Chapter Six: the Call

113 20 2
                                    

Hindi ko na alam kung anong oras na pero pabawas na ng pabawas ang mga bisita.Ilan sa kanila ay nagsibalikan na sa resort para magpahinga hanggang sa kami kami na lang ang natira.

"Gosh. So meaning lahat ng first 5 may pares na?" natatawang tanong ko. Medyo tipsy na din kasi ako dahil kanina pa kami natikim tikim.
"Idol nyo talaga si Aldrich no.?"

Nagngitian lang sina SJ, Dean at Nathan. Malambing naman na humalik si Aldrich sa noo ni Annica.

"Hindi kami lahat." Dean smiled at Erica.

"Oh...Wala pa ding ginagawa si Lucas namin?" naaaliw na tanong ko.

Tiningnan ko din si Lucas na balewala lang na nakatingin sa hawak nyang baso.

"Mahina ka na ngayon Lucas?" natatawa pa ding tanong ko. God, I am so tipsy talaga. Nakakainis.

"Shut up Caira." Lucas smirked.

Nagpout  lang ako at inirapan sya. Natawa naman sa reaction ko ang iba.

"Wala na. May tama na tong si Caira." Arthur sigh saka inabot sakin ang isa pang lata ng beer.

" Wait lang. Rest room lang ako." paalam ko sa kanila.

"Ingat ha." bilin pa nila sakin.

Mabilis na naglakad ako papasok sa kusina kung saan may malapit na restroom.Saglit akong huminto para uminom ng tubig ng makita kong may tumayo sa tabi ko.

" Ganon na lang ba yon? Aalis ka ng walang paalam at magpapakita na parang wala lang nangyari?" walang emosyong tanong ni Maxwel habang nagsasalin din ng tubig.

Maang na napatingin ako sa kanya. Once again, nakaramdam na naman ako ng sakit na ikinagulat ko. Okay na ko diba? Maayos na ko. Moved on na ko. Pero bakit habang nakatingin ako sa mga mata nya ngayon, unti-unti kong nararamdaman ang sakit na naramdaman ko noon. Noong bago ako umalis dito.

"Ano bang problema Max? Nasabi ko na lahat diba? Nakapagpaliwanag na ko. Ano pa bang problema mo? Kung hindi ka masaya na bumalik ako, wag kang mag-alala...Pinagbigyan ko lang talaga si Aldrich dito. Kung sabagay, magtataka pa ba ko? Noon pa naman gawain mo na yan...Ang paalisin ako." masama ang loob na sabi ko.

Walang imik na ibinaba ko na ang baso sa sink at walang paalam na dumiretso na sa restroom.

Nagstay pa ko ng 10 minutes para masiguro kong wala na sya paglabas ko. At nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala sya.

Bumuntong hininga na lang ako. Pinilit kong umakto ng normal habang naglalakad ako pabalik sa pwesto namin.

Hindi pangkaraniwang katahimikan ang naabutan ko sa kanila habang nasa iisang bagay lang ang titig nila. At yun ay ang cellphone ko na naiwan ko pala sa table.

"Anong meron? Inaway ba kayo ng cellphone ko?" kunwari'y nagbibiro kong sabi.

"Meron ka bang hindi pa sinasabi samin bru?" Annica asked.

Parang gusto kong kabahan sa klase ng tingin nila. Lalo na nina Lucas, Alfred, Arthur, Lander and Troy. Habang poker faced naman si Maxwel. Nakataas ang kilay nina Dean, Sj and Nathan while Aldrich ei naka cross arms pa. Ganitong-ganito ang itsura nila noon pag may umaaligid saming boys nina Annica at Erica. Para silang over protective na kuya.

" Gosh, is that who I think he is?" hindi nakatiis na tanong ng girlfriend ni Dean na si Rina. Katulad ko ei napakajolly din nya.
Writer sya sa isang kilalang fashion magazine na pag mamay-ari ng pamilya ni Nathan.

"Sino?" kunot-noong tanong ko. Naguguluhan na ko sa reaction nila and a bit kinakabahan.

"Oh my Gosh....Seriously?" di na rin nakatiis na sabi ni Serenity na girlfriend naman ni Sj. Isa sya sa mga kinikilalang magagaling na mamamahayag ng industriya.

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartWhere stories live. Discover now