♣ Before 2 ♣

2.7K 105 39
                                    

A/N: Nakatuwa basahin mga reactions ng mga naghihintay for the UD. Enjoy Reading. :)

Lumipas ang ilang oras, marami na silang naubos na alak. Tumayo na si Sitti at tumabi kay Bran, hudyat na gagawin na nila ang prank.

Nagtatawanan naman ang tatlo sa gilid nila, binulungan ni Sitti ang binata tungkol sa balak nito i-prank si Anrea kaya napa-maang ito sa kanya.

"Khamyl, pigilan mo na yan si Sitti, mukhang lasing na lasing na." Sabi ni Gelo ng saglit na mapansin sina Bran at huminto para uminom, siniko naman sya ni Trev.

"Wag ka ngang magulo, sayang yung pinaghirapan natin sa labas." Bulong ni Trev sa kanya.

Kaya naisip na sumingit ni Khamyl sa usapan ni Bran at Sitti.

"What the hell was that?!.....Bran???" Panlalaki ng mata nito kay Bran, dahil nakita nya ang paglalampungan ng dalawa.

At doon, nagsimula na silang umarte, kunwari ay nagkwento si Sitti sa kanila ng planong i-prank si Anrea, at lahat sila ay pumayag naman dito at kasamang napilitan si Bran.

"Not bad" sabi ni Trev ng marinig ang plan.

"And let the game begins" Sabi ni Sitti.

Isinagaw na nila ang plano, kaya't ilang minuto ng makasapasok sa loob ng kwarto sina Bran at Sitti ay tumayo si Khamyl para kausapin ang walang malay na si Anrea.

Umupo si Khamyl sa couch at tumabi kay Anrea, kinausap na nya ito.

"Eya.." tawag ni Khamyl sa kanya.

"Hmmm?" Tugon naman ni Anrea, eyes still on the television.

"Listen.. wag ka magagalit ha?" Mapapansin mo ang kaba sa kanyang pananalita.

"Sure,.. what is it? Ano ba yung sasabihin mo, at bakit naman ikagagalit ko pa?" Humarap sya kay Khamyl and smiles at her.

"Eh kasi... ganito yun, naisip kasi namin i goodtime si Bran, gusto sana namin kasabwatin ka? Alam mo na para maappreciate talaga nya ng husto yung prank. Hehe." pagpapaliwanag nya.

"Ok lang para lang pala sa katuwaan eh, game ako. Ano bang role ko?" Matipid na ngumiti ito kay Khamyl at hinawakan ang kamay.

"Uhmm.. nasa loob ng kwarto sila Bran at Sitti, kunwari maabutan mo sila dun na magkatabi, tapos kunwari daw magseselos ka." Medyo nag-aalangang sabi ni Khamyl dito.

Nag-iba ang mukha ni Anrea, may kutob syang may iba pang pinaplano si Sitti. Ngunit pumayag pa rin ito bilang pakikisama sa mga kaibigan.

Napansin ng dalawang lalaki na tapos na ang mga ito sa pag-uusap kaya lumapit na sila dito.

"Eya, please dont. Alam ko hindi ka ganito." Gelo trying to stop her.

"Hey! Anrea, galingan mo ha? Haha.." pang-aasar ni Trev dito. Sabay siko ni Gelo sa kanya.

"What?!" Maang-aangan pa nito sa katabi. Tinignan naman sya ng masama ni Khamyl.

"It's ok guys. Wala kayong kasalanan dito. Don't worry about me." Sabay mabilis na lumakad papunta sa kwarto ni Bran si Anrea.

Nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng kwarto, pero tawa ng tawa sina Trev sa labas.

"Gelo, where you going?" Habol ni Khamyl dito, ngunit hindi na nila ito napigilan.

Walang sabi-sabi ay lumabas si Gelo ng appartment. Balak nyang ligpitin ang props na ginawa nila sa baba at sabihin ang totoo kay Bran.

Nakita naman nilang tumakbo palabas ng kwarto si Anrea at tumungo sa pinto at nagtatatakbo paalis ng appartment.

☆ Prank Gone Wrong: Series I☆ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon