♣ Aftermath ♣

2.9K 111 19
                                    

A/N: Pasensya na kayo kung late ako nakapag-update ngayon. Naputulan kasi ako ng net, kaya medyo magiging in-active ako sa watty at baka mag-slow update na din ako dito. Sorry na. Mahirap lang kasi talaga ako, pero kung gusto nyo ko isponsoran sa internet ay welcome naman din sa akin. :)

Sa harap ng nasusunog na ospital.

Niyaya ni Bran na umuwi na ang dalaga.

"Sitti, umuwi na muna tayo, kailangan mong makapag-pahinga. You look exhausted." Pagaalala nito sa dalaga.

"No, Bran. Si Gelo? Paano si Gelo? Baka may nangyari na sa kanya, hindi pa natin sya nakikitang lumalabas ng hospital at wala sya sa mga na rescue na pasyente." Sabay hagulgol ni Sitti, umiiyak pa rin sa dibdib ng binata, kitang kita ang mga basa ng luha nito sa light blue na polo shirt ni Bran.

"Wag ka mag-isip ng ganyan, okay lang si Gelo. Kaya nya ang sarili nya, malay mo nasa safe place sya nagtatago at hindi lang makalabas. Kilala naman natin yun, madiskarte." Pagpapagaan nya ng loob kay Sitti, sabay hawak sa mukha ng dalaga, tiningala nya ito, at pinunasan ang luha gamit ang kanyang hinlalaki.

Inakay na ni Bran si Sitti papunta sa sasakyan nito, hindi pa rin bumibitaw ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya.

"Sigurado ka ba na kaya mong magdrive?" Maamong tanong nito kay Sitti. Tumango lang ito at patuloy na naglakad, nang biglang nakarinig sila ng pagsabog.

Napatigil naman ang dalawa at napatingin sa gusali, nakita nila ang pagsabog mula sa labas.

Nagtalsikan ang mga debris mula dito, at may isang bilog na bagay na gumulong sa harapan ng dalawa. Nanlaki ang mga mata nila na ikana-tili ni Sitti.

"Ahh!! Ahhhhhhh!!" Sabay tago sa dibdib ni Bran, nanginginig pa.

Nakita nila ang ulo ni Gelo na gumulong mula sa paanan nila, sunog ang kalahati ng mukha nito.

Madaling araw na ng matapos maapula ang sunog sa hospital.

Dumating na ang inspector sa pinangyarihan ng sunog, at bumaba na ng sasakyan.

Tumama ang tingin nya sa nakatalikod na sina Bran, kaya naisip nyang lapitan ito. Hinawakan nya sa balikat ang binata na sya namang pagharap nito sa kanya, nabigla ang magkaibigan sa pagdating ng inspector.

"Oh? Mga bata anung ginagawa nyo dito?" Taka ng inspector sa dalawa.

Sumagot agad si Bran. "Dadalawin po sana namin si Gelo? Kaso.." Alangang sagot nito sa inspector habang akap-akap si Sitti.

Bahagyang tumagilid sina Bran sa pwesto, tamang-tama upang makita ng inspector ang nasa likod nila.

Napangiwi ng mukha si inspector Carlos ng makita ang pugot na ulo ng kanyang suspect na ngayo'y patay na.

Nanginig sa galit si inspector, napahigpit ito ng kamao.

May tumakbong papalapit sa inspector, si officer Rico.

"Chief-" natigilan si Officer Rico ng mapatingin sa ulo ni Gelo, mabilis na iniwas nya ang tingin dito at napalingon kina Bran.

Tinanguan naman sya ng binata at nginitian nya ito pabalik at tinuloy na ni officer Rico ang pagre-report sa inspector sabay baling dito.

Ang inspector ay gigil pa rin sa galit na nakatingin sa baba.

"Chief, natagpuan na po si PO1 De Vega." Sabay inaya ni Rico ang inspector palayo kina Bran.

Bago naman tuluyang makalayo ang inspector ay nagsalita ito kina Bran.

"Umuwi na kayo, wala na kayong kailangan gawin dito." Malamig ang tono nito sa dalawa.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon