Bloody Getaway: Chapter 9

77 5 14
                                    

"A-Ano?!" sigaw ni Ronalyn mula sa kabilang linya ng telepono. "P-Patay na si Rosette at si Y-Yaj?"

"'To naman, apektado masyado." pahayag ni Angel.

"H-Hindi nga. T-Totoo ba talaga 'yon?" seryosong tanong ni Ronalyn.

"Oo nga. Ang seryoso naman kung gagawin naming joke 'yon. Natatakot na kami dito." sagot ni Angel.

"P-Paano anngyari 'yon?" tanong ni Ronalyn. Hindi pa nakasasagot si Angel ay may kumausap kay Ronalyn, ang director ng kanilang ginagawang "summer short movie".

"Sino 'yan, Rona?" tanong nito. Nalaman ni Angel na ito'y si Angela dahil sa boses nito.

"Sina Angel 'to." sagot ni Rona.

"Anong sabi? Ba't daw sila napatawag?"

"Wala. Ano daw kasi. Ano..." hindi masabi ni Rona nang direkta ang gusto niyang sabihin.

"Ano nga?"

"Patay na daw sina Yaj at Rosette."

"S-Si Rosette?!" pasigaw na tanong ni Angela.

Nagkagulo ang mga tao sa kabilang linya, naririnig ni Angel ang komosyon doon.

"Tatawagan na lang kita mamaya. Sumiklab na yung balita dito. Bwisirt 'tong mga kasama ko dito eh. Sige, sige." sabi ni Rona. "Pero teka nga pala, bakit si January hindi sumali dito sa drama club? Isa siya sa mga pinakamagaling umarte eh."

"Hindi ko din alam, eh. Itatanong ko na lang mamaya. Pero siguro kasi nga mas inuna pa niya 'tong getaway namin. You know, priorities." sabi ni Angel, tibnataas ang kanyang kilay. Kahit hindi naman ito nakikita ng nasa kabilang linya.

"Ah, sige sige. Okay, gagawa na kami ng scene. Goodbye."

"Goodbye Rona."

Binaba na niya ang cellhpone niya at nilapitan si Jerwin na tahimik lamang na nakaupo sa sofa. Malakas ang ulan at nagtext ang mga pulis na hindi sila makapupunta dahil dito.

"Bwisit talaga na mga pulis 'yan. Wala ng kwenta." wika ni Emmanuel.

"Kayanga eh. Kung kalian naman kasi kailangan, tsaka pa 'tong ulan na 'to." sang-ayon ni Angelo na nagluluto ng tanghalian sa kusina. Si Mae Lynn ay nagbabasa ng libro, at ang iba'y nanonood ng tv.

"Gusto ko nang umuwi." sabi ni Danielle.

"Ako din naman eh." wika ni January.

"Hangga't 'di pa dumadating 'yung mga pulis, mag-ingat na lang tayo." sabi ni John Dred.

"Mag-charge na kayo ng cellphones at flashlights. Mukhang mawawalan tayo ng kuryente. Susceptible pa naman ang resort na 'to sa brownout." sabi ni Angel at kumilos naman ang mga kasama niya.

*****

Nakaupo si Emmanuel sa kanyang kama at chinarge ang cellphone niya. Si John Dred ay nasa dulong kama naman, ang gitnang kama ay kay Yaj, kaya naman wala nang gumagamit nito ngayon.

"Alam mo na ba?" tanong ni Emmanuel kay John Dred. Napalingon naman ito sa kasama.

"Ang alin?" tanong nito. Humiga ito sa kama niya dahil ang panahon ay nakaaantok.

"'Yung ano...hehe." sabi ni Emmanuel.

"'Yung alin nga? Ang baliw nitong kausap."

"Hindi mo pa talaga alam?" tanong nit okay John Dred. "Ang galling talagang magtago nung negra na 'yon." bulong ni Emmanuel sa sarili niya.

"Negra? Si January?" tanong ni John Dred.

"Ah, narinig mo pala?" tanong ni Emmanuel.

"Oo naman. Tayong dalawa lang ang nandito eh." ani Dred. "Ano nga kasi? Lalabas na ako."

"'Wag mong sasabihing sinabi ko sa'yo ha?" paninigurado ni Emmanuel. "Nagpromise kasi akong 'di ko 'to sasabihin. Pero dahil nga nararamdaman kong hindi na ako magtatagal, sasabihin ko na sa'yo."

"Ang alin?"

"Si January...may kapokpokan sa'yo. Basta. Mga ganon. Ayoko nang sabihin ng direktahan. Para may partida na hindi ko talaga sinabi sa'yo. Alam ko kaya bakit sila nag-aaway parati ni Mae Lynn eh."

Nakatingin lang sa kanya si John Dred. "Oh?"

"Oo. Dahil kasi sa'yo."

Pumalakpak ang tainga ni Dred, ngunit 'di na niya ito pinahalata.

"Biro lang." binawi ni Emmanuel ang sinabi niya, kahit totoo naman talaga ito.

"Ah, sige. Bababa na ako ah. Nagugutom na kasi ako eh." sabi ni Dred at lumabas na ng kwarto. Tinignan lang siya ni Emmanuel.

"Ayoko na ngang magsalita." bulong niya sa sarili.

Inayos na niya ang cellphone niya, tiningnan ang bintana sa kwarto nila, at nagpasya nang lumabas. Ngunit pagkabukas niya ng pinto'y may nakaabang sa kanyang isang taong nababalot ng itim na damit. Nanlaki ang mga mata niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. May hawak itong palakol.

"S-Sino ka?" tanong niya.

"Ako na ang susundo sa'yo." sagot nito.

"K-Kilala ko 'yang boses na 'y-yan ah?!"

"Oo nga. Para ito na din ang huling boses na marinig mo bago ka mamatay." sagot nito at hinampas ang ulo ni Emmanuel. Tumunog nang bahagya ang bungo nito, kaya naman hinataw niya muli hanggang sa panatag siyang hati ang ulo niya sa dalawa. Bumagsak sa sahig si Emmanuel at naligo ito sa sariling dugo. Hinataw pa niya ito sa magkabilang kamay at paa hanggang sa maputol ito. Naramdaman niyang may gumagalaw at kumakaluskos sa ikalawang palapag kaya naman nagmadali na siya't umalis.

Gusto pa sana niyang pugutin ang ulo ni Emmanuel ngunit mas ayos na kung walang makahuhuli sa kanya.

Bumaba siya sa emergency exit ng bahay patungo sa maulang panahon.

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now