♣ Too Late ♣

2.7K 111 26
                                    

"Si-sir! Nakita ko ang killer! I have a proof!" Buong lakas na sinigaw ni Gelo.

Bumaling pabalik ang inspector, lumapit muli ito sa kanya.

"Anung sabi mo? Hindi ka talaga titigil 'no? Gusto mo bang bumigat pa ang kaso mo ha?!" Nagititimpi si inspector Carlos sa galit.

"Makinig po kayo! I have my alibi! Pinuntahan talaga ako ng killer kagabi!" Tinuloy pa rin ng binata ang pagsasalita.

"Gusto mong madala sa mental hospital ano?! Para maka-iwas ka sa kulungan!" Hindi pa rin naniniwala ang inspector.

"Pero sige, papatulan kita... nakita mo ang tunay na killer? So anung itsura nya?." Tanong ng inspector.

Sandaling nag-isip si Gelo inaalala ang gabing sinalakay siya. Matagal bago ito nakasagot.

"Hi-hindi ko kasi gaano namukhaan yu-yung killer? Madilim kasi sa labas nun.." natataranta at nalilito sa sinasabi si Gelo.

"Kita mo? Pinaglololoko mo lang ako! Inuubos mo talaga ang pasensya ko!" Tuluyan nang napuno ang inspector at namamadaling pumunta sa pinto.

"We-we-we-wait!! Yung.. yung pizza! Tama! Yung pizza!" Halos mabulol si Gelo.

Seryoso na ang mukha ni inspector Carlos.

"Pizza? Anung meron sa pizza?" Tanong nito.

Alam ng binata na huling hirit na niya ito, dahil seryoso na talaga ang itsura ng inspector.

"Nagpadeliver ako ng pizza nung gabing mangyari yun, ma-may nagbayad ng pizza ko! Hindi ko alam kung sino pero may kutob ako na yung killer yun! Tawagan nyo yung pizza store, may record ako dun at-at ibang tao ang nagbayad! Malamang nakita ng delivery boy kung sino yun! Baka nga makilala pa nya!" Mabilis na paliwanag ni Gelo.

Nakaramdam ng tuwa ang binata, hindi nya narealize agad na maaaring ganoon nga ang nangyari. Ngayon ay may maaaring masalba na sya ng alibi na ito.

Ang inspector naman ang napakunot ng noo sa pagtataka at bigla itong natawa.

"Hahaha, wala akong masabi sayo bata. Matalino ka nga talaga. Hahaha, ok sige.. i will consider your alibi, once na lumabas ang results. But for now, wag mo munang sabihin yang nalalaman mo kahit kanino." Kalmado na ang inspector.

Tumango na lang si Gelo, at lumabas na ng kwarto si inspector Carlos. Nagbilin ito sa pulis at tumuloy nang lumakad palayo.

"Pursigido ka talagang makatakas bata, sa tingin mo mapapaniwala mo ako sa tagal ko na sa serbisyong ito. Haha, nagkakamali ka."

Nagiisip habang naglalakad ang inspector.

*End of Flashback*

Natapos ang pag-alala ng inspector sa naging usapan nila ni Gelo. At naisip nitong tawagan si Rico.

"Hello, officer Rico.. may ipapagawa ako sayo." Sabi ng inspector.

Sumagot naman ito sa kabilang linya. " Yes sir, ano po yun?"

"I want you to conduct some investigation regarding sa pizza store na tinawagan ni Angelo Martinez nung gabing naaresto sya." Utos nito.

"Copy sir!" Sagot ni Rico.

☆☆☆☆☆

Sa hospital.

"Kailangan kong matawagan si Bran. Hindi ako mapakali."  Sabi ng binata sa sarili.

Ilang sandali lang ang lumipas ng maka-alis si Sitti ay may dumating na tao na nakasuot ng doctors robe at naka sanitary mask, papasok sa kwarto ni Gelo.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon