Random Facts, Trivias & Authors Note

3.4K 122 40
                                    

I just want to give you some info. Kung paano nabuo ang story, simula sa plot papunta sa character. Kung interesado po kayo, maaari nyo itong basahin.

Bago ang lahat, ito po pala ang statistics ng mga characters, based sa mga readers:

Most Hated, Typed Name, Suspected Character: Sitti

Most Admired & Suspected Character: Bran

Most Admired Character: Anrea

Most Pitied Character: Khamyl & Anrea

Unexpected Twist: Dr. Joen as killer and Anrea is alive

Plot. Naisip ko ang konsepto ng Prank Gone Wrong dahil sa Youtube, mahilig kasi ako manuod ng mga prank videos lalo na kapag mga may kinalaman sa mga funny at suicide pranks. Nakakatawa kasi yung mga reactions ng mga taong pinaprank.

Then one time, nakapanood ako ng video about sa lalaking prinank ng girlfriend na kunwaring tumalon ng building at nagpakamatay. Epic yung reaction nung lalaki kaya naisip ko i-apply yung idea ng prank na yun plus yung serial killer prank. Tapos naisip ko, "Paano kaya kung totoo yong nangyari? And boom! It became Coco Crunch!

Di ko naman expected na tatangkilin ito ng mga readers, kaya nagpapasalamat ulit ako sa inyo.

Characters. At dahil fan ako ng Scream, Saw, Wrong Turn, Hills Have Eyes, Chainsaw Massacre, Friday the 13th, Cabin Fever, I Spit on Your Grave, The Last House on the Left, Final Destination, You're Next, at marami pang iba na bloody movies. (Name it, i've already watched it.) Naisip ko gawing teen slasher ang theme ng story sa pinaghalo-halong idea sa mga napanood ko.

Kaya ang mga pinili ko is yung medyo mature pero suited naman sa roles ng mga characters. Usually kasi ang bumibida sa mga ganoong movies is nasa mga mid-20's pero tinatawag pa rin nilang mga teens. Lol.

Hindi ko lang sila basta pinili, bagay din kasi sa mukha nila yung mga character roles.

Trivia

◆Alam nyo ba na ni-reveal ko na kung sino ang isa sa killer? Makikita nyo ito sa Chapter 13: Truth.

Yung, Room 218, patient 114.

Kung kukunin mo yung number: 218114

Hahatiin mo ng by ones and tenths ng alternate: 2, 18, 1, 14.

At gagamitin mo ang English Alphabet para ma break ang code, lalabas ang:
2→ B
18→ R
1→ A
14→ N

Ang sagot ay, BRAN. :)

Alam nyo ba na ang pangalan ni Bran ay kinuha ko sa isa sa pangalan ng characters sa favorite kong series na Game of Thrones.

Alam nyo ba na ang original na name ni Anrea ay dapat Andrea. Aksidenteng nagkaroon ng typo noong nagsisimula pa lang ako magsulat nito, napansin ko na natanggal yung "d", maganda pakinggan yung pangalan at unique kaya naisip ko na gamitin na lang yung Anrea.

◆Alam nyo ba na nakuha ko ang pangalan ni Sitti sa isang bossanova singer na syempre ang pangalan ay Sitti. Narerelax ako sa boses nya, kaya nung narinig ko sya pangalan nya ang ginamit ko. Wala ako maisip eh.

Yung tatlo eh binase ko na lang sa mukha ng characters ko yung magiging pangalan nila.

◆Alam nyo rin ba na ang original na cast lang sa story ay anim, gawa na actually yung story sa isip ko, pero habang tinatype ko na dito biglang ang daming ideas na sumasabog sa utak ko kaya nadadagdagan yung kwento. Wala nga dapat si Inspector Carlos, Officer Rico at Si Dr. Joen eh.

◆Ang original na killer dapat ay si Anrea, pero naisip ko na clićhe na yung ganon kaya pinalitan ko.

Facts

◆Mga 1 month nang matapos ko itong first story ko. Ito lang din ang first story ko na completed.

◆Dapat under ito sa Mystery/Thriller category, kaso nagkamali ako kaya napunta sa Horror yung nailagay ko na genre.

◆Ang mga number rankings na dinaanan ko ayon sa pagkakasunod-sunod ay 99, 33, 17,15, 11, 9, 6, 7, 8, 4, 5... (Ayaw mag #1, nakakainis. Lol)

Note to Readers

Hahaha. Meron pang ganito? Ginawa ko lang naman ito para naman bigyang pansin at parangal ang mga readers na nagpakita ng dedikasyon sa pagbabasa at walang sawang pagsuporta sa aking istorya.

I would like to thank all the readers of my story. Masyado kayong madami, many to mention sana ma-appreciate nyo kahit ganito. Hehe.

Sana maintindihan nyo kung hindi ko nailagay isa-isa ang mga pangalan nyo.

Please bisitahin nyo din po ang teaser ng Prank Gone Wrong: Book II in titled Valentines Prank Gone Wrong, hindi po sya sequel nitong first, boring po kasi pag ganun.

Palike na din po nun kung nagustuhan nyo ang magiging plot ng Book II.

Paki-share na rin po sa Facebook itong story ko or i-chismis sa mga kaibigan.

Salamat po ulit. :)

God bless us.

🎉 Tapos mo nang basahin ang ☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed] 🎉
☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon