♣ Downfall ♣

4.4K 137 48
                                    

Mula sa labas ng kwarto ni Bran ay nakarinig sila ng napakalakas na sigaw mula kay Khamyl.

BLAGGG!!! *SPLAT*

Yan ang narinig nila matapos ang tili ng kaibigan. Dali-dali namang lumabas si Bran, nakita nya si Khamyl, nangangatog at umiiyak.

Nilapitan nya ito.

"What's happen? Where's Anrea?" Tanong ni Bran na nag-aalala.

Nakayuko ang ulo na itinuro ni Khamyl ang kamay, nanginginig, pointing towards the opened sliding door outside the terrace. Nasa labas si Trev nakatulala.

"No..no..no..no..no!!" Patakbong tinungo ni Bran si Trev. "Anrea??" Tanung nito kay Trev, teary eyed.

Tumingin si Trev pababa.

Dahan dahang napasunod ng tingin si Bran sa baba, then he saw Anrea, dislocated ang katawan matapos mahulog from his room to the ground floor. Located ang appartment ni Bran sa 14th floor.

Hindi nya maaninag ang itsura nito, dahil medyo nasa mataas na floor level ang appartment. But he can distinguish na si Anrea nga ito, with its light blue dress and brown skirt.

Nanlaki ang mata ni Bran sa nakita, napaupo na lang ito at napatakip sa mukha.

"An--rea, noo.. oh my God!!" Nanlulumong si Bran sabay malakas na suntok sa sahig.

Lumabas si Sitti ng kwarto, naabutan nya ang eksena ng mga kaibigan. Nilapitan nya si Khamyl na umiiyak, tinanong nya ito dahil hindi na nya maintindihan ang nangyayari.

"Khams, hey.. what's happening here?" Niyuyugyog ang kaibigan dahil ayaw sumagot.

Hindi nya na napansin si Trev na lumapit sa kanya.

"Sit, we have to go down! We have to clean up this mess!!" Pautos na sabi ni Trev.

"What?! Why?!" Nalilitong tanong ni Sitti.

"Si-si Anrea, she jumped out... there." Sabay turo ni Trev sa terrace, sinundan naman ito ng tingin ni Sitti. Napansin nya si Bran, naka-upo doon at umiiyak.

"No way! She commit suicide?! She's a crazy b*tch!!!" Nagulantang na si Sitti.

"Tara na!! I don't wanna go in jail, because of this stupid plan of yours!!" Bulyaw ni Trev, natataranta. Sandaling natutulala si Sitti.

"Ok. Let's do this." Kalmado, at parang alam na niya ang gagawin.

Naririnig naman ni Bran ang pag-uusap ng dalawa.

"Trev, *sniff* what do you mean? *sniff*" tanong ni Bran, matapos sa pag-iyak.

"Bran, it's your fault!! Tulungan mo kami dito! At wag kang mag-i-iiyak dyan na parang ikaw ang biktima!! We're all criminals here!!" Bitaw ni Trev.

"Sa tingin mo ginusto ko to!! T*ng*na ka ha!!!" Sumbat ni Bran on rage, akmang tatayo.

"Guys!! Cut it out!! Please!! Please naman!! Huhuhuhu" pigil ni Khamyl sa dalawa, lalong umiyak ng malakas.

"Tama si Khamyl, wag na tayo magtalo saka na natin pag usapan 'to. Kailangan muna natin magtulungan." Still calm na si Sitti.

"Bumaba na tayo then.." aya ni Trev.

"And where's Gelo?" Tanong ni Sitti.

"Tumakbo na pababa pagkatapos nya makitang tumalon si Anrea." Trev answered.

Kumuha sila ng flashlights, gloves at iba pang cleaning materials at garbage bag.

At magkakasama na silang bumaba sa ground floor at lumabas mula sa pinagbagsakan ng katawan ni Anrea, sa may parking lot.

☆☆☆☆☆

At the parking lot.

Naabutan nila si Gelo, nakatukod ang kamay sa dingding at sumusuka. Nilapitan sya ni Sitti.

"You okay?" Sabi ni Sitti na hinihimas ito sa likod. Tumango lang ito at umalis agad, hindi na nila ito hinabol.

Magkakasamang nilapitan ng magkakaibigan ang bangkay, maliban sa isa.

BRAN'S POV★

Nakatalikod sa akin si Khamyl, Trev at Sitti. Pinagmamasdan na nila ang bangkay. Bangkay ng pinakamamahal kong babae, habang ako ay nakatanaw lang mula sa malayo pero sapat na para makita ang mga laman sa sahig at dugong nagtalsikan na kumalat dito. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko kapag lalo pa kong lumapit.

Sinimulan na nilang galawin ito, binuhat ni Trev at Sitti ang bangkay habang si Khamyl ay sinisimulan nang linisin ang paligid, nandidiri at ayaw ito tignan.

Iniwasan kong makita ang pagbuhat nila kay Anrea, her fresh blood is still dripping on the floor.

Nilingon ako ni Sitti. "Bran!! Ano ba?"

"Help us out here!!! Bago pa may makakita sa atin!!" Bulyaw na naman sa akin ni Trev, habang binubuhat nila ang bangkay papunta sa sasakyan nito na naka-park sa malapit.

Hindi ako makalakad, ayoko talagang lumapit. Natatakot ako, and i can't believe that this is happening to me, to Anrea, to us.

"Hindi sumagi sa isip ko 'to. Hindi sumagi sa isip ko na darating ang oras na kami ang maglilinis at magtatapon ng bangkay ng babaeng minahal ko ng halos dalawang taon." May konsensya na bumabagabag sa loob ko.

"Leave him alone, si Anrea yan! Intindihin nyo naman si Bran!" Khamyl on defending me.

"It's okay Bran, you can go. Kami na ang bahala dito." Dagdag pa nya and smiles back at me.

Nagsimula na kong umaatras, hindi ko kayang makita ang sinapit ni Anrea. Gusto kong tumakbo na lang pabalik sa kwarto at magkulong, parusahan ang sarili o kaya'y magpakamatay.

But im a coward. Duwag.

☆☆☆☆☆

Biglang may liwanag na tumama sa likod ni Bran, liwanag galing sa isang flashlight.

"Hijo, ano yan??" Tanong ng isang matabang security guard.

Napaharap si Bran sa guard, nasilaw sa liwanag na nakatapat dito. Napansin ito ng guard that's why he turned it off.

"Anong ginagawa nyo dito? Dis-oras na nang gabi ha??" Usisa ng matabang guard.

Mababakas sa mukha ni Bran ang pagkabalisa at kaba. Kaba na baka malaman ng guard ang itinatago nila at mahuli ito. Nangangatog ang mga tuhod nya ng mga oras na iyon at isa lang ang nasa isip nya... hindi maaaring may makaalam ng karumaldumal na krimeng ito.

"Hindi kami magpapahuli."

- End of Chapter 3

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon