Prologue

5.3K 140 7
                                    

A/N: Sorry sa Prologue, inihabol ko lang kasi to ng matapos ko yung story. Pasensya. :)

Nakatalikod sa akin si Khamyl, Trev at Sitti. Pinagmamasdan na nila ang bangkay. Bangkay ng pinakamamahal kong babae, habang ako ay nakatanaw lang mula sa malayo pero sapat na para makita ang mga laman sa sahig at dugong nagtalsikan na kumalat dito.

Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko kapag lalo pa kong lumapit.

Hindi ako makalakad, ayoko talagang lumapit. Natatakot ako, and i can't believe that this is happening to me, to Anrea, to us.

"Hindi sumagi sa isip ko 'to. Hindi sumagi sa isip ko na darating ang oras na kami ang maglilinis at magtatapon ng bangkay ng babaeng minahal ko ng halos dalawang taon."

May konsensya na bumabagabag sa loob ko.

Nagsimula na kong umaatras, hindi ko kayang makita ang sinapit ni Anrea. Gusto kong tumakbo na lang pabalik sa kwarto at magkulong, parusahan ang sarili o kaya'y magpakamatay.

But im a coward. Duwag.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Where stories live. Discover now