Bloody Getaway: Chapter 16

52 6 10
                                    

“Ayos ka lang?” tanong ni John Dred kay Mae Lynn. Nagulat ang huli dahil ito lamang ang isa sa mga pagkakataong si Dred ang nagsimula ng paguusap.

Tumango lamang ito.

Kagagaling lamang nila sa kusina dahil kumuha sila ng mga kutsilyo at iba pang maaring gamitin upang malabanan si January.

“Wala pa si January.” sabi nito.

“Kayanga eh. Sana nilamon na ‘yun ng lupa.”

 

“Buhangin kamo.”

 

“Tss.”

 

“Ano ba. Gusto ko lang naman matanggal ‘yang kaunting kaba mo sa dibdib.”

 

Tiningnan lamang ito ng kausap.

“Hala ka.” sambit ni John Dred.

 

“Oo na.”

Bumalik sila sa salas—kung saan natutulog si Angelo—ngunit para lamang maabutan na wala na siya sa kanyang pwesto. Halos mabitawan na nila ang kanilang dala-dalang kutsilyo.

“Shit. Nasaan si Angelo?!” sigaw ni John Dred.

“K-Kanina nandito lang s-siya ah!?” sigaw naman ni Mae Lynn.

Nilibot nila ang buong salas ngunit wala talaga ito.

“Hmm, mukhang tuwang-tuwa ka Mae Lynn dahil nasolo mo si John Dred ah? Ipagpatuloy mo ‘yan! Tutal ayan naman ang tinuro sa’yo ng nanay mo eh!” sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran nila. Humarap sila at nakita si January na nakatayo, may natuyong dugo ito sa kamay, damit, at mukha—hindi nila alam kung kaninong dugo iyon, kung kay Angel ba o sa nawawalang kaibigang si Angelo.

“Gago ka ba? Wala naman akong ginagawa eh! Skandalosa ka ah!” buntong ni Mae Lynn. Pinisil niya ang kutsilyong hawak-hawak niya sa kanyang kamay.

Napangiti lamang si January. “Sinong nga palang hinahanap niyo?” tanong nito.

Napaatras na lamang ang dalawa.

“Nasaan si Angelo!?” sigaw ni Mae Lynn.

“Ah, si Angelo ba? Nandon sa ibaba. Pinatulog ko muna saglit.” sagot ni January. Inilalahad ang kutsilyo sa mukha niya.

“Nababaliw ka na ba?” tanong ni Mae Lynn. Hindi nagsasalita si John Dred.

“Ako?” halakhak ni January. “Baka ikaw.”

“Pinatay mo silang lahat!” sigaw ni Mae Lynn. Hinihila na siya ni John Dred. Sinasabing tumakbo na.

Umiling lang si January. “Sila ang gumawa ng mga rason kung bakit ko sila pinatay. They should be thankful for me.”

“May saltik ka na,” sabi ni Mae Lynn. “Hindi ka na—“

Ngunit bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, binato ni John Dred ang hawak niyang kutsilyo sa hita ni January. Bumaon ito at napaaray siya sa sakit. Hinila ni John Dred ang kamay ni Mae Lynn at umakyat sila sa taas.

Nadapa si Mae Lynn sa isa sa mga baiting ng hagdan. Tinulungan siya ni John Dred na makatayong muli.

“Maghiwalay tayo,” sabi ni John Dred. “Mas malaki ang tsansang makaligtas tayo pareho kung maghihiwalay tayo. Basta tandaan mo, ‘wag kang gagawa ng kahit anong ingay. As long as wala siyang naririnig, hindi niya iisiping nandoon ka.”

Ayaw ni Mae Lynn sa naiisip ng kasama, ngunit wala na siyang nagawa.

“S-Sige…” sagot nito.

“Sa taas ka, sa kwarto namin. Ako dito sa kwarto nina Danielle.”

Tumango lamang siya. Inilagay sa bulsa niya ang kutsilyo at tumakbo pataas.

*****

Hinugot niya ang baril sa hita niya. Napaimpit siya sa kirot, pero ‘di na niya ‘to ininda. Agad siyang bumaba sa basement kung saan doon niya tinago si Angelo. Nakatayo ito, may lubid sa leeg nito at nakatungtong ito sa isang upuan.

Kinuha niya ang baril na nakatago sa isang malaking compartment. Nakangisi lamang ito.

“Pakawalan mo ‘ko!” sigaw ni Angelo.

                                                                                                                                              

“Ang galign mo naman, natanggal mo ‘yung busal mo sa bibig na nilagay ko,” sabi ni January, inilalagay ang baril sa lalagyan nito na nakasabit sa baywang niya, at pumapalakpak ito anng mabagal.

“Tss. Nasaan sina Mae Lynn at Dred?!” sigaw nito.

“Well, pinatakas ko muna sila. As if namang makaliligtas pa sila sa’kin ‘no. No way.” sagot ni January.

Tumungo na si January sa hagdan.

“Anong gagawin mo sa’kin?!” tanong ni Angelo. “Kung papatayin mo ‘ko, gawin mo na ngayon din!”

“Well, I am the game, ako ang masusunod.” sagot nito at tumakbo na paakyat.

Naiwan si Angelo na nakatayo. Gusto na niyang matapos ‘to, ngunit gusto din niyang mabuhay pa.

Ipinagdadasal na lamang niyang sana’y nasa mabuting kalagayan pa ang dalawang natitira niyang kaibigan.

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now