Chapter Ten: Hacienda

106 20 1
                                    

" Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong samin ni Aldrich.

"Wala na pooooo." parang elementary na sagot ng mga kasama ko.

Dalawang sasakyan ang gagamitin namin. Kay Aldrich na at kay Lucas.
Sa sasakyan ni Adrich sasakay ang first 5 at ang mga girlfriends nila including Annica.

Ako naman ei napilit nina Arthur na sa van ni Lucas sumakay pero kasama ko si Erica.

"Dito na ko... Tabi kami ni Caira." Erica said at akmang tatabi sakin ng unahan sya ni Maxwel.

"Dito ako babe. Nakareserve to para sakin." Maxwel said na ikinapula ng pisngi ko.

"Baliw ka ba?" tanong ko naman kay Maxwel. Nakatingin lang sya sakin na parang may gustong ipasabi. And hindi sinasadyang napatingin ako kay Lucas na nakatingin din sakin sa rear view mirror. Sya kasi ang nakapwesto sa driver seat.

"Ahh, matutulog pala ako. Tama. Dito na lang si Maxwel para may unan ako." biglang kabig ko.

"WHAT!!?" gulat na tanong ni Erica. Di nya siguro ini expect na ilalaglag ko sya.

Well, sorry sya. Mas naawa ako sa paawang mukha ni Lucas. Kunwari pa din ang isang to ei. Totorpe torpe.

"Sasakay ka ba o iiwan kita?" kunway walang emosyon na sa sabi ni Lucas. But hell, we knew better.

At dahil nga nakaalis na ang sasakyan nila Aldrich, wala ng nagawa si Erica kundi ang umupo katabi ni Lucas sa unahan.

"Bastard." bulong nya na ikinahalakhak namin.

"Ang tatamis naman."Alfred said.

"Nakakainggit." Lander added.

Wala namang pumansin sa kaingayan nila sa likod. Binuksan ko na lang ang phone ko at bumungad sakin ang wallpaper ko na nasa isang coffeeshop sa paris.

Stolen shot yon na kuha ni Icen ng minsang mamasyal kaming dalawa don.

"Beautiful."I heard Maxwel murmured.

Tiningnan ko lang sya at matipid na nginitian.

"Peram ng phone." maya maya ei sabi nya at bago pa ko makapagsalita ei naagaw na nya ang phone ko.

"Ano bang gagawin mo?" inis na tanong ko. Pilit kong inaabot ang phone ko kaso ayaw nya talagang ibigay.

"Eherm...Baka naman mamaya iba na yan ha." parinig ni Arthur na nasa likod namin.

Saglit na nagsink in sakin ang pwesto namin ni Maxwel. Halos nakadagan na ko sa kanya at sya naman ei kulang na lang humiga na. Solo lang kasi namin ang unang row ng van.

Shit!!!

"Gago ka talaga Arthur." hindi ko alam pero parang naiinis na sabi ni Maxwel ng umayos kami ng upo.

Naghagalpakan naman silang mga kasama namin sa van.

"Paraparaan ei." parinig pa ni Troy.

Hindi ko na sila pinansin at pinabayaan ko na lang si Maxwel sa gusto nyang gawin sa cellphone ko.

Bahala sya. Basta ako matutulog.

Almost 3 hours ata ang binyahe namin at sa loob ng mga oras na yon ei kumportable lang akong natugulog at nakaunan sa mabangong bagay na ito.

"Cai? Bangon na. Nandito na tayo. Or bubuhatin pa kita?" malambing na sabi ng katabi ko.

Umungot lang ako at lalo pang nagsumiksik sa mabangong unan ko. Maya-maya pa ei naramdaman ko na lang ang paglutang ko sa lupa.

Shocks.

Napilitan akong magmulat ng mata and there I saw the most beautiful pair of dark eyes na nakita ko ever.

"Sleep. Ako ng bahala sayo." Maxwel said and once again, i was mesmerized by him.

Wala akong naging ibang reaksyon kundi ang kumapit lang sa batok nya at magsumiksik lalo. Sa mga oras na to, para kaming bumalk sa dati. Yung mga panahong magkaibigan pa kami at pinoprotektahan nya ko.

"Ay ang laki naman ng baby...." may pang aasar sa tono ni Lander na narinig ko.

Parang doon lang ako tuluyan talagang nagising. Namumulang nagpapasag ako hanggang sa maibaba ako ni Maxwel.

"Bat nadadalas ata ang pamumula mo ngayon Cai?" painosenteng tanong ni Aldrich.

"Pak---" mumurahin ko sana sya ng mapatingin ako sa kabilang side ng bahay na kinaroroonan namin. Sina lolo leon at lola marga.

"Pakganern...." nakangiwing sabi ko. Haist...Happy happy na naman sila.

Matapos akong kausapin nina lolo at lola, sermon pala is the right term, nakakain din kami sa wakas.

"Kayo talagang mga bata kayo, basta na lang nagdedesisyon ng hindi nag iisip." sabi pa ni Lola Marga habang kumakain.

Naghagikgikan naman ang mga tinamaan ng magaling na kasama ko sa mesa.

May araw din kayo...

" Naiintindihan mo ba ko Caira?" tanong pa nya.

"Opo. Sorry na po." nakalabing sagot ko.

"Ikaw naman Marga. Hayaan mo na  ang mga bata. Baka kakaganyan mo hindi na bumalik dito yang si Caira----"

"LOLO NO!!!" sabay sabay na react nila Annica. Pero ang pinakamalakas talagang reaction ei si Maxwel.

Problema nito?

Hanggang natapos ang magulong late lunch namin nang hindi masyadong matiwasay.

Sa gugulo ba naman ng mga kasama ko. Akala mo mga hindi professionals. Mga baliw talaga.

"So since nandito tayo sa hacienda ni Lucas----"

"Kelangang ipagdiinan Annica?" kunot noong tanong ni Lucas.

"Bat mo ko sinusungitan!!?" parang batang sagot ni Annica saka sumiksik kay Aldrich.

"Usog ka. Tabi tayo." kunot noong nilingon ko si Maxwel saka ang space sa tabi ko.

Mas malaki naman sa tabi ni Lander...Hello. Nasa single seater ako nakaupo no.

"Don ka kaya?" pairap na itinuro ko yung pwesto sa harap namin.

"Ayoko. Saka jan naman talaga ako nakaupo pag nandito kami." sagot pa nya.

"Edi jan ka na. Bwiset ka." padabog na tumayo ako para ako na lang ang lumipat pero bago pa man ako makahakbang, nahila na nya ko at saktong saktong sa kandungan nya ako napaupo.

"Omg. May porn." tili ni Afred na ikinatawa ng lahat.

Mga gago talaga.

Mabilis na tumayo ako kaso di nya ko pinakawalan.

"On the second thought, this is better." nakangiting sabi nya. Oo at yung ngiti na noon pa man, ikinahihina na ng binti ko.

Madaya  sya. That oh so handsome smirk is my weakness. Kaya nga ngayon, pakiramdam ko sobra ng nagjejelly ang mga binti ko.

Shit lang talaga.

"Bitaw na Max." may pagbabantang sabi ko.

"Why would I? Binitawan na kita noon. Sa tingin mo ba uulitin ko pa ulit ngayon?"

And there, para na lang akong tangang nakatingin sa kanya. Habang ang mga kasama namin dito, parang mga baliw lang na nagtilian pa ng marinig ang sinabi sakin ni Maxwel.

Oh my God....I cant fall inlove with him for the second time.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now