♣ Conscience ♣

4.6K 142 58
                                    

Naramdaman ni Bran na napatayo si Khamyl sa likod. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, kailangang makaisip sya ng paraan para makapag-palusot.

"Ano Hijo??" Iwinawagayway ng guard ang kamay nito sa mukha ni Bran.

"Uhmm.. Ka-kasi p-po.. " mahina at nauutal na boses ni Bran.

Nang biglang sumulpot si Trev sa tabi nya ng hindi nya napapansin.

"Ohhh, Chief!! Good evening!!" Pagkuha nito ng atensyon sa gwardiya. Parang walang kakaibang nangyayari sa tono ng boses nito, masigla ang boses ni Trev.

"Oh? Ano bang ginagawa nyo dito? Itong si sir Bran ayaw magsalita."

"Pasensya na ho kayo, iniligpit na ho kasi namin yung basura, di ba??...Bran??" Sabay akbay nito kay Bran.

Napatango lang ito at napayuko. Halatang nininerbyos.

"At ganitong oras nyo pa napili???" May pagdududang tanong nito kay Trev. Napatingin si Trev sa name tag ng gwardiya.

"Sir Romero naman.. alam nyo naman ang ginagawa namin sa appartment ni Bran, his house is getting messy pag nag-iinuman kami doon. Puno na kasi yung trash nya, so we decided to clean it up. *winks*" Pambobola ni Trev sa sekyu.

"Ah ganun ba? Sabagay, alanganin na magpatawag ng service sa ganitong oras." Tinutukoy ng gwardiya ang maintenance crew na nangongolekta ng basura.

"Definitely!" Napapitik ng kamay si Trev, sabay ngiti sa gwardiya.

"Oh sya, mga bata.. mag-iingat kayo." pagpapaalam nito.

"Yes Chief! Dont worry!" Smiles at him. "Pasensya na nga ho pala kayo dito sa tenant nyo, medyo marami ng nainom eh. Masama na ang pakiramdam." Pahabol ni Trev na nakatingin sa kaibigan.

Ngumiti lang pabalik ang gwardiya saka naglakad palayo sa kanila.

Matapos mawala ng sekyu ay inalis ni Bran ang pagkaka-akbay sa kanya ni Trev, and he walks out.

"Tignan mo 'to! Sya na yung tinutulungan!" Sabi ni Trev.

"Trev, tama na. He had enough na." Sabi naman ni Khamyl mula sa likod nito.

Sabay lumabas si Sitti sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Trev, nagpapagpag ng kamay.

"Ok na!" Sabi nito then smiles at them.

☆☆☆☆☆

Bumalik silang lahat sa apartment ni Bran, nakaupo sila sa couch seryoso ang mga mukha nila.

"Eto na ang napagkasunduan natin, we will keep this as a secret!! Okay?!" Utos mula kay Sitti.

"Promise this!" Dagdag pa nya.

Tumango ang lahat. Maliban kay Bran.

"Si-si Anrea? Uhmm.. i mean yung corpse? Saan natin ililibing?" Nag-aalangang tanong ni Khamyl because of Bran's presence.

"We will burn it! Kami na ang bahala maghanap ng pagtatapunan dun after natin dito, para walang ebidensya. Para maka-uwi na din tayo, because I'm tired of this." Matigas na pananalita ni Trev habang dumukot ng lighter sa bulsa at sinindihan ang cigar na inipit sa labi nito.

Walang imik na tumayo si Bran and went to his room and slams the door. Napangisi lang si Trev, nang may mapansin sila.

"Wait? Si Gelo? Napansin nyo ba? Nawawala na naman sya?" Tanong ni Sitti.

"Siguro umuwi na sya, after natin sya makita sa baba kanina." Sagot naman ni Khamyl.

"Hindi talaga marunong maki-ride yung g*gung yun! Masyadong mahina ang loob pagdating sa mga ganito." Pagrereklamo naman ni Trev. *puffs smoke*

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon