapan din akong huminga dahil sa ayos ko ngayon. 

Rinig ko ring may kausap si Nico sa isang maliit na earphone habang buhat niya ako. Umakyat kami sa isang palapag at pumasok sa isang kwarto. 

Hinabol ko ang hininga ko at hinaplos ang masakit kong tiyan ng ibaba niya ako. He looked at me worriedly.

"Are you okay? Sorry. Kailan kong tumakbo dahil baka mahabol nila tayo." 

Sinamaan ko siya ng tingin habang umiiyak. Ayoko siyang makasama! 

Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now