Bloody Getaway: Chapter 17

62 5 8
                                    

“Ugh.”

Binuksan niya ang cellphone niya at tumawag kay Rogel, isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Kasama ito sa shooting na ginagawa ng drama club ngayon.

Pinindot niya ang “Call”.

Naghintay siya ng ilang segundo at sinagot na ng kaibigan ang tawag. Ngunit ibang boses ang sumagot dito.

“H-Hello?!” sagot nito. Nangangatog ang boses nito, mistula bang nakakita ng multo.

“S-Sino ‘to?” tanong ni John Dred, pabulong.

“S-Si Christian ‘to. B-Bakit?” tanong nito.

 

“Si Rogel?”

Matagal bago makasagot si Christian. “A-Ano ‘yun ulit?”

 

“Ang sabi ko…nasaan si Rogel?” tanong nitong muli.

“Ah, w-wala n-na s-siya…k-kasi…”

 

“K-Kasi ano?!”

Walang sumagot sa kabilang linya.

“Christian? May problema ba?” tanong ni John Dred. Nakahalata na itong mayroong nangyayaring mali sa kabila.

Huminga lamang ito sa kanya.

“A-Ano bang nangyayari d-diyan?”

 

“T-Tulungan mo k-kami… si—“

Hindi na ito natapos ni Christian dahil nakarinig na ito ng putok ng baril. Nakarinig siya ng pagsigaw sa kabilang linya.

Naramdaman niyang may pumulot ng cellphone dahil sa static na binigay nito at huminga dito ang isang tao.

Kinabahan si John Dred kaya naman binaba na niya ang tawag.

“A-Ano kayang nangyayari sa kabila? Parang may hindi magandang nangyayari eh. Shooting pa din ba ‘yon?” tanong niya sa sarili niya. Naalala niyang may sarili pa pala silang problema dito, at mabilis na lumipat ang isip niya.

*****

Nagtatago si Mae Lynn sa loob ng cabinet. Kaya niyang mabaliko ang katawan niya dahil ito’y flexible, kaya naman nagkasya siya saloob ng cabinet nang nakahiga.

Nakiramdam siya sa mga yapak upang maging handa. Hinawakan niya ang kutsilyo upang saksakin si January kung saka-sakaling dumating ito, pero inisip niya lamang ang sinabi ni John Dred—na ‘wag na ‘wag siyang gagawa ng ingay.

Kaya naman naging tahimik lang siya sa buong oras na siya’y nagtatago sa loob ng cabinet sa kwartong binigay kina Dred, Yaj, at Emmanuel.

Ilang minuto pa’y nakarinig na siya nang dahan-dahang paglalakad sa may hagdanan. Hinawakan na niya ang kutsilyo nang mas mahigpit pa, kinakabahan na siya, bumibilis na ang pagtibok ng puso niya.

Narinig na niyang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya naman parang naiipit na ang lalamunan niya.

Sumilip siya sa may maliit na agwat ng cabinet at nakita si January, may hawak itong baril sa kanyang kamay. Pinilit niyang hindi gumawa ng ingay.

Nagpalibot-libot ito sa buong kwarto, sumilip-silip sa ilalim ng tatlong kama, at sa kung saan-saan pa, ipinagdarasal niya na sana’y ‘wag na niyang buksan ang cabinet, ngunit minsan, hindi lahat ng dasal ay natutupad.

Binuksan ito ni January na nakangisi—na tila baa lam na nitong nandoon siya sa loob. Sumigaw si Mae Lynn at sinipa nang malakas si January sa pagmamay-ari nito, wala na siyang alam kundi maagaw ang baril sa dating kaibigan.

“Argh!” sigaw ni January nang masipa siya. Napatumba ito sa sahig at napapikit sa sobrang sakit. Malakas ang pagkasipa sa kanya kaya naman halos napaiyak na siya.

Dinaganan siya ni Mae Lynn sa mukha. Parang nabasag ang buto niya dito dahil sa lakas ng impact na binigay nito sa kanya. Lumaban si Mae Lynn na para bang ito na lang ang pagkakataon niya, na totoo naman.

Pilit na inaagaw ni Mae Lynn ang baril sa kamay ni January habang nakadagan ito sa kanya, ngunit ayaw ng huli na magpatalo, na naging rason nang pagbabaril sa iba’t-ibang direksyon. Nasagi ito ni Mae Lynn nang malakas at tumalsik ang baril sa kabilang dulo ng kwarto.

“Fuck.” bulong ni January. Nakadagan pa din dito sa Mae Lynn at paulit-ulit niya itong tinatalunan. Nararamdaman na niya ang sakit.

Naalala ni Mae Lynn ang kutsilyo at kinuha niya itong muli, nalaglag ito ngunit kaya naman niya itong abutin kaya naman inabot niya ito’t sinaksak si January sa tiyan.

“Arggggh!” sigaw ni January. Ibinuhos niya ang kanyang buong lakas at itinulak si Mae Lynn. Nauntog ito sa sahig at dahan-dahang nakatayo naman ito.

Nakatayo din si Mae Lynn agad-agad. Tumakbo siya papunta sa baril ngunit nasabunutan siya ni January.

“Ahhh!” sigaw niya,

Hinigpitan pa ni January ang pagsabunot kay Mae Lynn at hinila ito upang lumapit ito sa kanya.

“Hindi mo ‘ko kaya. Binalaan naman kasi kita.” sabi nito. Hinila niya ang kutsilyo sa tiyan niya nang buong lakas, napapikit siya dahil dito, at sinaksak sa likuran si Mae Lynn.

Natumba ito sa sahig.

Hinila ni January si Mae Lynn sa kanyang kamay pababa patungong basement.

It's Dark Insideحيث تعيش القصص. اكتشف الآن