Bloody Getaway: Chapter 1

306 9 0
                                    

"Just stop, okay?" sabi ni Angel, isang mayamang may dugong Amerikano, sa kanyang mga kaibigan na nag-aaway away kung bakit ba sila nasiraan ng gulong sa gitna ng Kentucky Road, sa Nagilan City. "Wala na tayong magagawa. The tire is broken, and we shouldn't let our friendship to be broken, too." tumingin siya sa mga mata ng bawat isa sa mga kasama niya. "Diba?"

Nasa labas sila ng kanilang van at nakatirik ang araw dahil tanghaling-tapat na, kaya't mukhang mainit ang ulo ng lahat. Si Angelo, isa sa mga nakatatanda sa grupo, at tumatayong kuya ng lahat, at inaayos ang isang gulong sa harapang bahagi ng van.

"Yeah, yeah. It's just that, this is so frustrating. Like, ginawa natin 'to to release the pressure in our bodies, pero nakakafrustrate din 'to, eh." sagot ni January, ang palabara sa grupo nila.

"Act like a proton and stay positive kasi." sabat ni Jerwin, ang kaaway ni January kanina pa.

"Okay, okay. Tama na. Ayoko na." sagot ni January, itiniataas ang dalawang kamay sa ere, at pumasok na ito sa loob ng van. Tinignan na lamang siya nina Angel at Jerwin.

"Ano bang problema niyo?" tanong ni Angelo mula sa gilid ng van. Tumingin siya kina Jerwin at Angel. "Wala na lang munang magsasalita, pwede ba?"

"Okay." sabay na sambit ng dalawa. Sabay naman ang pagkaripas sa paglabas ni Mae Lynn at ni Danielle sa van.

"Shit! Shit! Signal shit! Signal!" sigaw ni Mae Lynn habang hawak-hawak ang iPhone niya, iwinawagayway niya ito sa ere. Nakasunod lang si Danielle sa likod niya. Tinitigan lamang sila nina Angelo, Jerwin, at Angel.

"Anong meron?" tanong ni Angelo, puinupunasan ang pawis na tumutulo sa noo niya. Hindi pa siya tapos sa pagaayos ng gulong ng sasakyan.

Lumingon si Danielle at nagsalita, "Si Bianca, uuwi daw dito sa Pilipinas! Shet!"

Nagulat ang tatlo at nagtinginan sila. Tumakbo papalapit sina Angel at Jerwin kina Mae Lynn at Danielle at nakisilip sa video chat ni Bianca, isa sa mga malalapit nilang kaibigan noong third year high school sila ngunit lumipat ng New Zealand nang sila'y magfou-fourth year na. "Patingin ako!" sigaw ni Angel.

"Hello Angel!" sigaw ni Bianca mula sa kabilang linya.

"Hiiiiiii Biancaaaa! I miss you na!" sagot ni Angel sa taong nasa kabilang linya.

"I miss you too! Lahat kayo!" sabi niya sabay tawa. "Uuwi ako diyan this June! Excited na ako!"

"Ba't June pa?! April pa lang ngayon ah!" paghihimutok ni Jerwin sa camera.

"Eh ayun 'yung ini-schedule ni Mommy sa'kin eh." sagot ni Bianca.

"Pasalubong namin ah!" singit ni Danielle.

"Oo naman! Kayo pa ba mawawalan? Hahaha." sagot ni Bianca, napalingon siya sa kanyang likuran. "Ay, wait lang! Tinatawag ako ni Mommy. Sige, aalis na muna ako! I'll just call you later guys!" paalam ni Bianca at nag-offline na siya.

"Byyye!" sigaw nilang apat. Ci-nlose na ni Mae Lynn ang app at itinabi ito sa bulsa niya.

"Icharge mo 'yung pocket wi-fi mo ha pagdating natin sa resort." ani Danielle sa kanya.

"Obviously. Duh?" sabi ni Mae Lynn at pumasok na sa loob ng van. Naiwan sina Jerwin, Angelo, Angel, at Danielle sa labas ng van-sa ilalim ng tirik ng araw.

"Danielle..." tawag ni Angel dito. Lumingon naman si Danielle kay Angel.

"Bakit?"

"Ang init-init ah. Ba't 'di mo muna hubarin 'yang sweater mo?"

Natahimik si Danielle. Nakatingin lamang sa kanya si Angel. "Ah...hehe, nako 'wag na. Hindi naman ako naiinitan, eh. Salamat na lang." sagot nito sabay pasok sa loob ng van. Hindi naniwala si Angel dahil tumatagaktak ang pawis ng kaibigan ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.

"Hay, low bat na ako! Nakakainis naman oh!" reklamo ni John Dred mula sa loob. Ang pinakamakulit sa grupo. Hawak-hawak niya ang cellphone niya at nakatalikod siya kay Yaj, isa din sa makukulit sa grupo nila.

"Ba't ba kasi nalolow bat ka kaagad? 'Yang kaadikan mo sa porn tigil-tigilan mo ha!" sigaw ni Angel mula sa labas. Sumandal siya sa pintuan ng van at tinignan lamang ang dalawa. Si Mae Lynn ay nasa pinakalikuran katabi ang mga natutulog na sina Emmanuel at Rosette at ang nagmumukmok na si January.

"Hindi ako nanonood!" ani John Dred.

"Talaga? Eh kanina ko pa kaya naririnig! 'Yung earphones mo kaya hindi naka-connect!" sabi ni Yaj at iwinagayway ang jack ng earphones ni John Dred na akala niya'y nakasaksak. Halos hindi na makahinga si Yaj dahil sa sobrang kakatawa at halos hindi na makahinga si Dred dahil sa sobrang kahihiyan. "'Yung mga ungol kanina ko pa naririnig. Nakakairita." sambit niya sabay tawa.

"Nice one, Yaj." sabi ni Angel.

"Nakakatawa ka kaya, Dred. Kunwari pa eh! Ayos lang 'yan, tanggap ka namin."

"Wow ha. Parang ako lang nanonood dito! Hoy, alam ko lahat tayo may ginagawang iba. Magaling lang talaga kayong magtago." ani Dred.

"Alam mo, 'wag ka nang mahiya. Lahat kami dito nahuli ka nang nanonood. Minsan nga may nakahuli pa sa'ming..." hindi na tinuloy ni Angel ang sasabihin niya.

"Tama na 'yan, pinatay ko na 'yung pocket wi-fi. Hindi na 'yan." sabat ni Mae Lynn. Napatingin ang lahat sa kanya.

"Asus. You cannot stop a habit, especially when it becomes an addiction." sabi ni Angel.

"Ang harsh mo naman. Ano? Ginawa mo na akong sobrang malibog?" pabirong sambit ni John Dred.

"Maybe. Sa ilang taon na nating magkakilala at sa ilang ulit ka naming nahuli eh hindi pa ba kami magju-jump into conclusions?" sarkastikong sagot ni Angel.

"Oo na. Bwiset." patawang ani John Dred. Si Yaj ay nakikipagtext na lamang.

"Okay." sabi ni Angel at kumindat siya kay John Dred-isang gesturang lagi niyang ginagawa. Ang kumindat sa kahit kanino-at umalis na siya. Lumapit siya kina Jerwin at Angelo na ngayo'y nagtutulungan na para maayos ang gulong. "Matagal pa ba 'yan Angelo?"

Tumingala si Angelo kay Angel. "Oo. Medyo matagal-tagal pa. Maghain na kaya kayo ng tanghalian? Alam niyo naman kung nasaan nakalagay diba?"

"Yep."

"Good."

Umalis na si Angel at binuksan ang back compartment ng van at inilabas na ang mga utensils at ang inihanda nilang tanghalian. At dahil na-stranded sila sa isang isolated na daanan, naglatag siya ng picnic blanket sa ilalim ng isang malaking puno at doon dinala ang mga pagkain. Ginising naman ni Mae Lynn sina January at Emmanuel at dumiretso na silang lahat sa ilalim ng puno.

Tahimik na kumain ang siyam na magkakaibigan. Hanggang sa nagsalita si Jerwin. "This is not planned."

"I know right." sang-ayon ni Angel.

"Malapit na naman na atang mnatapos si Angelo, 'di ba?" tanong ni January habang nagsasalin ng tubig sa water bottle niya.

"Medyo matatagalan pa nang kaunti, pero kung tutulungan niyo ako, matatapos natin 'to nang mabilis." sagot ni Angelo.

"Okay, okay, pagkatapos nating kumain dito tulungan na natin si Angelo sa gulong. I just wanna lie down on a soft bed right now." sabi ni Angel at sumubo na siya ng isang kutsarang pagkain.

It's Dark InsideDär berättelser lever. Upptäck nu