Bloody Getaway: Chapter 13

70 6 20
                                    

“Ano ba ‘tong nangyayari sa atin?!” sigaw ni Angel. Nakatayo siya sa pintuan ng kusina. Nakita niya sina Danielle at Jerwin na mayroong kutsilyo sa leeg at sa mata, respectively.

Si Mae Lynn ay nakatungo lamang sa lamesa sa may salas, at si John Dred naman ay nakahiga sa isa pang sofa. Si Angelo, na galit na galit kagabi ay kinalimutan na muna ang lahat dahil patay na, nang sabay, ang kanilang kaibigan. Si January naman ay nasa taas, kagigising lamang.

At dahil lima na lamang sila, ang mga suspects ay umoonti nang umoonti.

Binuhat ni Angelo ang katawan ni Jerwin. Ang kutsilyo’y nakabaon nang malalim sa mata nito. Hindi na niya muna kinuaha ng kutsilyo dahil ayaw niya munang madumihan ang katawan niya. Sobrang aga pa.

“Araw-araw na lang ba tayong may gan’to?” tanong ni Mae Lynn. “Gusto ko na lang umuwi.”

Tumingin sa kanya si Angel. “Oo nga, kailangan na lang nating umuwi, wala. We started as ten, now we’re halfway from losing everyone.”

“Ano? ‘Yung mga pulis walang kwenta eh.” sambit ni Mae Lynn, tumayo sa sofa na inuupuan niya.

“’Yung bagyo? Paano?” tanong ni John Dred.

“Hindi naman bawal ang bumiyahe nang may bagyo eh.” sabi ni Angel. Lumabas na si Angelo bitbit-bitbit si Jerwin. Hindi na siya nag-abala pang mag-payong kahit na umuulan nang sobrang lakas sa labas.

Tinignan muli ni Angel si Danielle na nakalatay sa sahig. Wakwak ang leeg nito at ang dugo nito’y nangingitim na dahil sa sobrang dami. Simula nang dumating sila dito, hindi na sila natigil sa paglilinis ng dugo, at wala silang kaalam-alam kung sino ba talaga ang pumapatay.

Pero ito lamang ang tanging alam nila: nasa kanila lamang ito.

“Tulungan niyo na nga ako dito sa pagliligpit dito,” utos ni Angel kina January at Mae Lynn. “Tara na. Para madami pa tayong oras na makapag-impake.”

Agad naman na kumilos ang dalawa at pinunasan na nila ng tela at basahan ang napakakalat na dugo ni Danielle. Nakadilat ang mga mata nito na nakapagpatakot sa kanila.

Nakabalik na si Angelo mula sa rumaragasang bagyo at wala na si Jerwin sa mga kamay nito. Tumingin lamang sa kanya si Angel, samantalang ang iba nama’y hindi siya binigyang-pansin.

“Si Jerwin?” tanong ni Angel.

Hindi siya tinignan ni Angelo, patuloy lamang ito sapaglalakad. “Wala na. Nalibing ko na siya.” sagot nito.

“Ah, sige.” tanging sambit ni Angel. Tinuloy na niya ang kanilang paglilinis. Kalauna’y tumulong na din si John Dred sa kanila upang mapabilis ang kanilang paggawa. At ilang oras pa ang nakalipas ay natapos na nilang malinis ang sahig ng kusina at sina Mae Lynn at January naman ang umako ng paglilinis sa katawan ni Danielle.

“Sige, pagkatapos niyan, umakyat na kayo sa taas at magimpake na kayo.” utos ni Angel at umakyat na siya pati na din si Dred sa mga kwarto nila.

*****

Mag-isa na lamang si Dred na gumagamit ng kwartong ito. Wala na sina Yaj at Emmanuel. Bakit kaya hindi pa siya namamatay?

Hindi niya alam.

Walang nakaaalam.

Tumayo siya sa kanyang kama at nagsimula nang maghakot ng kanyang mga damit at inilagay ito sa loob ng kanyang maleta. Umuulan pa din nang malakas—madilim ang langit, at malalaki at mabibilis ang pagpatak ng ulan. Hindi siya kampante na makaaalis sila dito ng buhay dahil na din sa sama ng panahon.

*****

Nakahiga lamang si Angelo sa kama niya. Wala na ding gagamit ng kamang katabi ng sa kanya, dahil wala na si Jerwin. Pinatay na ito.

Ayaw niyang makipag-usap sa mga kasamahan niyang natitira dahil na din sa sama ng loob niya sa mga ito. Kagabi nakapagimpake na siya kaya naman wala na siyang inaalala ngayon.

Hindi niya alam kung sino ba talaga ang gumagawa ng mga ito, at ang ideya na isa sa mga kaibigan niya ang gumagawa nito sa kapwa kaibigan niya ay hindi na niya kayang isipin pa.

Tahimik lamang siya ng ilang minuto nang walang sinasabi o iniisip. Nakatingin lamang siya sa kisame ng kanyang kwarto.

Nakarinig siya ng katok sa pintuan niya. Bigla siyang kinabahan.

“Ah, baka si John Dred lang ‘to.” bulong niya sa sarili.

Lumakas pa ang katok kaya naman bigla na siyang kinabahan. Sino ba ‘to? isip-isip niya. Si John Dred lang naman ang kasama niya sa third floor, at ang mga babae’y nasa baba.

“Sino ‘yan?!” sigaw niya. Hindi na siya nagtitiwala sa kahit sino ngayon. Wala na siyang pinagkakatiwalaan, kahit ang sarili niya.

Walang sumagot. Kaya naman naghanap siya ng kahit anong bagay na maaaring ipanghampas dito. Kung wala itong balak na gawing masama, sasagot ito.

Kinuha niya ang lampara na nakapatong sa maliit na desk sa gitna ng dalawang kama at inihanda ito sa kanyang pagbukas.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pintuan at binuksan ito nang mabilis.

“Shit.”

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now