♣ Inquest 2 ♣

3.8K 126 40
                                    

Mula sa unang sasakyan.

Banggg!!!

Nakarinig sila ng putok ng baril mula sa likod, lumingon sila dito at nakita na lang nilang gumigewang-gewang na ang pag-andar ng sasakyang nakasunod sa kanila, kung nasaan nakasakay si Trev.

Napalingon pabalik si Sitti sa inspector.

"Anung nangyayari Chief?!" Bakas ang pag-aalala sa mukha.

*static radio frequency*

"Chief! we're having trouble here we need back-up! I repeat we ne- ackk! Acckk!!"

Narinig nila mula sa radio ng police driver. Agad namang sumagot ang may hawak nito.

"Roger!" Sabi ng driver.

"Itabi mo ang sasakyan! Pull over!!" Sabi ng inspector. Pinapatigil ang sasakyan. Agad naman itong pumara sa gilid ng kahabaan ng national hi-way at tumawag ng back-up ang driver na pulis sa radyo.

"Mga bata dyan lang kayo, wag kayong lalabas. Alfaro, bantayan mo sila." Utos ni inspector Carlos sa pulis na natira sa loob.

"Yes sir!" sagot naman agad ni Alfaro.

Binuksan nila ang pinto ng kotse, at lumabas ang inspector at ang pulis na naka-upo mula sa may backseat at bumunot na sila ng mga baril. Nakita nilang lahat ang pagbulusok ng koste papasok sa masukal na kagubatan.

Tumakbo ang dalawa patungo sa kabilang side ng kalsada sa kaliwa, dahil dito pumasok ang sasakyang hinahabol nila.

Samantala sa loob ng unang patrol car.

"Nababaliw na si Trev." Sabi ni Bran, napapa-iling sa nasaksihan.

"Hindi ako makipaniwala Bran.. natatakot na ako." naluluha ang mga mata ni Sitti. Niyakap na lang ito ni Bran.

Wala pang ilang minuto ang nakalilipas, the back-ups has arrived. Rinig na rinig nila ang sirena ng tatlong police car na papalapit sa kinaroroonan ng inspector. Mabilis na nagbabaan ito matapos ituro ng inspector ang direksyon ng bumulusok na kotse.

"Bring that bastard back!! Dead or alive!!" Utos ng inspector sa mga pulis na rumesponde as back-ups, sabay nagtakbuhan na ito sa loob ng kakahuyan, armado sila ng mga baril.

Tumakbo pabalik ang inspector sa sinasakyan nina Bran at Sitti.

"Tayo na! We have a lot of things to settle." Mainit ang ulo ni inspector Carlos sa tono ng pananalita nito, kaya nanahimik na lang ang magkaibigan.

At habang binabagtas ang kahabaan ng hi-way ay may nakasalubong pa sila mula sa himpapawid, isang police helicopter, papunta ito sa kinaroroonan ng aksidente.

☆☆☆☆☆

Minesfiller Police Department

Pagkadating nila sa pulis station ay pinaupo muna sila sa waiting area, my bench dito na nakasandal sa likod ng isang malaking window glass. Sa likod ng window glass ang opisina ni Inspector Carlos, inihahanda na sila para sa isang interrogation.

Makatabi ang dalawa na pabulong na nag-usap.

"Bran, i'm warning you.. kapag sinabi mo ang tungkol kay Anrea. Sinasabi ko sayo, magsisisi ka." Pakikiusap ni Sitti na may pagbabanta sa kaibigan. Pasimple lang itong bumulong kay Bran.

"Pati ba naman ikaw Sit? Hindi pa ba tayo tapos dito? I've decided to say everything and tell them the truth!" Medyo pabulong pero mataas ang tono nito kay Sitti. Bahagyang nakayuko ito at nakatukod ang mga siko sa kanyang hita, akmang tinatakpan ng kamay ang kanyang bibig.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon