Chapter Fourteen: Icendreus

102 19 4
                                    

"CUT!!!" malakas na sabi ko saka sinenyasan ang team ko na lumapit maging ang Amnēstia Band at si Chelsea. "Very good people. 30 minute break for everyone. Jean pakitawag si Tuazon."

"Yes Miss." dali dali nang umalis si Jean para sundin ang iniuutos ko. Mabilis naman akong humarap sa monitor para mag-edit.

"Ibang klase ka Direk. Ang higpit mo." reklamo ni Art habang naghihila ng upuan palapit sakin.

Hindi ko sila pinansin. Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang nasa paligid ko.

Parang nagising lang ako sa mahabang pagkakahimbing ng makarinig ako ng iritan. Dahil don, nagtrigger na naman ulit ang sakit ng ulo ko.

"CAN YOU JUST PLEASE FUCK OFF!!?" sigaw ko without looking at them. Ang sakit sa ulo.

Inis na hinilot ko ang ulo ko at makailang beses na huminga ng malalim. Konti na lang...matatapos na din to. Makakatulog na ko sa wakas.

Tulad ng dapat asahan, nanahimik naman sila. Agad ding lumayo sakin sina Lander na kanina pa nangungulit. Parang halos lahat sila nagulat sa outburst ko.

Hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko. Pero agad din akong natigilan ng may humila sa salamin na suot ko at humalik sa gilid ng labi ko.

"What---"

Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng matitigan ko ang taong salarin ng pagkaputol ng trabaho ko.

Unti-unting namuo ang luha ko hanggang sa sunod-sunod ng magpatakan ito.

"Holy Shit!!!! You are sick and your still working!?" galit sya. Alam ko. Ganito kasi sya pag may sakit ako at nagtatrabaho at ganito din ako everytime nagkakasakit ako.

Nagiging masyado akong emosyonal. Katulad na lang ngayon. Pero nag-iinarte lang naman ang sistema ko ng ganito pag kasama ko si Icen.

Yep. Icendreus in flesh.

Ganito siguro talaga pagpakiramdam mong ligtas ka. Pag sobra kang nakakaramdam ng comfort at kakampi.

Mabilis na hinila nya ko patayo at pumalit sa kinauupuan ko para kandungin ako.

"What took you so long?" I sobbed.

Alam kong ang dami na ng nakatingin samin ngayon pero wala akong choice ei. Masyadong mataas ang emosyon ko.

"Im sorry but I need to clear all my schedule first. What happened? You were not taking care of yourself,were you?" umiling-iling lang ako.

Once again, nakaramdam na naman ako ng sakit sa ulo kaya mas lalong lumakas ang hikbi ko.

"Icen. It's too painful."

"Fucking Shit!! Ready the van. I'll take her to the hospital." he snapped at someone.

Then I remember that I was lifted up and carries by someone before I lose into deep sleep.

I'VE BEEN hearing some murmurings as I tried to open my eyes. Di ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Basta ang alam ko lang, magaan na ang pakiramdam ko though medyo bangag pa ko.

I tried to get up pero may pumigil sakin. Kunot noong nilingon ko ang pumipigil sakin and wide eyed na napangiti ako ng makilala ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon.

"ICENDREUS!!!" tili ko na ikinangiwi nya.

"Yeah, Love I'm here." he said while leaning on me.

"Your here already. Oh gosh!!!!" para akong baliw na tumatawa habang nakatingin sa kanya.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ng may sunod-sunod na tumikhim.

Maang na napatingin ako sa mga kasama namin. Lahat sila nandito. Anong meron? Saka, nasa ospital ba ko?

"May trangkaso ka. You've been asleep for 24 hours now. " Lucas said saka masama ang tingin kay Erica na namamanghang nakatitig kay Icen. Actually di lang naman sya.

Pati sina Annica, Rianne Ashley, Serenity, Jean and Jehanne. Kahit nga si Chelsea na kadikit pa din ni Maxwel ganon din ang tingin kay Icen.

Seriously? Di ba nila  kayang maglayo kahit konti-----

"Your murdering someone in mind love?" malambing na tanong ni Icen sabay halik sa ilong ko.

"Nope. Help me up please."

Mabilis na inalalayan nya ako paupo. Agad naman na lumapit sakin si Annica saka mahinang kinurot ako.

"Ang gwapo." kinikilig na sabi nya.

"Annica." may warning na sabi naman ni Aldrich. Mabilis na umalis sa tabi ko si Annica at kumandong kay Aldrich na nakaupo sa couch na nandon.

"Like duh...Mas gwapo ka future ko." sagot ni Annica na ikinangiwi naming lahat.

"Wala ka bang balak ipakilala samin yang kano na yan?" Arthur asked na nakakagulat ang kaseryosohan.

Pinagtaasan ko lang sila ng kilay saka nakangiting bumaling kay Icen.

"Babe, I want you to meet my friends." pag uumpisa ko.

"The one you've been blabbering every time we talk." he said softly.

Tumango naman agad ako at isa- isa silang ipinakilala. Kahit si Chelsea na hindi ko naman kaibigan ei ipinakilala ko na din as leading lady ng ginagawa naming music video.

"Nice meeting you all. Im happy to know that you can keep up with her attitude---ouch love! That' s painful." nakangiwing bumaling sya ng kagatin ko ang tenga nya bago pa nya matapos ang sasabihin nya.

" Bastard." I hissed and he laugh out loud. Buti masaya sya no?

" Kidding aside. Im happy that you keep her company while I was away. You know, she's the most precious thing I have and I am willing to trade everything just to see her real happiness." Icen fondly looked at me.

Once again, narinig ko ang mga singhapan sa paligid ko ng unti-unti ei bumaba ang mukha nya sakin.

Hahalik na naman yan sa noo ko. Gawain nya yan ei. Minsan sa ilong or sa gilid ng labi. And ako, waiting lang. As in.

"TANG*NA!!!"

Kasabay ng malutong na pagmumura na yun ay ang pagbagsak ng trashbin sa gilid at ang marahas na pagbalibag ng pinto pasara.

Next thing I knew ei humahabol ng lumabas si Chelsea habang tinatawag ang nagwalk out na si Max. And what stunned me the most ay ang pag echo ng malakas na tawa ni Icen sa buong silid.

"Serves him right for hurting you before." malakas na sabi nya na ikinangisi ng mga lalaki at pagsinghap ng mga girls.

"You know what dude, I like you already." Troy said na sinang-ayunan ng iba.

"Well, I will just play a little role that may stop that dumbass from being an ass. And I'll make sure to enjoy my stay here." there is a certainty on Icen's voice na ikinakunot ng noo ko.

Maya-maya pa ei naghagalpakan na naman ang mga lalaki ng tawa habang kaming mga babae ei nagtataka.

Haist, sino nga ulit nagsabi na magulo ang mga babae? Parang mas magulo ang mga lalaking to ei.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now