♣ Chase ♣

2.7K 113 12
                                    

A/N: Nalilito ako kung ano ang gagamitin ko pizza store o pizza parlor? Pinili ko na lang yung store para mas maintindihan ng mga readers. Hindi po kasi lahat ay alam ko, di ako makapag-reasearch kasi limited lang din yung internet ko.

Sa pizza store.

Maaliwalas at malinis ang lugar, wala pa masyado gaanong tao ng mga oras na iyon, dahil maaga pa. Tanging iilang tao pa lamang ang nasa loob at nagkakape.

Nakaupo si officer Rico na naghihintay sa pagdating ng manager. Ilang sandali lang nang makapasok ang babaeng service crew na kanyang nakausap ay lumabas na ang manager nito.

Isang matandang babae na mukha namang mabait dahil ngumiti ito kay Rico ng magtama ang tingin nila.

"Officer, magandang umaga po sa inyo. May gusto daw po kayong makausap?" Magalang na pagbati sa kanya ng manager habang papalapit ito sa kanyang kinauupuan.

Akmang tatayo na sana si Rico.

"Naku, Sir maupo na ho kayo. Natagalan po ba kayo sa paghihintay? Gusto nyo po ba ng makakain? Moira, ikuha mo nga ang ati-- " utos ng manager sa babaeng nakausap ng officer, ngunit pinutol na ni Rico ang pagsasalita nito.

"Huwag na po kayong mag-abala, nakapag-kape naman ho ako. Maupo ho kayo." Sabay ganti ng ngiti pabalik sa babaeng serbidora at bumaling ng tingin sa matanda.

Magkaharap sila sa isang mesa na pangdalawahang tao lamang, nasa tabi sila ng isang malaking salamin na kita ang tanawin labas.

"Natanggap po namin ang tawag nyo tungkol sa isang sa aming empleyado na gusto nyo pong makausap dito. Maya-maya ay nandito na yon, pinatawag ko kaagad sya ng maaga para po maka-usap nyo na." Sabi ng matanda dito.

"Opo, at kung maari po sana ay wala nang makakalabas tungkol dito." Pakiusap naman ni Rico.

"Ay, oo naman officer. Hahaha." Tawa naman ng manager sa kanya. "Wag ka mag-alala." Habol pa nito.

At mula sa likod ng manager ay natanaw nya ang isang lalaking naka-uniform ng pang-delivery boy papalapit sa kanila, napansin ito ng matanda kaya napalingon din ito sa likuran.

"Ay! Ayan na pala sya. Oh sya, officer kayo na po ang bahala, kung may kailangan kayo ay tawagin nyo lang po ako." Tumayo na ito at nagpaalam sa officer.

"Maraming salamat ho." Sabi naman ni Rico dito.

Papalayo na ang manager nang magkatinginan sila ng delivery boy, tumango ito sa kanya at bumati, sabay upo sa bakanteng upuan sa harap nya.

"Magandang umaga po." Magalang na pagbati ng delivery boy, mukhang bagito pa ito.

Ngumiti naman si Rico. "Ikaw ba yun?"

"Opo, ako po yung delivery boy na naghatid ng pizza sa bahay ni sir Angelo Martinez." Pabibong sagot nito sa kanya.

"Alam mo naman siguro ang nangyari kay Angelo Martinez, ano?" Tanung ng officer.

"Opo, opo, sya po yung serial killer di ba po? Di ko nga po akalain na kaharap ko na sya nung gabing yun eh, at tsaka..." napatigil ang binata sa pagsasalita ng mapansin nyang nakasimangot si Rico, tumingin sya sa paligid. Pinagtitinginan na pala sila ng ilang mga costumers doon.

"Sorry, sorry.. napalakas po ata ang boses ko. Hehe." Paliwanag nito kay Rico na medyo napapayuko pa sa kahihiyan.

Nagpatuloy naman magsalita si Rico.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, bukod kay Angelo Martinez ay may iba ka pa daw taong nakita doon. Ito pa kamo ang nagbayad ng pina-deliver nya." Dumukot ang officer mula sa bulsa ng jacket na suot nya.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon