Epilogue

2.8K 100 46
                                    

Lumabas sa imbestigasyon na kinopya ng magpinsan ang istilo ng pagpatay ng The Claw, para lituhin ang mga pulis.

Nacheck ng mga otoridad ang medical records ni Bran, napatunayan na may mental disorder ang binata.

Positibong kinilala ng kaisa-isang witness si Joen, bilang isa sa mga suspect.

Pinarangalan ang mga pulis na kaugnay na nag-imbestiga at namatay sa paglutas sa krimen.

Napawalang sala naman si Anrea, dahil sa pagcounter nito ng "self-defense" sa kaso.

Bumalik si Anrea sa trabaho at nagpatuloy sa kanyang dating buhay.

4 years later...

West Christian Cemetery

Nakatayo si Anrea sa isa sa mga puntod.

R.I.P.
Brandon Stevens
December 12, 1990 ~ February 13, 2015

"Bran, alam kong hindi mo ko mapapatawad sa lahat ng nagawa ko sayo. Habang buhay kong pinagsisisihan yon. Hihingi ako sayo ng kapatawaran hanggan sa kabilang buhay, pangako babawi ako sayo sa pamamagitan ng pag-aalaga sa iniwan mong regalo.

May batang tumakbo palapit kay Anrea.

"Mama, sino kausap?" Inosenteng tanong nito sabay abot sa kamay ng babae.

Umupo naman si Anrea sa harap ng bata at nginitian ito.

"Si Papa." Sagot nya sa bata.

"Papa? Where's Papa? Di ba you said he's not here? He's on heaven na?" Usisa nito at lumingon lingon sa paligid.

Kinarga nya ang bata.

"Yes, Bran. Papa's in heaven na." Naiiyak si Anrea dahil alam nyang hindi katanggap tanggap sa langit ang mga nagawa ng ama ng kanyang anak.

Niyakap nya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo.

☆☆☆☆☆

Umaga ng Pebrero.

Abala si Anrea at Leily na nagkukwentuhan sa may salas ng bahay.

Sa tabi nila ang mga anak na naglalaro, paikot-ikot na naghahabulan.

"Tignan mo yung anak mo oh?! Kamukhang kamukha ng Daddy nya." Sabi ni Leily.

Nabigla si Leily sa nasabi nya. "Ay! Sorry Anrea. Hindi ko.."

"Ok lang Lei, kamukha naman talaga nya ang anak namin."

Na-awkward si Leily kaya naisipan nito ibahin ang usapan.

"Ay! Mabuti pa buksan natin yung T.V. para malaman naman natin mga nangyayari sa bansa natin no? Hehe." Alangan na ngiti ni Leily.

Pagbukas ng telebisyon ay bumungad sa kanila ang morning news.

Nagsalita ang newscaster.

"Ngayon araw ginugunita ang serial murder case na nakakuha ng atensyon ng buong bansa or mas kilala sa tawag na Prank Gone Wrong Serial Murder Case."

Nagpatuloy sa pag-uulat ang tagapagbalita.

"Ayon sa aming mga nasiyasat, ginawang gayahin ng magpinsan ang paraan ng pagpatay ng tinaguriang Legend Killer na si The Claw, na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan o nahuhuli..."

"Grabe talaga yung Claw na yan 'no? Parang hindi tumatanda. Ang dami nang inosenteng napapatay. Hanggang ngayon may nabibiktima pa rim sya." Sabi ni Leily kay Anrea.

Nang biglang tumunog ang door bell. Nagtaka naman ang dalawa at nagkatinginan.

"Lei, may tinawagan ka ba sa mga kaibigan natin?" Tanong ni Anrea.

"Wala ah?! Baka naman may bisita ka?" Sagot nito sa kanya.

Nagtakang lalo si Anrea, dahil wala naman syang inaasahang bisita. Nasa ibang bansa na naninirahan ang mga magulang nya at kung bibisita naman ang ibang kamag-anak nila ay dapat tumawag na ito sa kanya.

Napailing na lang ito, agad na tumayo sa at tinungo ang pintuan.

Binuksan nya ito.

"Good morning! Pizza delivery po!" Sinalubong sya ng isang matamis na ngiti ng isang pizza delivery boy.

Nagulat naman si Anrea at tinawag ang kaibigan.

"Lei! Nagpa-order ka ba ng pizza??" Sigaw nito.

"Ano?? Hindee!" Sigaw naman pabalik ni Lei.

Nilingon muli ni Anrea ang binatilyo.

"Naku, kuya hindi ata yan dito. Wala kaming inoorder na pizza eh. Baka nagkamali ka lang ng address." Nakangiti si Anrea dito.

Napansin nya na parang nakita na nya ang mukha nito. Bigla syang may naalala.

"Teka! Ikaw yung delivery boy na witness sa kaso ko! Hahaha." Gulat na sabi ni Anrea.

Sumagot naman ang lalaki. "Opo" sabay ngiti ulit dito.

Tinanong ito ni Anrea.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

Hindi lingid sa kaalaman ni Anrea na ang delivery boy ay may hawak na crow bar sa likod.

Sumagot ito.

"Ertho po."

At ngumiti ito pabalik kay Anrea.

♣♧The End ♣♧♣

Maraming Salamat..

Ang susunod na page ay pagpapasalamat sa inyong mga mambabasa, mga trivia sa story at mga random facts.

Sana patuloy nyo pa rin po akong suportahan sa mga susunod kong istorya.

GOD BLESS po! :)

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon