Bloody Getaway: Chapter 4

99 6 4
                                    

"The weather is fucking beautiful. The sun is a bitch." sabi ni Mae Lynn habang nakahiga sa mapuputing buhangin at may hawak na baso ng mango juice. Nasa mababaw na parte naman ng dagat sina Jerwin, Yaj, Emmanuel at John Dred at nagbababad sa ilalim ng sumisiklab na araw.

"You are a bitch." pabirong sabi ni January.

"Lol," sagot ni Mae Lynn kay January, tumatawa din ito. "Abnormal ka talaga!" tuloy nito at sabay na hinampas nang pabiro si January sa braso nito.

Hindi na sumagot ang huli at uminom na lamang ito ng juice.

*****

"Ayos ka na ba, Angel?" tanong ni Danielle habang sinasalinan ng tubig ang baso na nakalapag sa ibabaw ng maliit na cabinet sa tabi ng kama ni Angel.

"Mm-mm." sambit nito. Inabot ni Danielle ang baso sa kanya at uminom naman ito. Napansin nitong naka-t-shirt lamang si Danielle at nakita nito ang mahabang peklat sa balat nito. Nagulat siya at nasamid. Tinignan siya ni Danielle, nag-alala ito at nagging aligaga.

"A-Anong nangyayari, Angel? Ayos ka lang ba?"

"O-Oo..." sagot nito. Nakatingin lang si Danielle sa kanya. Tinuro nito ang peklat sa balat niya. "A-Ano 'yan?"

Napatingin si Danielle sa balat niya. Nagulat ito at mistulang kinabahan. "Ah...kasi ano 'yan, nakaskas ko sa may kutsilyong nakausli dun sa kusina namin..."

"Nagsisinungaling ka," ani Angel. "Alam kong may malalim at may mas maitim na dahilan 'yan." turo nitong muli sa balat niya.

May katahimikan sa buong paligid.

Nagbuntong-hininga si Danielle. "K-Kasi-"

"Sa'tin-sa'tin lang. Walang lalabas. Walang makaaalam." sabi ni Angel at hinawakn si Danielle sa magkabilang braso nito. Tumingin lamang ang huli sa mga mata niya nang matagal, mistulang nagdadalawang isip pa.

"S-Sige..." sambit ni Danielle. Umupo siya sa kama at tinabihan si Angel. "D-Dahil 'to kay Y-Yaj..." tuloy nito. Napakunot ang noo ni Angel. At umiyak na si Danielle.

"H-Ha?" tanong ni Angel. "As in...si Yaj natin?"

Tumango si Danielle. "Oo. Magkaklase kami nung Grade 4 kami, at ako ang lagi niyang binubully noon. Wala akong magawa, dahil ams malaki siya kaysa sa'kin, at tinatakot niya ako-" napatigil ito. Tumingin muli kay Angel, at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"S-Sige lang." wika ni Angel.

"Tinatakot niya ako na kapag hindi ko binigay ang allowance ko sa kanya, may gagawin siya sa'kin."

"Oooohhhh. As in gagawin na 'Ooooooooh'?" ani Angel sa kakaibang boses na tila ba nangaakit.

"Gaga. Hindi ganon. Ang libog mo talaga kahit kalian." pahayag ni Danielle.

Nakatingin na lamang si Angel sa kanya.

"As in, sasaktan, sasapakin, mga ganon. At ng malaman ito ng mga magulang ko dahil nahalata nilang lagi akong gutom pag-uwi sa bahay, nalaman ito ni Yaj, at noong PE time namin, nang kami lamang ang naiwan sa gymnasium noon, nilapitan niya ako. Akala ko manghihingi na naman siya ng pera ngunit kinuha niya ang ballpen niya at binaon ito sa braso ko, at pinadaan ito hanggang sa kamay ko. Umiyak ako sa sakit. Tumakbo siya palayo at iniwan ang ballpen sa pagitan ng balat ko. Hindi ko siya kayang tignan, nandidiri at natatakot ako. Tinawag ng mga kaklase namin ang teacher naming at dinala ako sa clinic. Nagkaroon ako ng trauma sa nangyari."

Nakatingin lang si Angel sa kanya. "What the eff. Yaj is a douchebag."

"Ayoko nang maalala pa lahat. Kung ano pa 'yung mga bagay na ayaw nating maalala, ayon pa ang mga bagay na pilit na tatatak sa isipan natin, at kung ano pa ang mga bagay na gusto nating maalala, ayun pa 'yung mga bagay na nakalilimutan natin sa isang iglap lang."

"Dami mong alam. Sa'ng telebnobela mo na naman ba nakuha 'yan?"

"Tch."

"Kidding aside, pero alam mong si Yaj natin ang gumawa niyan sa'yo, alam niya bang ikaw 'yong babaeng sinaktan niya dati?"

Napaisip si Danielle. "H-Hindi ko alam...pero siguro, may pangitain siyang ako nga 'yon. Kayanga lagi akong nakajacket o naka long-sleeves eh, dahil baka kapag nakita niya 'to, baka maalala niya ang lahat, at baka masira ang pagkakaibigan natin." Nalaglag ang balikat ni Danielle. Niyakap naman siya ng kasama niya.

"Hindi 'yan. Kailangang malaman ni Ya-"

"'W-Wag! Ang sabi mo walang makaaalam ha? Please, keep a promise." sabi ni Danielle.

Nagisip-isip si Angel. "Ahuuhh. Okay, promise kept."

"S-Salamat..." ani Danielle.

Tumango lang si Angel.

"Lalabas na ako ha? Titignan ko muna 'yung nasa labas."

"Go ahead."

Lumabas na si Danielle at naiwan si Angel sa kwarto niya. Nagtalukbong na lamang ito at sinubukang matulog muli. Masakit at sariwa pa ang sugar niya sa likuran kaya naman limitado lamang ang mga galaw na pwede niyang gawin.

*****

"Kamusta si Angel?" tanong ni Angelo nang makababa si Danielle ng resort house. Nagiihaw ito ngbarbecue.

"Ayos lang siya. Nagpapahinga." sagot ng una.

"Kain na," aya ni Angelo. Tumingin siya sa paligid at nandoon sina Mae Lynn at January sa ilalim ng isang malaking payong at kumakain ng chips, habang ang mga lalaki naman ay binabaon ang sarili nila sa ilalim ng buhangin. "Habang mainit pa."

Inabot ni Angelo ang isang stick ng babrcue at tinanggap naman ito ni Danielle. Kinain niya ito nang mabagal.

"Si Rosette nga pala?" tanong ni Angelo, nagpapaypay sa iniihaw niya.

"Nasa taas. May inaayos lang." sagot ni Danielle.

"Ah, sige-sige. Matagal pa ba 'yon?" tanong nito. "Tanghalian na kasi eh."

"Hindi ko lang alam."

"Hindi ka ba magsi-swimming?"

"Bakit ikaw?"

"Ayoko, eh."

"We're mutual."

It's Dark InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon