Chapter Five: Talk

114 19 4
                                    

"Hello Bru. Im back."

After kong sabihin yon ei nakita ko na lang si Annica na tumatakbo palapit sakin. Nakatayo lang ako habang umiiyak at nag-iintay sa kanya.

Nang tuluyan na syang makalapit ay isang malakas na sampal ang ibinigay nya sakin.

Shit. Ang sakit.

"Annica!!!" gulat na sigaw nila. Malamang kahit sila nagulat sa ginawa ni Annica pero ako hindi. Iniexpect ko na yon.

"I think I deserve that." I said.

"5 years Caira. 5 years bago mo naisipang bumalik. Ni minsan hindi mo nagawang magparamdam!!! Mas masahol pa ang multo sayo. Alam nilang magparamdam. Ei ikaw, naturingan kang tao pero ni hindi mo nagawang kumustahin man lang kami. Ganon lang ba kami para sayo? Hindi ba kami importante? Ako!?? Ano ba ko sayo!!!??" pasigaw na sabi nya. Hindi ako sumagot.Hinayaan ko lang sya sa lahat ng sasabihin nya. Tinanggap ko lang lahat ng yon. Tama naman kasi sya.

"Ano!!? Sumagot ka. Sagutin mo ko!!" tili pa nya. Kahit kelan talaga to. Parang mas lalo syang na baby ng mga pugo.

"Annica baby, your making a scene now. Nakakahiya sa mga bisita." nag aalalang saway ni Aldrich. Inilingan ko lang sya at sinasabing hayaan lang si Annica. Kelan ba kami nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng ibang tao?

Hindi na umimik si Annica pero masama padin ang pagkakatingin sakin. I tried to bring back my bitchy aura kahit pa nga panay ang patak ng luha ko.

"Tapos ka na?" maangas na tanong ko.

Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa unti-unti kong makita ang paglambong ng mga mata nya.

"I miss you bru." sabi ko na ikinahagulgol nya. Mahigpit nya kong niyakap.

"Gaga ka. Pati ako kinalimutan mo." she sobbed.

Hinayaan ko lang sya habang umiiyak sya. Aksidenteng napapunta ang paningin ko kina Lucas at nagsalubong ang mga mata namin ni Maxwel.

Malamig ang pagkakatingin nya sakin na para bang may nagawa akong kasalanan. Pero hindi ko agad yon pinagtuunan ng pansin. Kundi ang nakakangilong pagkaba ng dibdib ko.

Ano na naman to?

" Baka naman pwedeng makiyakap?" untag samin ni Alfred. Nilingon ko sila at nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga pugo na ito.

"Welcome back Caira." Arthur giggled.

I extended a hand para abutin sila. Nakayakap pa kasi sakin si Annica.

"Group hug!!!!" Lander said at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng yakap nila.

As always, hindi na naman nakasama si Lucas. Pabebe kasi....Pero ang ikinagulat ko ay ang hindi pagsama ni Maxwel.

Bakit?

" Shit. Naging mukhang tao ka ah." Afred said.

Natatawang hinampas ko lang sya.

Hinila na nila ako sa table nila and there I saw three new faces.

"Ay meron tayong bago." Annica said matapos kong makipag batian kina Erica." This is Jehanne, Dean's girlfriend. Serenity, SJ's girlfriend as well and Rainne Ashley, Nathan's girl." pakilala nya.

Kimi namang ngumiti ang tatlo sakin habang ako ei tumango naman.

"So? Kumusta ka na?" Lucas said.

Matagal akong hindi umimik kaya minabuti ni Annica na umekstra na.

"How did you manage to be here?" tanong nya sakin.

Pinagtaasan ko lang ng kilay si Aldrich."We accidentally bumped into each other yesterday." sagot ko.

" I asked her to help me. And thankfully...Pumayag sya."Aldrich said.

"Kelan ka pa nakauwi?" Lander asked.

"2 days ago. Actually guys...When I came back, I was torn between seeing you again or not. Alam kong galit kayo sa pag-alis ko ng walang paalam.Im-----"

"Buti alam mo!." putol ni Maxwel sa sasabihin ko.

Tiningnan ko lang sya ng masama. Bakit ba, ei kanina pa syang masama kung tumingin sakin. Nakakainis. Akala mo kung sino.

"Im sorry." I said.

" Naaalala mo pa yung kasunduan natin nong umalis ka Caira?" Lucas suddenly interupt.

Sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Nakatitig lang sya sakin.

"Nangako ka diba? Maybe its about time na magsabi ka na?"

Nag iwas lang ako ng tingin. Eto na nga ba sinasabi ko ei. Kelangan ko nang mag open. Kelangang kelangan na.

" Tungkol saan?" inosenteng tanong ni Erica. Alam kong wala silang masyadong alam. Si Lucas lang at si Annica ang meron.

"Hinanap ka namin Cai. Kung alam mo lang.Pero di ka talaga namin makita. Until Lucas told us that you're gonna show in your own time to tell us everything." Lander sigh.

"Ngayon na ba yung own time mo o kelangan ka pa ulit naming intayin?" alam kong hindi man gustuhin ni Arthur na lagyan ng hinanakit ang tono nya ay hindi pa rin mapigilan yon.

I know I was being unfair to them. To all of them. Nasaktan ko sila pero heto sila.... Tinatanggap pa din ako. All I have to do is to open up.

"At isa pang nakakapagtaka, we even pulled some strings para mas mapabilis ang paghahanap sayo...Ibat ibang paraan para lang mahanap ka....But you know what, it always leads us into one result....walang Caira Montes na nag-e-exist base sa reports na natatanggap namin." Troy said.

Napahugot naman ako ng hininga. Hindi naman imposible yun ei. Sa pera at impluwensya ng mga lalaking to noon pa, alam kong magagawa nga nila ang nagawa nila.

" I was just 5 nung pinadala ako ng totoong mga magulang ko sa pilipinas. We originally came from England. Umalis ako to keep me safe and experience how to live normally. Until the time na ipatawag na ko ng Daddy ko....Gusto kong magpaalam sa inyo sa pag-alis ko---"

"Kaya nagset-up si Annica ng kunwaring celebration na yon?" paasik na tanong ni Maxwel. Kunot noong nilingon ko sya." Bat hindi mo man lang naalalang sabihin samin ng mga oras na yon na aalis ka pala!?"

"If I can remember it correctly, you guys were celebrating that time. For the up coming graduation...and for the love of your life. Sa palagay mo ba maaatim kong sirain ang KASIYAHAN NYO!? lalo ka na!?" as much as I tried to be calm, I cant lalo na sa tunog ng pananalita ni Maxwel.

I am now talking. Sharing everything pero heto sya at parang galit na galit na ewan. Ano bang problema nya? Baliw ba sya.?

"Bigla kang nawala!!! Baka nakakalimutan mo, matapos nyong mag-usap ni Lucas nawala ka na ang basta!!!" sabi pa nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Saka ko tiningnan sina Lucas at Annica na alam kong aware sa sakit na nakita ko noon.

"I think that's enough. We should be celebrating the engagement of Aldrich and Annica now....And its still Annica's birthday. Dapat happy lang tayo. Bukod pa sa katotohanang kompeto na talaga tayo ngayon." for the first time ei nagsalita si SJ.

Nakahinga na lang ako ng malalim. Saka nakangiting tinanguan si SJ. Nang magawi kay Maxwel ang tingin ko ay sinamaan ko lang to ng tingin at ganon din sya sakin.

Manigas ka jan siraulo ka. Ang laki ng problema mo sa mundo.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora