Chapter Eighteen: Idiot

100 19 2
                                    

"Oy teka san ka pupunta?"tawag sakin ni Chelsea ng mag-umpisa akong humakbang palayo at papunta kay Max na tatawa-tawa na ngayon sa kalokohan nina Alfred at Arthur.

"May kokomprontahin lang akong tanga." sagot ko habang nagmamartsa palapit sa mga ugok.

"Hala? Hoy teka---"

Di ko na sya pinakinggan at patuloy na lang sa paglalakad palapit kay Max na natigilan ng makita ako.

"Cai----"

Di na natuloy ni Troy ang pagtawag sakin ng tuluyan na kong makalapit sa nakatangang si Max. Nakaupo lang sya kaya madali sakin ang sapakin sya. As in sinapak talaga. Tinamaan ko pa nga sa panga ei. Saka kinwelyuhan .

"A-anong----"

Malalakas na singhapan ang narinig ko at saka sigawan at palakpakan ng magawa ko syang siilin ng halik sa tapat ng banda at ng team ko mismo.

Ramdam ko ang gulat nya pagkuwa'y agad din namang tumugon sa halik ko na agad ko rin namang pinutol saka sya tinitigan sa mga mata.

"Idiot. Your such an idiot Maxwel Jude." madiing sabi ko habang nakatitig sa mga mata nya na punong puno ng gulat.

Padarag na binitawan ko sya at inirapan bago hinablot ang nakangangang si Chelsea at kinaladkad palayo.

Kasabay ng bawat mabibilis na paghakbang ko ay ang pamumula ng mga pisngi ko at pagdagsa ng kahihiyan sa sistema ko.

Shit. Di talaga ako nag iisip. Laman na naman kami ng pang-aasar bukas o baka nga mamaya lang.

"Ibang klase ka girl. Nagawa mo yun? Astig ka talaga." Chelsea chuckled.

"Shut up! Kasalanan mo yun. Di mo ko pinigilan!" asik ko na ikinatawa nya.

"Kahit naman pigilan kita, masyadong mataas ang emosyon mo ei. Saka hello, malay ko bang ganon ang gagawin mo?" sagot nya habang pasakay kami ng sasakyan ko. " San tayo pupunta?"

"Di ko alam. Basta malayo kay Max. Nahihiya pa kong makita sya." namumula pa ding sabi ko habang nagmamaniobra ng sasakyan.

"So tatakas ka na naman? Girl piece of advice, matuto kang humarap sa problema. Kasi kung tatakas ka lang at tatakbo palayo hindi ka magiging masaya." she said.

"I will. I just need time and konting lakas lang ng loob." matatag na sabi ko na ikinangiti nya.

Maya-maya pa ei sunod-sunod ng nagtunugan ang mga cellphone namin. Nakangising hinarap nya sakin ang cp nya at nakita ko ang pangalan ni Max don.

Mabilis na iling lang ang isinagot ko.

"Paniguradong ngayon pa lang nanggagalaiti na to." she giggled. Actually, we both giggled. Pareho kasi naming alam na maikli lang ang pasensya ng Andrada na yon at madaling mapikon.

"Phone mo. Si Annica ang natawag." sabi nya maya-maya.

"Paki connect sa speaker."

Isang nakabibinging tili ang ibinungad samin ni Annica na pareho naming ikinangiwi ni Chelsea. Sana pala hindi na lang inispeaker. Shit. Ang ear drums ko.

"OMG!!!!! GRAVITYYYYYY!!!Gosh!!!! Seriously? Totoo ba tong pinost ni Lucas!!???" malakas pa ding tili nya.

"Hey Girl, tone down your voice. Di namin maintindihan." di na nakatiis na sabi ni Chelsea.

"Magkasama kayo? Dumiretso kayo sa Club 70 now na. May meeting tayo." bilin nibAnnica.

"Para saan? Saka anong post?" takang tanong ko naman.

"Basta. Open your facebook. Official page ng Amnêstia Band. Nagpost si Lucas 10 minutes ago. Landslide agad ang likes and shares...may gosh...Basta sa Club70 now na.Girls lang yun don't worry." yun lang at pinatay na nya ang tawag.

Baliw talaga.

Narinig ko na lang basta ang pagsinghap ni Chelsea at ng nilingon ko sya ei nanlalaki ang mga mata na iniharap nya ulit sakin ang cellphone nya kung saan nandon ang post ni Lucas na kababanggit lang ni Annica.

"Fucking Shitttt!!!" I hissed at kinabig bigla ang manibela para magpreno.

"OMG KA CAIRA!!! Ayoko pang mamatay!!!"

Di ko pinansin ang pagsigaw ni Chelsea. Hinablot ko sa kanya ang cellphone nya at tinitigan ang picture namin ni Max kung saan hawak ko ang kwelyo nya at hinahalikan ko sya.

With caption pa talaga na lalong ikinapula ng mga pisngi ko.

IDIOT by Maxwel's beautiful Lady. Seryoso ba tong si Lucas? Kanya-kanyang reactions agad ang mga fans nila maging ang mga kaibigan ko na ang lakas pa ng loob na support daw sila. Damn it!

Even Icen commented and reacted in the post na umani din ng iba't ibang reactions.

Icen Ruther Delmundo: hey thats my girl out there.😡
Maxwel Andrada: no she's not. SHE'S MINE😎
Lucas Fernandez:😓
Annica Louisse Pangilinan: I ship CAIWEL!!!😘😘
Rina Jehanne Samonte: Forever😍😍
Aldrich Trex Sandoval: I alsoship us Baby@Annica Louisse😍😍

At marami pang iba na mula sa mga gago. Parang mga tanga talaga.

"Call Lucas now. Sabihin mo burahin yung post nya." utos ko kay Chelsea.

Umiling lang sya.

"Magko comment pa nga ako ei." sabi pa nya.

AlfredGomez: Mulng ibalik o muling nagbabalik???
ArthurDomingo:❤❤❤
LaceLander Lopez:Si @Maxwel, kinikilig sa tabi ko.
Train Troy Falcon: 🙊shocks lang dude.
Nathan y Bañez: how does it feel dude?
SJ Rodriguez: @Serenety love,, pakiss din po.
Dean Lester Alarcon: lublublublub...

Parang mga tanga. Dumagdag pa talaga sa gulo ng social media tong mga to.

Ibinalik ko kay Chelsea ang phone nya at yung sakin naman ang kinalolikot ko. Sunod-sunod na tumunod ang phone ko sa pag pasok ng notification na sila ang may kagagawan.

Chelsea Torrralba tagged you in a post.

Bigla na lang nagnotif sakin yon. Kunot-noo kong nilingon sa Chelsea na malaking malaki ang pagkakangisi habang nakatingin sa phone nya.

Curious na tiningnan ko ang phone ko at binuksan yong kakatag lang ni Chelsea.

Kita ko ang picture ko habang nakakunot noong binabasa ang mga kalokohan nila sa cellphone ko. Nakapout pa nga ako habang mukang iritable na.

Pissed off with my Idiot-Caira

"Chelsea!!!! Baliw ka na!!!" tili ko na ikinatawa nya na lang lalo pa at nagcomment na naman si Maxwel.

Maxwel Andrada:@CassandraMcknight...Im sorry love.❤😭

Oh fuck!!! Im really doomed!!!

"Ayyiee!!! Ang sweet naman!!!" tili pa ni Chelsea na parang wala ng bukas.

Problemadong napasapo na lang ako sa noo ko at helpless na tinitigan ang katabi ko na parang nahawa na sa kabaliwan ng banda. Kilig na kilig ba namang kumembot-kembot pa.

Mga tinamaan talaga ng magaling!

Amnēstia Band 1: Fixing a Broken HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя