Chapter Seven: Escape

122 19 0
                                    

It has been 5 days nung manggaling ako sa resort ni Aldrich at makita ko ng kompleto ang barkada. Nagkikita pa rin naman kami but I always make sure na wala si Maxwel every time na makikipagkita ako. Hindi naman sa pagiging duwag. Pero kasi, paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang sinabi ni Icen.

And yes, wala rin namang mawawala kung ako yung iiwas diba?

"Miss Cassandra?" tawag sakin ni Jean na syang assistant ko.

"Yes?"

"Nasa conference room na po ang mga kameeting nyo." sabi nya na parang nagtitwinkle pa ang mga mata. Agad naman akong napakunot noo.

"Papunta na ko." sagot ko. Pangatlong araw ko nang nakikipag usap sa mga bandang ito at ngayon pa ko pa lang nakitang nag twinkle ang mga mata nya ng ganito.

"Gosh, sana mapapayag nyo sila Miss."  parang nangangarap na sabi nya.

"Sino ba kasi tong mga to? Bat parang wala akong nareceive na memo?" tanong ko habang papasok sa conference room.

Sasagot pa sana sya sakin kaso mas inuna na lang nya ang pagpupulot ng mga files ko na nailaglag ko ng makilala ko kung sino ang mga kameeting ko.

"What the fuck!!!!?"

Bigla na lang nagkagulo ang mga tao ko dahil sa sigaw ko na yun. Akala siguro nila may mali silang nagawa.

"M-mam kasi ano po---" hindi magkandatuto si Jean sa sasabihin nya habang ang mga tingin ko ei nakapako lang sa mga lalaking prenteng-prente ang pagkakaupo sa conference table.

"Anong ginagawa nyo dito?" I asked.

"Obviously, makikipagmeet sayo Miss Cassandra Tiarrah Montes Mcknight." dinig ko ang sarcasm sa boses ni Arthur sa sinabi nyang yun.

"Kaya pala kahit anong hanap namin sayo noon hindi ka namin makita. Hindi pala totoo ang Cairah Montes na pangalan mo." nagtatampong sabi pa ni Alfred.

"I..." ano bang sasabihin ko ulit?

"Take a sit na. Madami pa kaming gagawin bukod sa hanapan ng oras ang isang kaibigan na ginagawa ang  lahat para lang takasan kami." Troy added.

Omygolly... They are stricking my concience now.

Escape? Yun nga ang ginagawa ko this past few days. As much as possible kasi nagpapakita lang ako kina Annica...Because seeing these guys means seeing Maxwel. Package sila lagi ei.

"Let's start." Lucas said grimly.

Napayuko na lang ako. Oo na. Guilty na ko sobra... Hirap na hirap na nga ako tapos ganito pa sila. Akala ba nila madali sakin to?

"Amnēstia Band. Good morning." tumikhim muna ko bago ko nagawang magsalita. " It's a great pleasure having here. But first of all, I want....to apologize...Busy lang talaga ako ei." nahihirapang napakamot ako ng pisngi.

"Busy? Pero lagi mo ngang kasama sila Annica. Tapos pag kami wala kang time. May favoritism ka no?" Lander said.

Napapout lang ako at inirapan sila.

"Kasalanan ko bang hindi na ako libre sa mga araw na libre kayo?" pairap na tanong ko. Gosh bakit ba hindi ko sila matiis?

Walang umimik sa kanila. Pabuntong hininga ko silang tiningnan lahat at huminto ang mata ko kay Maxwel na nakatitig lang sakin.

"Miss Cass? Eto na po ang report regarding sa kanila." pabulong na sabi sakin ni Jean at iniabot ang isang itim na folder.

Agad ko yung iniscan kaya napasinghap ako.

"Your the new talent----"

" Correction Miss. Hindi na sila bago. Actually, sila ang pinaka sikat na banda ngayon dito sa Pilipinas. And gusto po ng mommy nyo na nasa mabuting kamay sila." napakadaldal talaga ni Jean kahit kelan.

I looked at the guys who have now their smug looking faces.

"Bat hindi ko alam to?" pairap na tanong ko.

"That's what you get for escaping like a coward boss." sarcastic na sabi ni Maxwel na ikinairap ko at ikinahalakhak nila.

Aba, gago din to ah.

AFTER ng magulong meeting ko kasama ang anim, eto ako ngayon at kasama nila para sa pictorial. I called mom for the details already and she specifically told me to be the band's road manager for the mean time habang naghahanap pa sya ng kapalit ng dating manager nila. Nagkaroon daw kasi ng problema dahil naging obsess masyado sa banda.

Kaya eto ako, nagtitiis makita kung pano sila makipagflirt sa iba. Like duh, kung bakit ba kasi kelangan pa na merong kapartner na babae tong mga to. Nakakairita. Masyadong clingy tong mga babaeng to.

"Jean, yung schedule nila for the whole week dala mo?" siguro mas mabuti na ireview ko na lang ang schedule nila. Kesa mapanood kong makipaglandian si Maxwel----- sila Lucas. Nakakadiri.

Busy na ko sa pagtingin sa schedule nila bigla na lang may maupo sa tabi ko. Fuck.

"You've been busy." Maxwel said.

Tiningnan ko lang sya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Look, im so sorry. Sa lahat ng nasabi ko at nagawa ko noon. Patawarin mo ko."mahinang sabi nya.

"Kelan yung noon Max?" sagot ko without looking at him. "Sabagay, tama ka naman noon ei. Masisira ang friendship natin kung in-entertain mo ang feelings ko. Thank you Max. Wala kang dapat ihingi ng sorry." sabi ko. Pwede ko bang palakpakan ang sarili ko for saying those things without stammering?

"Sabi nga nila diba? Nasa huli ang pagsisisi...Na makikita mo lang ang halaga ng isang tao sayo pag wala na sya. Totoo yon Caira." wala akong nagawa kundi ang tingnan sya. And there I something in his eyes na hindi ko magawang mapangalanan.

"Alam mo kung bakit Cai? Kasi yun mismo yung naramdaman ko nung malaman kong wala ka na." he added and leave me hanging with his statement. Fuck.

Sinundan ko sya nang tingin hanggang sa makita ko na bumalik sya sa pakikipagkulitan sa mga kabanda nya.

Good Lord, kaya ko pa ba? Baka umuwi na naman akong basag na basag.

Ayaw ko man pero kusa ng nasunod sa bawat galaw nya ang mga mata ko. Ano bang ibig nyang sabihin don?

Saka ano tong nararamdaman ko? Okay na ko diba? Wala na. Maayos na ko.

Nakita ko ang pagsulyap nya sakin and once again, eto na naman ang pagkabog ng dibdib ko.

No. Please. Ayoko na ng sakit.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now