Chapter Seventeen: Chelsea

91 19 0
                                    

There was nothing to say
The day she left
I just filled a suitcase
Full of regrets
I hailed a taxi in the rain
Looking for some place
To ease the pain.

"Kinakanta na naman nya yan." mula sa panonood ko kay Maxwel na kasama nina Lucas habang naggigitara at kumakanta ei nalipat ang tingin ko kay Chelsea.

Just like before, walang ipinagbago ang ganda. Parang mas naenhance pa nga ei. No wonder, nainlove sa kanya si Max at nainsecure ako.

"Ano?"

"Five years ago, a week before our graduation pinakilala nya ako sa barkada nyo as his girlfriend. I was his girlfriend yes...but for about 12 hours lang ata. Because the moment he saw you run away, hinabol ka nya." she said fondly na kabaliktaran ng reaksyon ko.

Biglang tumalim ang tingin ko sa kanya ng mag sink-in na sa utak ko ang sinasabi nya.

"You know Chelsea, hindi tayo naging magkaibigan noon so you have no rights na biruin ako ng ganyan ngayon." mahinang asik ko.

"Sounds funny right? But unfortunately, hindi ako nagbibiro lang. Akala ko din nung umpisa nagbibiro lang sya pero hindi. Ramdam ko na kasi yung biglaang paglayo nya nung di ka na nagpakita the next days." nakakaunawang nginitian nya ko habang ako naman ei gulat na gulat pa din sa reaksyon nya.

Damn.

"Yes, hinabol ka nya nung tumakbo ka palayo pero sumunod si Lucas sa kanya. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila pero bumalik na lang sila na parang lantang lanta sya. Magkatabi kami buong sandali hanggang matapos ang party na ginawa ni Annica pero hindi na sya ulit nagsalita after you left."

Habang pinapakinggan ko ang mga pinagsasabi ni Chelsea, hindi ko alam kung dapat nga bang pagkatiwalaan ko yun o hindi. I mean, bakit ganon ang magiging reaksyon ni Maxwel ng umalis ako ei yun naman talaga ang gusto nya. Ginawa ko lang ang gusto nya.

"The next days, akala ko babalik sya sa normal kagaya nung mga oras na nanliligaw pa lang sya sakin pero hindi nangyari. Would you believe na after you left, tatlong beses lang kami nagkita ng personal? Yung dalawang instance ei ako pa ang nagpumilit pero sabi nya pupuntahan ka nya. And yung third ei sya mismo ang nagsadya sa bahay namin telling me na kelangan na naming tapusin yung hindi naman talaga namin naumpisaan. Kasi hahanapin ka daw nya and it would be very unfair kung ikukulong nya ko sa relasyon namin na hindi nya pala kayang panindigan kasi nga ikaw ang priority nya. Ikaw lang Caira."

Wala akong kahit ano mang reaksyon sya sinabi nya. Parang masyadong fast loading ang mga detalye sa utak ko. Hindi ko kayang intindihin agad.

"You see Caira, mahal ka ni Max noon pa. Siguro takot lang syang masira ang meron kayo noon na pagkakaibigan kasi takot syang masaktan ka nya. Dapat magalit ako sa kanya kasi yung ego ko ang tinapakan nya ng mga oras na yon, pero hindi. Mas nangibabaw yung awa ko lalo na nung makita ko syang parang pinagbagsakan ng langit at lupa nung sabihin ni Lucas na umalis ka na nga at walang kasiguraduhan ang balik mo. Naging magkaibigan kami nung mga panahon na yon. Nakita ko kung paano sya nasira sa pag-alis mo and hanggang sa naging paborito nya na yang kanta na yan. Kung alam mo lang kung paanong narindi ang tenga ko habang umiiyak na kinakanta nya yan." patawa tawa pang saad nya.

"Magkaibigan?"

"Yup. Friends na kami no. Kung ikaw, si Annica ang girl bestfriend mo at si Lucas naman ang boy bestfriend...ako naman ang girl bestfriend ng timang na yan. May mga bagay kasi na hindi nya magawang maikwento sa banda dahil alam nyang nasa iyo ang amor ng banda. Hindi nya masabi sa kanila na noon pa man mahal ka na nya. Na nauna pa nga syang magmahal kesa sayo. Alam mo kung bakit? Kasi alam nyang hindi papayag sina Lucas. Magkakasira kayo at masasaktan ka. Ayaw nyang mangyari yon. Sakin nasabi nya ang lahat. Kung gaano kasakit sa kanya nung itinataboy ka nya palayo. Kung gaano kasakit makita kang umiiyak. Kung gaano ka nya gustong yakapin at kung gaano nya kagustong sabihin na mahal ka nya pero hindi pwede. Tinawag ko pa nga syang duwag noon kasi inis na inis ako sa kanya. Sinasaktan lang nya lang kasi ang sarili nya lalo na ikaw sa ginawa nya."

"Chelsea..." mahinang tawag ko.

"Wag kang mag-alala. Nasapok ko na rin sya ng magkita kami ulit at nalaman kong wala pa syang sinasabi sayo. Pakiramdam ko kasi sasayangin na naman nya tong pagkakataon na to kung di pa sya kikilos."

"M-mahal nya ko?" tanong ko. Mas para sa sarili ko.

"Oo. Higit pa ata sa pagmamahal na meron ka para sa kanya. You left with a broken heart and he was left behind having a same feeling as yours. Pakiramdam ko nga mas masakit yung kanya kasi all this time sya lang ang nagshoulder ng pain nya. Buti ka pa nasasabi mo kay Annica. At nararamdaman ni Lucas pero sya, wala. As in. And alam mo kung ano yung pinakamasakit sa lahat? Yun yung naiwan syang hindi nasasabi sayo na mahal ka nya. Sa part mo, mas madaling magmove-on kasi nai-voice out mo sa lahat na mahal mo sya. Ei sya, hindi nya nasabi----"

"Kaya hindi pa sya nakakapagmove on?" paglilinaw ko.

"Yup. Hanggang ngayon." tumatango tangong sabi nya.

"Ang tanga nya."

"Yes he sure is."

"Baliw sya."

"Sayo? Sobra- sobra....Ahm Caira?"

Kunot noong nilingon ko sya at mas lalo pa kong nagtaka ng makita kong medyo alanganin ang ngiti nya.

"Yes?"

"Wag kang maingay na sinabi ko sayo ha.Masasakal ko nyan ei...Saka kayo ba talaga ni Icen?"

"Gusto mo si Icen?"

Tumawa lang sya ng alanganin kahit medyo namumula ang pisngi nya.

"Gusto nya ng babaeng kaya syang turuan magtagalog. Yung hindi pipilipitin ang dila at leeg nya sa pagkairita sa kanya." sabi ko habang nakangisi sa kanya.

Malaki din ang ngisi na isinagot nya sakin. With that, alam kong nagkakasundo na kami.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now