Chapter Eight: Fix

108 18 0
                                    

"Tara kina Annica." pag aaya nila sakin after ng photoshoot nila.

Sabay-sabay na tumingin sakin sina Lucas, Alfred, Arthur, Lander, Troy at Maxwel na para bang inaantay ang desisyon ko.

Painosenteng tiningnan ko sila.

"Sasama ka ba?" tanong ni Lucas. Nakataas na ang kilay nya at alam kong naiinip na sya.

"Okeeeeyyyy." mahabang sabi ko.

"Alright!!! Whuuu!!!" masayang sabi ni Lander sabay akbay sakin.

"Aww!!!" wala sa oras na nahampas ko sya ng bag ko. Nasasakal ako ei.

"Oy tigilan mo nga yan!." bigla na lang akong nawala sa mga braso ni Lander ng hilahin ako ni Maxwel.

"Napakaover protective naman po." pang aasar nina Arthur.

"Dati pa namang ganyan yan si Max. Wala ng bago jan." Alfred said.

"Hindi ba parang OA ngayon?" pang-aasar pa nina Troy sa kanya.

"Mga gago. Manahimik nga kayo. Tara na." sabi na lang ni Maxwel at nag walkout. Naiwan akong naguguluhan habang naghahagalpakan naman ang mga kaibigan nya.

Anong meron? Bat natatawa sila at bat nagwalkout si Maxwel?

Kanya kanya kaming convoy papunta sa bahay nina Annica. Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako kung anong nangyari kay Maxwel at para syang badtrip nung umalis.

" Oy bilisan mo. Nagsisimula na sila." sabi ni Annica nung sagutin ko ang tawag. Saka ko lang napansin na wala na pala ang mga sinusundan ko.

Nagmamadali na ko ng pinaharurot ko ang sasakyan.

Pagdating ko ei agad akong nagpark sa likod ng sasakyan ni Lucas. Mabilis akong bumaba para mapahinto din lang ng makita ko si Maxwel na nakatayo at nakasandal sa sasakyan nya na nasa unahan naman ng sasakyan ni Lucas.

"Ang tagal mo." he said saka nauna nang pumasok.

Ano ka ba Caira? Maghunos dili ka nga.

Kompleto na naman ang barkada na nagkakatuwaan sa likod bahay nina Annica. Parang mga walang pinagkaaabalahan tong mga to.

" Ang tagal mo!!!" sigaw nila.

"Nasabi nga ni Maxwel." sagot ko na ikinahalakhak nila. Masaya na naman sila.

Akmang aabutin ko ang isa sa mga canned beer na nasa table ng may pumalo sa kamay ko.

"Aray ko!Puta naman-----"

"Bunganga mo!!!" sabay sabay na saway sakin nung mga lalaki habang humahagalpak naman ang mga girls sa tuwa.

Napasimangot na lang ako at tiningnan ng masama si Maxwel na syang pumalo sa kamay ko.

"Problema mo!?" asik ko.

"Kumain ka na ba? Hindi pa diba!?" sarcastic namang sagot nya.

Lalo lang atang naghagalpakan ang mga tinamaan ng magaling.

"Kumain ka muna kasi bru."Annica giggled habang nakakapit kay Aldrich.

"Napakaclingy mo na no?" pang-aasar ko na ikinapula nya.

Natatawang nagpunta ako sa mahabang table para kumuha ng pagkain.

"Ano yan?"

Para akong nahuling nagnanakaw dahil halos mapatalon ako sa gulat.

"Maxwel para kang tanga. Wag ka ngang nanggugulat."

"Tinantanong lang kita. OA ka lang talaga." balewalang sabi nya.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now