Chapter Sixteen: Try harder

101 18 0
                                    

"Nakapagpahinga ka na ba ng maayos?"

Bigla akong napaigtad ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Maxwel. Maang na napatingin ako sa kanya. Dalawang araw din kaming hindi nagkita at masasabi kong sobrang namiss ko sya.

"Max." wala akong ibang masabi. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa loob ng dalawang araw na wala sya, pakiramdam ko sobrang nakakapanibago. Walang ideya sina Lucas kung saan sya nagpunta. Bigla na lang kasi syang nawala na parang bula at sumulpot na parang isang kabute. Atrasado tuloy ang shooting namin.

Dapat mainis ako kagaya ng normal na nangyayari noon sa mga ginagawa kong music video. Pero mas nangibabaw ang pag aalala ko lalo na at nalaman kong wala ni isa man sa kanila ang nakakaalam kung nasan sya.

"Saan ka nagpunta?" nagawa kong maitanong.

Nakangiting umiling lang sya. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o mas lalo lang gumaan ang awra nya.

"Nagpamiss lang. Effective ba?" nangingiting tanong nya.

"You wish!" nakaingos na sabi ko.

"Ganon? Well maybe I should try harder."

"Try harder? For what?" takang tanong ko.

"Magpamiss.Baka maging effective pag mas matagal----"

"WAG!!! I-i mean...Ano kasi..." shit. Bat ba ko nauutal? Saka para saan yung wag with exclamation pa?

Naiinis na nilingon ko sya nung marinig ko ang pigil na tawa nya and I almost sucked in my breath nung makita ko na naman ang oh-so-boyishly grin nya.

Damn. Tatak Maxwel Jude Andrada talaga.

"Tawa ka jan!?" asik ko. Kanino ba ko naaasar?

" Wala. Ahm, kain tayo? Nagugutom na ko ei." he said. Bago pa man ako makatanggi ei nahila na nya ko papunta sa kung saan.

Hinayaan ko na lang sya. Well I just want to feel his hands on mine. Para kasing doon pa lang kuntento na agad ako.

"Max? Pwede ba kong magtanong?"

"Tungkol saan?"

" Sa...inyo ni Chelsea." nag-iwas ako ng tingin ng pasumandaling tumitig sya sakin.

"Anong tungkol samin?"

"As far as I remember, ang ikini claim mo noon samin, sya ang first love mo. Pero bakit kayo naghiwalay? Natatandaan ko pa nga non ang saya-saya mo pa habang inaannounce sa buong tropa na kayo na. Na sinagot ka na nya."

Looking back at that certain memory, pakiramdam ko sinasaksak na naman ako habang bumabalik sa isip ko ang eksena bago ako tumakbo palayo noon.

Noong masaya pa sya ng halikan nya si Chelsea sa harap ng lahat.

"Yeah. I was such a jerk before. I kept pushing you away kasi ayokong masira ang friendship na meron tayo. Oo mahirap. Kasi nangako ako sayo noon na poprotektahan ka, kayo ni Annica pero ako pa ng unang taong nanakit sayo. Sorry Cai. Ayoko lang talagang sirain ang buhay mo noon." he said silently.

Alam ko to. Eto yung mga panahing gago gago pa sya. Na malimit nyang sinasabi noon na hindi nya kayang magmahal because everything was such a spur of the moment thing.

Pero ang nakakatawa at ang nakakasakit ng sobra ng mga panahong yon, ei yung bigla na lang syang naniwala sa love at first sight. Bigla na lang nyang bukambibig ang first love nung makita nya si Chelsea.

Ilang balde nga ba ang iniyak ko noon? Ilang tissue yung naging karamay ko? Hindi ko naman kasi masabi lahat kay Annica kasi alam kong may pinagdadaanan din sya nung mga panahon na yon kaya kinimkim ko na lang.

"Bigyan mo ko ng chance Cai. Para maitama ko lahat ng kasalanan ko noon. Nang sa ganon, pareho na tayong sumaya." dagdag pa nya na ikinalingon ko ng marahas.

Anong ibig nyang sabihin?

"Hayaan mo kong maging kaibigan mo ulit. Binabawi ko na yung sinabi ko na ayaw na kitang maging kaibigan, bumalik tayo sa dati. Bumalik tayo sa umpisa." he pleaded while looking directly into my eyes.

Pakiramdam ko bigla akong nanghina. Shit. Kaibigan na naman?

Pero teka lang Cassandra. Diba umpisa pa lang ng bumalik ka yon na ang ipinapakiusap mo sa kanya? Bakit ngayon nanghihinayang ka? Para saan naman yang kaartehan mo na yan?

Kaibigan ka lang naman nya mula umpisa. Magkaibigan lang kayo noon pa. Hanggang doon ka lang. Alam mo naman yun diba? Kaya wag ka nang umasa ng higit pa para di ka nasasaktan ng sobra.

"Caira?" untag nya ng medyo matulala ako. Oo na. Ako na nakikipagtalo sa sarili ko. Ang baliw lang talaga no?

"H-ha?"

"Im Maxwel Jude Andrada. And you are?" he said smiling broadly at me while extending his hand for me.

Saka ko lang din napansin na nakahinto na pala kami sa park na malapit sa dati naming school. Ang Mortel University kung saan halos lahat ng alaala ei nabuo.

"C-Cassandra Tiarra Montes Mcknight. Nice meeting you." labag man sa loob ko, pinilit ko pa din ang sarili ko na ngumiti at magkunwaring masaya.

Kaya mo yan Caira. Nagmasteral ka ng kamanhidan no. Ikaw pa ba?

"Ahm, narinig ko sabi nila paborito mo daw kumain, wanna be my food partner also?"

Shit! Parang gusto ko na talagang umiyak. Ba't ganon sya? Pinapahirapan ba nya talaga ako?

"S-sure." kahit nga forever partner mo pa.

Well if only.....

"NAG-ENJOY ako sobra. Salamat." nakangiting sabi nya ng ihatid nya ko sa tapat ng bahay mga bandang alasyete ng gabi.

Iba pala talaga pag mahal mo ang kasama mo. Mabilis ang oras na halos ayaw mo nang huminto. Kaso kelangan ei.

"Sana nag enjoy ka din....Well if not, I can always try harder next time. Kung meron pa." he said while chuckling.

"Oo naman. And I enjoyed it. Really." nakangiting sagot ko.

Saglit pa kaming nagkatitigan. Wala ng iba pang salita ang namutawi sa bibig naming dalawa. Para bang kontento na kami sa katahimikang nasa pagitan namin.

Kung wala lang sanang ibang umeksena.

"Maxwel babe!!! San ka ba galing? Kanina pa ko naghihintay sayo!" masakit sa tengang sabi ng isang babae na halos wala ng itinago sa suot na damit.

Maputol sana ang takong mo.

Inis na nilingon ko si Maxwel na bigla na lang namutla habang palipat lipat ang tingin sakin at sa babaeng nakalingkis na sa kanya ngayon.

"Yeah right Max, try harder." sarcastic na sabi ko saka walang paalam na pumasok na sa gate at isinaradong mabuti yun. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nya at tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng bahay.

Gago talaga. Akala ko pa naman wala ng makakasira ng maghapon naming dalawa...Or rather, maghapon ko lang pala. Kasi for sure, nag-e-enjoy na yong luko-luko na yon  sa mga oras na toh.

Bwiset sya. Magsama sila.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now