Chapter Nineteen: His POV

108 19 0
                                    

-Maxwel's POV-

"Idiot. Your such an idiot Maxwel Jude." bulong nya matapos nya kong halikan na lang basta sa harap ng mga kaibigan namin at kasamahan sa trabaho.

Sa pinakaunang pagkakataon sa buhay ko, parang nalulon ko ang dila ko. Hindi ko magawang mahanap ang mga tamang salita na pwede kong sabihin sa kanya.

Basta lang akong nakatitig and it was like Dan Hill's song...I fall all over again.Over and over again. This is the first time after 5 years na sya ang unang lumapit sakin.

Para akong tanga. Noon, ginagawa ko lahat para lang mapalayo sa kanya. Sinasabihan ko sya ng masasakit na salita para magalit sya sakin at hindi na ko lapitan. Itinataboy ko sya palayo at paulit ulit kong sinasabi na kahit kelan hinding hindi lalagpas ang pagtingin ko sa kanya sa pagiging magkaibigan. Pero ang totoo? Mas nauna ko pa ata syang minahal.

Gusto kong nakikita na masaya sya. Di man ako ang dahilan basta masaya sya ayos na ko don. Ayokong nakikita ang sakit sa mata nya. Kaya sa tuwing nagsasalita ako ng masasakit agad akong tumatalikod at naglalakad palayo para mapigilan ko ang sarili ko sa paghingi ng tawad sa mga nasabi ko.

Gusto ko syang protektahan. Kahit sa sarili ko pa. Gago kasi ako. At natatakot akong hindi ko sya magawang mapanindigan. Akala ko kaya kong lumayo. Akala ko kaya ko pa. Pero hindi na pala. Dahil nung nakita ko syang tumatakbo palayo, natalo na ko. Hinabol ko sya. Pero pinigilan ako ni Lucas. Telling me that I should let her rest for a while kasi masyado ko na daw syang nasasaktan.

Tangina ako ba hindi nasasaktan? Ano bang tingin nila sakin bato? Ang sakit na din kaya. Sobra na.

Akala ko makikita ko din sya sa mga susunod na araw, once again...naging gago na naman ako. Hindi ko sya hinanap. Masyado akong nagpakampante na susulpot na lang sya sa tabi ko at sasabihing mahal na nya ko. Pero hindi kasi nangyari yon. Kaya hinanap ko sya. Wala akong pakialam kahit ilang practice ko pa para sa graduation ang na skip ko. Kelangang makita ko sya.

Kaso hindi rin sya dumating sa mismong graduation. Kaya kinompronta ko na sina Lucas non.

"Nasan si Caira? Anong nangyari sa kanya? Bat di sya umattend ng graduation rights?" naiinis na sabi ko.

Nilingon ko si Annica na nag-iwas lang ng tingin pero muli na namang namula ang mga mata nya.

Isa pa to. After ng party na sya mismo ang nag-organize para samin ei naging tahimik na sya. Hindi na sya katulad ng dati na parang ang jolly-jolly nya.

"Annica?" tawag ko ng ilang minuto na ei wala pa ding nagsasalita.

"She left that night." Lucas said silently.

Pakiramdam ko ginapangan ako ng kakaibang takot na ni minsan sa buong buhay ko ei hindi ko pa nararamdaman ng marinig ko ang sinabi ni Lucas.

"L-left?" pakiramdam ko wala na kong boses.

"Anong pinagsasabi mo jan Lucas? Umayos ka nga." nakakunot noo na ding tanong ni Tyron.

"T-that party was supposed to be her farewell party. Sabi nya kasi, friday sa mismong graduation nyo ang alis nya kaya hindi na sya makaka attend ng graduation.Pero hindi ko alam na nabago ang schedule nya ng gabi na yon mismo." umiiyak na sabi ni Annica.

Agad naman syang niyakap ni Aldrich.

"Alam nyo na simula pa lang na aalis sya? And yet hindi nyo man lang ipinaalam samin?" galit na tanong ko.

"Para saan pa Max? Wala ka din namang pakialam sa kanya------"

"WALA KANG ALAM LUCAS!!!Wala!!" sigaw ko at napasabunot na lang sa sarili ko. Damn. Ganito ba talaga kasakit yon?

Hinanap ko sya. Hinanap ko sya sa lahat ng pwede kong paghanapan sa kanya kaso nabigo ako. It was like Caira Montes doesn't exist afterall.

Hanggang sa bumalik sya. Ipinangako ko sa sarili ko na itatali ko na sya sakin. Hindi ko na gagawin ulit ang kaparehong katangahan na ginawa ko noon.

I need her beside me and I am willing to do everything to make her stay with me. By hook or by crook. Sakin lang sya.

I am going to fix the both of us. Im gonna fix myself. I am going to fix her. And fixing the both of us means that we should be together. Happy, contented and head over heels inlove with each other. I know that it is our only cure.

And if she doesn't love me anymore, I'll do anything and everything to make her fall for me. To make her love me again.

"Hoy gago. Tutunganga ka na lang ba jan?" Lucas asked na may kasama pang malakas na pagtapik sakin na dahilan kung bakit nagising ako.

"H-ha?"

"Aren't you going to follow her? Dude, pagkakataon mo na to para ayusin ang pagiging gago mo." patawa tawa pang sabi ni Troy.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Akala mo naman napakatino ng gago.

"Saan ko sya pupuntahan?" parang natanga ako bigla.

"Tangina mo Max. Tawagan mo si Chelsea. Magkasama sila diba?" suhestyon ni Arthur.

Nagtatawanan naman sina Lander at Alfred sa sitwasyon ko ngayon. Mga gago. Iintayin ko talaga na sila ang malagay sa sitwasyon ko ngayon at ako naman ang tatawa sa kanila pag nangyari un.

"Hindi sumasagot." frustrated na sabi ko. Damn it Chelsea. Masasakal talaga kita.

"Dude, nagpost si Chelsea. Nakatag ka at si Caira."Alfred said.

Agad kong hinablot ang cellphone nya na naiiwas ko naman agad kaya inis na ginamit ko na lang ang sakin pero parang bulang naglaho ang inis kong yon ng makita ko ang laman ng post na sinasabi nila.

Looking so stunningly pissed off is no other than my Caira while scrolling for her phone na malamang tungkol sa ipinost naman ni Lucas na agad pinagkaguluhan kanina. Nakapout pa nga sya at kunot na kunot pa ang noo. Parang gusto ko syang panggigilan sa itsura nya.

But what made my heart beats faster is the caption on it.

Pissed off with my Idiot-Caira

Para na talaga akong gago na nagtatalon sa tuwa.

"Idiot nya ako? Damn!!!" sigaw ko.

Agad namang nagsilayuan sakin ang mga kaibigan ko saka nagbulungan ang mga tanga na rinig na rinig ko naman.

"Sa lahat ng tinawag na tanga sya ang kilig na kilig no?"-Arthur.

"Wala na. Natanga na nga talaga."-Alfred.

"Ganyan ba talaga pag inlove?"-Lander.

"Malay ko. Inlove ako pero di ako ganyan."-Lucas

"Inlove ka tol? Kanino?"-Troy.

Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa pagngiti ng parang nababaliw.

Hindi pa ko nakontento at nag comment pa ko sa post na yon.

Maxwel Andrada:@CassandraMcknight...Im sorry love.❤😭

I love you Caira. I so love you. Can't wait to hug you now kahit pa nga nagtataka ako kung bakit mo ko tinawag na Idiot.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon