♣ Chase 2 ♣

2.7K 110 26
                                    

A/N: Surprise! Surprise! Surprise Update para sa mga masuswerteng naka-online pa sa mga oras na ito. Hahaha! Akala ko hindi ko sya matatapos ngayon araw, maaga ako mag-uupdate dahil ma-eexpire na unli ko bukas. [ awww... wawa naman. :( ] Pasensya na, mahirap lang talaga. :)

Dumiresto si Bran sa harap ng isang office building. Matapos makaparada ay pumasok sya sa gusali at tumungo sa reception hall ng building.

"Yes Sir?" Tanong sa kanya ng lady guard.

"Dito ba ang Orion Enterprises? Naandyan ba si Mr. Magbanua? Pwede ba sya maka-usap?" Sunod sunod na tanong ni Bran, parang hindi makapag-hintay.

"Oho, pero ano po bang kailangan nyo sa general manager?" Tanong ng lady guard.

"Itatanong ko lang sana si Anrea?" Pakunwari nitong walang alam kay Anrea.

"Sandali lang ho ah?" Sagot nito sa binata.

"Hindi ba pwedeng makausap ko na sya agad? May itatanong lang ako sandali lang."

Didiretso na sana ang binata ngunit hinarangan na sya ng gwardya.

"Hindi po talaga pwede sir, mag-intay muna kayo dito at itatawag ko pa po."

Saktong napansin ng isang babae ang gulo na ginagawa ni Bran.

"Oh? Bran?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng babae.

"Leily!" Habang pilit na hinahawi ang kamay ng gwardya.

"Ate, kilala ko po sya." Awat ng babae dito. Si Leily ay kaibigan ni Anrea sa trabaho, HR ito ng kompanya nila.

Tumigil naman sa pagharang ng kamay ang lady guard.

"Salamat, Lei.. may gusto lang akong itanong sayo." Sabi ni Bran, halatang atat na atat para makausap ito.

"Si Anrea ba? Bakit? Wala ka bang balita sa kanya?" Sigurado ang babae sa kailangan sa kanya ng binata. Niyaya naman nya ito na mag-kape sa cafeteria ng company building nila, para makapag-usap ng maayos.

Sa cafeteria.

Magkatabi silang nakaupo, sa harap nila ay mahabang mesa at maraming tao ang kumakain sa paligid.

"Did you two fight? Bakit mo ba sya hinahanap?" Tanong ni Leily.

"May tanong ako, tumawag ba sya sayo two weeks ago?" Hindi pinansin ni Bran ang tanong ng dalaga tuloy lang sya sa pagtatanong, gusto nyang malaman kung guni-guni ba talaga ang pagtawag sa kanya ni Anrea.

"Ha? Hindi kita maintindihan Bran?" Taka ng dalaga.

"Anrea called me last two weeks ago, at wala na akong naririnig sa kanya after that." Paliwanag ni Bran dito, kailangan na naman nyang magsinungaling para makuha ang sagot nito.

"Baka naman nagtampo sayo yun? May ginawa ka naman siguro 'no?" Pang-iintriga ng babae dito.

"Wala Lei! Promise!" Mukha nito na parang nagmamakaawa.

May biglang naalala ang dalaga.

"Ah, oo nga pala, baka naman sumunod sa mga magulang nya sa abroad? Ang natatandaan ko kasi nag-file ito ng leave three weeks ago na, then approve naman ng management after 1 week, so ayun."

"Pero tapos nun, wala na din akong narinig sa kanya." Dagdag pa ni Leily.

"Nagfile ng leave si Anrea? Wala naman pala akong mapapala dito. Hindi ko mako-confirm kung si Anrea nga tumawag sa akin. Asar!" Sabi ni Bran sa sarili.

Natapos ang kanilang pag-uusap at nagpaalam na sa isa't-isa.

☆☆☆☆☆

Sa labas ng pizza store.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon